Chapter 14

6.7K 164 14
                                    

HAPPY NEW YEAR GUYS!!! BEFORE ANYTHING ELSE I JUST WANT TO SAY THANK YOU..THANK YOU SO MUCH FOR READING MY STORY, I KNOW THAT THIS IS NOT THE BEST STORY FOR YOU GUYS, BUT I'M BEYOND HAPPY AND GRATEFUL THAT THERE'S PEOPLE WHO APPRECIATE  MY EFFORTS WHOLEHEARTEDLY:))) THANK YOU GUYS:***

HERE'S MY LAST UPDATE FOR THIS YEAR!I HOPE YOU ENJOY!!!

Daniel's POV:

        Andito ako ngayon sa kitchen para maghanda ng merienda namin ni kath.. after kong magprepare pumunta agad ako sa taas.. Nakita ko na lang na nakayakap si kath kay jordan na parang may binubulong pero hindi ko na lang pinansin yon..

"Kath, merienda ka muna.." napaangat naman siya na parang gulat na gulat sa sinabi ko..wala naman nakakagulat sa sinabi ko ah.. pero tama ba yung nakikita ko? nagpahid siya ng luha?

"Umiiyak ka?"  

"Hindi sobrang kati kasi ng mata ko, kahapon pa nga ito nangangati eh" parang may mali eh alam ko kapag nagsasabi ka ng totoo kath.. di ka pa rin talaga nagbabago ang hilig mo pa rin itago ang tunay nararamdaman mo..

"Sabi mo eh, pero sana naman kath kung may problema o sikreto ka sabihin mo sakin, kaibigan mo ko , hindi mo pwede itago lagi ang nararamdaman mo, alam ko may problema ka, pero alam ko naman na hindi mo sasabihin sakin eh kahit pilitin pa kita.." nakita ko naman na nakatitig siya sakin, tapos bigla na lang tumawa.. aba loko to ah nagseseryoso ako dito tapos tatawanan lang ako kung hindi ko lang to mahal..

"Ang drama mo dj, nangati lang ang mata ko dami mo nang sinabi hahahahaha" 

"Akin na nga muna si jordan, di ka matutong kumain, tingnan mo nga yang katawan mo oh payat payat" pagbibiro ko

"Wow ha nagsalita ang patpatin feeling mo naman ang macho macho mo

"Macho ako noh baka pag nakita mo ang 6 pack abs ko maglaway ka.."

"Hoy Daniel Padilla ang kapal naman ng mukha mo, Ako? Maglalaway? eh  wala ka namang abs, akala mo kung sinong meron kung makapagyabang" pikon talaga ng babaeng to halikan kita diyan eh. ayaw mo maniwala ha.. tumayo ako sa harap niya siya naman nakatingin saken at hinhintay ang sunod kong gagawin..

"Hoy padilla ano naman ang gagawin mo at pumunta ka pa talaga sa harap ko?" ang engot mo naman kathryn!

'Maghuhubad' diretso kong sabi.. bigla naman siyang sumigaw..

"ANONG MAGHUHUBAD?! itigil mo yang kalokohan mo padilla masasapak talaga kita"

"Ayaw mo maniwala sakin, eh di papakitaan na lang kita.."

"Wag na, baka pati si jordan di masikmura ang katawan mong patpatin" konting konti na lang hahalikan ko na talaga to kanina pa ko iniinsulto ng babaeng to ah.

"Sus alam ko naman na kanina mo pa gusto makita abs ko pakunwari ka pa.." pabulong ko sinabi..

"Anong sabi mo?!" 

"Wala sabi ko akin na si jordan.." ibinigay naman niya sakin si jordan at nagsimula na siyang kumain.. habang nilalaro ko si jordan bigla naman nagtanong si kath..

"Dj matanong ko lang saan ka kumukuha ng breastmilk? kailangan niya rin yun diba? at sabi ng doctor ayun ang pinakadabest gamitin kesa sa mga powdered milk."

"Wala..san naman ako kukuha ng breastmilk? wala naman akong kilala na nagbebreastfeed"

"Eh kung bigyan kita ng Breastmilk?

O__O baliw ba tong si kathryn? breastmilk meron siya? hindi naman siya nagbuntis tapos sasabihin niya sakin na bibigyan niya ko ng breastmilk?

"Nagbebreastfeed ka?! 

"Ahh i mean kukuha ako dun sa mga nagdodonate ng breastmilk para dun sa mga baby na na iniwan na ng kanilang mommy parang si jordan, may kakilala kasi ako"

"Yun naman pala ako ko sayo manggagaling eh mabuti na yung malinaw.."

"Dj may gusto lang sana ako itanong ulit sayo.. ano kasi eh.." 

"Ano?"

"Panopagnalamanmonaanakmosijordan?" ano? wala na akong naintindihan sa sinabi niya. alien ba to?

"Alien ka ba? wala na akong naintindihan sa sinabi mo, ayusin mo kaya"

"Sorry naman, ang sabi ko paano pag nalaman mo na anak mo si jordan?" nanahimik naman ako sa tanong niya, di man lang sumasagi sa isip ko yung mga ganyang tanong, pano nga kaya kung anak ko si jordan?.. bago ako sumagot tiningnan ko muna si jordan na busy sa paglalaro.

Kath's POV:

Nakatitig ako sa kanya habang hinihintay ang sagot niya bago siya sumagot tumingin muna siya kay jordan..

Masasabi kong ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo, siyempre lahat naman ng lalaki pinangarap na magkaroon ng anak, sino ba naman ang hindi magiging masaya kung meron kang anak diba? dugo't laman ko ang dumadaloy sa batang yun at tsaka pinaghirapan namin ng mommy niya gawin siya.. ARAY!" batukan ko nga kung ano ano ang sinasabi.. Eto naman di na mabiro, jordan oh sinasapak si daddy ng future mommy---ARAY KATHRYN!! ang sakit nun ha" 

"Anong future mommy sinasabi mo diyan?

"Bakit masama ba? dun din ang punta nun" akmang hahampasin ko siya ng magsalita siya..

"Sige hampasin mo ulit ako hahalikan na talaga kita kanina pa akong nagtitimpi dito.." nagsmirk ang loko at biglang baba ko naman ng kamay ko baka may sumapi dito at bigla akong halikan. Bigla naman nagring ang phone ko at agad na sinagot..

"Hello?"

"Kathryn, asan ka? si bes julia, mukhang sa tono palang ng pananalita niya mukhang may hindi magandang mangyayari.

"Andito ako sa bahay ni dj bes, Why?"

"We have to talk kathryn" seryoso niyang sabi

"About what?"

"Chandria"  alam ko na kung bakit siya ganyan you're dead kathryn.. magdasal dasal ka na..

"okay papunta na ako diyan" pinatay ko na ang cellphone ko at nagpaalam na kay dj..

"Dj kailangan ko  ng umuwi nandun pala si bes sa bahay, next time na lang ako ulit ako babalik dito"

"Ihahatid na kita"

"Wag na, magcocommute na lang ako, tsaka walang magbabantay kay jordan pagumalis ka, sige alis na ko" nagmadali na akong pumunta sa labas at sumakay na ng taxi.

After 15 minutes nakarating na ako sa bahay, pagpasok na pagpasok ko pa lang ng bahay bumungad na agad sakin si bes na karga si chandria..

"Bes.." tawag ko sa kanya..

"Hanggang kailan mo balak ilihim samin to?" mukhang mahaba habang paliwanagan to..

MY DADDY IS A CASANOVA (HIATUS)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu