Chapter 11: My plan didn't go well...

121 38 0
                                    


The following day, I kept my distance from James... and Nicholas too. I thought about it last night, that the issue is not just with James, it's for all the people whom I get attached to. The more I get myself involve to anyone, the more I'm prone to damage - damage from my past and me-damaging-them scenario. And so as soon as possible, I need to stop this, I must stop it, before anything worse happen.

Nanatili akong tahimik. Sa pagtulong sa pag-aasikaso, sa pagkain at sa pagliligpit. Well nothing really changed, tahimik naman talaga ako parati. But I know James and Nicholas noticed it. I don't have much choice, so... I have to bear this.

Niyaya nila akong magswimming dahil maya-mayang hapon ay aalis nadin kami, pero tumanggi ako at nanatili lang sa kubo. Nagdahilan nalang ako na masama ang pakiramdam ko para hindi na sila mangulit. Naiwan akong mag-isa sa kubo na nakatulala lang at walang humpay sa pag-iisip. Ang sakit na ng ulo ko, ayaw tumigil ng utak ko sa kaka-isip ng kung ano-ano.
Nagsasanga-sanga ang mga bagay sa isip ko at hindi ko iyon makontrol.

Hay bakit ba ganito? Kung kailan ako nagiging masayang kasama sila tsaka pa nagkaroon ng ganitong revelation. Parang may nagko-kontrol sa bawat pangyayari sa buhay ko na bawat kilos ko ay biglang may nangyayaring hindi maganda. At kung meron nga, napaka-sama niya kung ganon! Kung totoong may diyos na nagplano at gumawa ng lahat, well gusto kong sabihin na palpak ang plano niya. At lalo na, nagkamali siya na ginawa niya ako. Pero hindi ko naman 'yon alam kung meron nga talagang diyos o wala.

Kung papipiliin ako, gugustuhin kong mayroong diyos, para naman may sisihin ako sa lahat ng 'to, sa lahat ng nangyayari sakin, at sa iba pang mga tao. Kasi ngayon? Wala akong ibang masisi kundi ang sarili ko. Yes!! All I can blame is myself for being ME. Pakiramdam ko eh kasalanan na mabuhay ako, kasalanan na maging masaya ako. Hindi ko din masisi ang mga magulang ko dahil unang-una hindi ko alam kung ano ang dahilan nila sa pag-iwan sakin. Iniisip ko na nasa akin talaga ang mali kaya sila umalis. At kung ako ang mali, hindi na ako magiging tama sa kahit na sino, dahil mismong magulang ko nga ay ganoon ang tingin sakin. Paano pa ang ibang tao?

Maya-maya lang ay nagsi-balikan na sila na naka-bihis na at handa ng umalis. Lumabas ako ng kubo dala ang mga gamit ko para sumakay na sa sasakyan ni Nicholas.

"Theaa!" Tawag sakin ni James paglabas ko ng cottage.

"H-hey..."

Bigla namang dumating din si Nicholas.

"You ready Thea?" Tanong niya sakin para yayain akong sumakay na sa sasakyan. Tumango lang ako bilang tugon.

"Ay wait boss!" Napalingon kami ni Nicholas kay James.

"Baka pwedeng sumabay? Medyo masikip din kasi sa van eh... tsaka magkalapit lang kami ng bahay ni Thea! Diba Thea?!" Tumingin sakin si Nicholas na tila nagtatanong ng permiso ko.

"U-uhm... y-yeah, we live nearby."

"Hmm. Okay?" Matipid na tugon ni Nicholas at nagpatuloy na sa paglakad papunta sa sasakyan. Sumunod naman kami ni James.

Sa tabi padin ako ni Nicholas pumwesto at si James naman sa back seat mag-isa. Nang paandarin na ni Nicholas ang sasakyan, ay sinalpak ko ang airpods sa tenga ko at nagplay ng kanta.

[Playing in Spotify: I Started A Joke by The Bee Gees]

Sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse at tumulala lang sa pagtingin sa labas.

"Hey are you okay?" Tanong ni Nicholas na hindi ko pinansin.

"Oo nga Thea okay ka lang ba? Tsaka share mo naman 'yang music mo!"

Nagpanggap ako na hindi sila naririnig at hindi sila pinansin pareho. Unti-unti namang bumuhos ang ulan sa labas na kanina lang ay makulimlim ang panahon. Pinanood ko ang pagpatak ng ulan sa bintana ng kotse na tila mga patak ng luhang rumaragasa mula sa damdamin ng panahon. At ang mga pira-pirasong ala-ala mula sa nakaraan ko, ay nagsimula na namang sakupin ang pag-iisip ko.

WanderersWhere stories live. Discover now