Ang inaasahan ko ay magagalit sila. Sa isip ko ay nasisiguro kong itatakwil nila ako oras na malaman nila ang tungkol dito. Nakini-kinita ko na ang magiging reaksyon nila dahil ilang beses nilang sinabi sa 'king labag ito sa batas nila. At napakalayo no'n sa mga nakikita kong reaksyon nila ngayon, higit na sa pagiging blangkong mukha nila.

Pero ano ang nangyari? Bakit imbes na galit ay tuwa ang aking nakikita? Sa halip na pagsabihan ay binati pa nila kami. Hindi sa namimili ako, totoong dapat nga ay matuwa pa ako dahil ganito ang naging reaksyon nila. Pero sadyang nagugulat ako at nalilito. Natatandaan ko kung ilang beses akong nilamon ng konsensya at pangamba kung kailan huli na ang lahat. Hindi ko na yata talaga maiintindihan ang pamilyang ito kahit kailan.

"We're...not yet sure," kapagkuwa'y dagdag ko.

"I am," inosenteng ani Maxwell, sinisiguro sa aking sigurado talaga siya.

Nagugulat ko siyang nilingon saka pinagkunutan ng noo. "Hindi tayo sigurado, Maxwell," mariin kong sabi. "Paano mo naman nasiguro?"

"Baby..." Lumapit siya na may ibubulong. "Nilahat ko."

Umawang ang labi ko saka nakagat ang labi sa inis. Hindi ko siya napigilang paluin. What the hell! "Amaw!" pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko. Nasisiguro kong hindi lang kami ang nakarinig no'n.

"She's pregnant," talagang hindi maka-move on si Maxwell! Sinabi niya na naman 'yon nang nakangiti, proud na proud! This amaw! Grr! "I'm sure she's pregnant," dagdag pa niya!

Talagang magagalit na ako, sa sama ng tingin ko sa kaniya ay pwede na siyang bumaon sa kinatatayuan. Pero hindi ako makapaniwalang puro tuwa at saya ang nababasa ko sa kaniyang mukha. Mula sa kaniyang mga mata, sa naka-strech na mga pisngi, hanggang sa mga ngiti sa kaniyang labi, lahat ay pulos tuwa at saya ang makikita. Hindi talaga ako makapaniwala.

"I'm gonna be a father," nakatulala sa kung saan, nakangiting aniya. "I'm going to have a son and daughter...children," nilingon niya ako. "With you, Yaz."

"Maxwell..." kumibot ang mga labi ko.

"I'm going to see this face when I open my eyes in the morning and before I close my eyes in the evening, huh?" aniyang sinuyod ng tingin ang mukha ko.

Lumambot ang puso ko at emosyonal na napayakap sa kaniya. Ako dapat ang magsabi no'n. Ako dapat ang makaramdam ng gano'ng tuwa at saya. Sa tagal kong pinangarap ang lalaking 'to, kung paano ko siyang kinabaliwan na halos wala akong itira sa sarili ko, hindi ko inaasahang maririnig ko ang mga 'yon sa kaniya.

Nayakap ko siya. "I love you, Maxwell," mahinang sabi ko.

"I know," batid kong nakangiti siya nang isagot 'yon. "And I love you, too."

Hindi pa rin ako makapaniwala. Siguro ay kailangan ko pang bigyan ng ilang oras o araw ang sarili ko para matapos ang aking gulat. Hindi ko alam kung kailangan ko bang ipagpasalamat na iba ang inasahan ko, na nakaramdam ako ng takot at nakonsensya. Dahil ganito ang naging resulta.

'Ayun nga at ako ang pinagdesisyon nila kung ano ang magiging hapunan. Pinapunta nila doon si Wilma para ipagluto kami. Ayaw akong patayuin ni Tita Maze. Si Maxpein ay panay ang paalala kay Maxwell na pagsilbihan ako. Si Mokz ay nagtatanong kung ano ang aking gusto. Si Tito More ay hindi mawala ang ngiti sa akin habang inaabisuhan ang anak sa mga kilos at nararamdaman ko. Si Maxrill ay inalay na ang lahat ng pizza niya sa akin at ginawan ako ng salad.

"So, what should we do now?" hindi ko napigilang magtanong habang kumakain. Hindi yata ako patatahimikin ng pag-aalala. "Alam kong bawal ito..." nadagdagan pa nga ang pangamba ko.

LOVE WITHOUT LIMITSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon