Chapter 9: Team JOGA

154 68 0
                                    


We arrived around 6am in the venue, it is one of the beach resorts in Liw-Liwa, San Felipe Zambales. The view is amazingly beautiful, from the roads, all the way here. Nicholas and I got off the car and Lance who's waiting for us walked towards us.

"Hey boss! Thea! I'm glad you made it." Salubong niyang bati sa amin.

Hindi ko na napansin si Lance dahil napako na ang tingin ko sa dagat na hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Natulala nalang ako at nanatiling nakatanaw sa ganda ng dagat at sa lakas ng mga alon nito.

"Hey Lance! uhm... there's a cooler in the compartment, I bought some meat and fish." Inabot niya ang susi ng kotse kay Lance.

"Wow!! Thanks boss!" Binuksan niya ang compartment at kinuha ang cooler.
Binuhat niya iyon at si Nicholas naman ay binuhat ang mga gamit namin. Naglakad na sila at napansin bigla ni Nicholas na hindi ako sumunod ng lakad.

"Thea? You coming?" Napa-baling ako sa kanya mula sa pagkatulala.

"S-sorry, yeah! Let's go." Sumunod ako sakanya at humabol ng lakad upang mapantayan siya.

Pagkarating namin sa isang compound na may mga kubo sa loob, ay pumasok kami at nandoon ang mga kasama namin. Sinalubong ako ni James nang tumatakbo mula sa kubo nila.

"Theaaaaa!!" akma niya akong yayakapin pero pinigilan ko siya gamit ang mga kamay ko.

"Hey James!"

"Akina mga gamit mo, tulungan kitang ilagay sa kubo niyong mga girls!"

"U-uhm... dala ni Nic- I mean ni boss yung gamit ko."

"Yes! I have it, so where is the girl's room?" Biglang sulpot ni Nicholas.

"Sir! Let me carry those, they're not that heavy." Sabi ko kay Nicholas.

"You sure?"

"Yeah I'm sure!" at kinuha ko ang gamit ko mula sa kanya.

"S-samahan na kita!" Offer pa ni James.

"Hindi na James, Salamat nalang."

Naglakad na ako papunta sa sa kubo ng girls at pagkapasok ko ay nandoon si Apple.

"Theaaaa! You're hereee!"

"Hey Apple!"

"Sooo, as you can see ilan lang ang beds so two persons per bed nalang. Let's share this bed!"

"U-uhm... y-yeah! Sure, sure!" napipilitan kong sabi.

Nilapag ko ang mga gamit ko at inayos ang mga iyon. Naidlip ako at nagpahinga dahil inantok ako sa haba ng byahe.

Ginising ako ni Apple mga alas nuebe ng umaga at niyaya niya akong lumabas para tumulong magluto at mag-asikaso. Tumulong kami ni Apple sa paghihiwa.

Habang nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko, napatingin ako kay Nicholas na may buhat na lamesa katulong si Lance. I can't imagine seeing him like this, helping us, and in this kind of place. Iyong puting polo na suot niya medyo madumi na at hindi na naka-ayos ng pagkakasuot sakanya, nakabukas ang kalahati ng mga butones at hindi pantay ang pagkakatupi ng mga manggas. Napaka-layo ng Nicholas na nasa opisina na halos hindi makausap at sobrang pormal ng postura. Nagulat ako nang bigla siyang napatingin sakin at nagtagpo ang mga mata namin. Napangiti siya at ganoon din ako.

"Thea! Kamusta ang paghihiwa?" Nagulat ako nang biglang tumabi sakin si James. Kaya iniwas ko ang tingin ko kay Nicholas at ipinagpatuloy ang paghihiwa.

"O-okay lang! Ikaw? Kamusta ang pag-iihaw?"

"Tapos ko nang ihawin yung porkchop, sila naman sa isda. Tulungan na kita diyan?"

WanderersWhere stories live. Discover now