Chapter 17: Provincial Life

62 12 0
                                    


*Knock*

Kinuha ko ang bag ko at sinuot ang bonnet sabay bukas ng pinto. Tumambad sakin ang napakalaking ngiti ni Pao.

“Tara na Peaaarl!!” Sabay hila sa hawak kong bag.

“Akin na ‘yan ako na magbibitbit!” Wala na akong nagawa dahil bigla niya nalang iyon hinila. Bahala siya.

Ni-lock ko na ang pintuan ng kwarto ko at lumabas na kami ng apartment. Naglakad kami palabas ng subdivision at sumakay ng bus papunta sa terminal.

“Hooo grabe excited na ako!” sabi niya pagkaupo namin ng bus.

“Ako din! First time kong pupunta doon.”

“Eh sa Baguio ba naka-gala ka na ‘don?”

“Hindi pa. Ikaw?”

“Hindi pa din nga eh… gala tayo dun ha?!”

“Akala ko ba Buscalan at Sagada ang pupuntahan natin? Diretsong Buscalan ang sasakyan natin.”

“Ah ganon ba. Oh sige. Pero balikan natin Baguio ha?!”

“Oo sige. Pero bakit hindi mo pa napupuntahan ang Baguio? Akala ko ba every weekend ka nagta-travel?”

“Ehhh… nito lang naman ako nagsimulang magtravel eh. Tsaka inubos ko muna lahat ng bundok at dagat sa Batangas. Hahahhaha!” Nagtaka naman ako.

“Bakit Batangas?”

“Hala diko ba nabanggit sayo?”

“Ang alin?”

“Doon sa Batangas ang ampunan. Kaya doon din ako madalas gumagala para makadaan ako sa ampunan.”

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Ilang beses na akong pumuntang Batangas nang walang kamalay-malay na nanggaling na pala ako doon. At hindi ko din inaasahang bumabalik padin pala siya sa ampunan.

Tumayo na kami at bumaba na sa terminal. Sumakay kami sa bus byaheng Tabuk na bi-nook pa namin online. Nilagay niya ang mga gamit sa top compartment at naupo ng komportable sa tabi ko. Sumandal din ako at tumunghay sa bintana. Nagulat ako nang ilagay niya ang isang earpod sa tenga ko.

[Song Playing: Close to you by Carpenters]

Napatingin ako sakanya sa pagtataka.

“Oh baka ayaw mo padin niyan ah? 60’s and 70’s playlist ‘yan! Nahahawa na ako sa katandaan mo.” Ay wow ah?!

“Pshhh.”

“Bakit ba ang hilig mo sa makalumang kanta? Hahahhaa.”

“Ewan ko… I just feel relaxed whenever I listen to them.”

Bigla niya naman pinatong ang ulo niya sa balikat ko.

“Ako naman… I feel relaxed whenever I’m with you.”

I just smiled with what he said. I feel the same way, kahit na napaka-kulit niya. Hindi na ako sanay ng hindi siya kasama o nakikita o naririnig. Sanay nadin ako sa araw-araw na  pagkatok niya sa pintuan ng kwarto ko para pumasok sa trabaho; pag-aalmusal sa paborito naming kainan; at paghintay niya sakin sa apartment tuwing uuwi ako. Well this week kasi sunod-sunod ang pagyaya sakin ni Nicholas tuwing uwian. Akala ko last na ‘yung sa art gallery, pero dahil pabalik na ng US ang mom niya, niyaya ulit nila akong magdinner ‘nung Thursday. But today, hindi kami lumabas, dahil wala namang okasyon at dahil din kailangan kong mag-prepare para sa travel namin ni Pao.

Naalala ko tuloy ‘yung painting na binili ni Nicholas. I researched the name of the author that night because of my overly curious mind. And guess what does ‘Margalit’ mean? It’s a Hebrew term for ‘Pearl’. Yes. It’s my childhood name – I mean my real name. I don’t know if there’s really a connection between my past and that painting; or it’s just a mere coincidence. I really don’t know. Haaaay. But right now isn’t the time to think of that… erase! Erase! I’m here to relax and enjoy.

WanderersWhere stories live. Discover now