Chapter 21

3.2K 77 7
                                    

                  

Pagkatapos ko malaman lahat, iniwanan ko sila at pumunta kaagad sa kwarto ko.

Napatingin ako sa may sulok kung saan nakalagay ang maliit na kama ni Jordan. Lumapit ako at tiningnan siya...

"Hi baby..." hinawakan ko ang maliliit niyang kamay... "Nakita ko na yung mommy mo... and alam mo ba anak pala talaga kita.I'm sorry kung wala si daddy nung mga panahong pinagbubuntis ka ng mommy mo. Hindi ko naman kasi alam eh. I'm really sorry baby..." naramdaman ko naman na humigpit ang hawak ni Jordan sa hintuturo ko. Napangiti naman agad ako. I'm Happy. Masaya ako sa nalaman ko na anak ko si Jordan. Ang hindi ko lang matanggap na kung sino ang mommy niya. I want kath to be the mother of my child, but I think the destiny is not with us. Ayaw siguro talaga ng tadhana na kaming dalawa hanggang sa huli. Pero sa kaso ko, hindi ako makakapayag na ganun na lang ang mangyayari samin dalawa. No one can separate us. Kahit sino pang ponsiyo pilato ang makaharap ko, I will do everything para mapatunayan ko na kami talaga hanggang sa huli kahit magkamatayan pa kami.

Kathryn's POV:

                Andito ako sa room ko while cuddling with my cutest baby on earth. Time flies so fast. 1 week na lang at malapit na kami grumaduate ng college. I feel a bit nervous and excited ako sa unang magiging work ko. You heard it right. I really want to work as an employee muna. Ayoko muna hawakan agad ang kumpanya namin and I already talked to dad na ayoko muna and gusto ko munang pagaralan siyang mabuti and gusto ko din naman maenjoy yung field ko.

                And dami kong narealize nitong mga nagdaang araw. Everytime na makikita ko si Chandria sobrang naaawa ako sa kanya. Feeling ko ang sama sama ko bilang isang ina. Kapag nakikita ko na umiiyak siya, hindi ko mapigilan ang hindi maiyak. Yung feeling na hindi ko siya mailabas sa bahay na to at maipasyal, yung hindi ko man lang siya maipakilala sa mga tita at tito niya, at higit sa lahat yung maipakilala siya sa tatay niya, sobrang sakit. Pakiramdam ko pinagkakait ko sa kanya lahat. Kaya naisip ko yung mga sinabi sa akin noon ni Julia. I will tell all to dj. Sasabihin ko na sa kanya ang lahat. pati na rin yung kay Jordan. Naawa na ako sa mga anak ko. I can't take seeing them like this. Nahihirapan na ako. I don't care kung kamuhian ako ni dj sa mga ginawa ko. Buo na ang desisyon ko, for chandria and Jordan, I will let Dj know about his children.

                Kinuha ko ang iphone ko sa may tabi ng lampshade para itxt si dj na magkita kami, pero bigla na lang may nagtxt sa akin na unknown number.

                From: 0906*******

                Babe! Punta ka dito sa house later.

We will have a dinner with Mama.

See yo later.bye.:*

P.S Don't reply.Nakitxt lang ako.I love you :)))))

Nagreply ako sa number niya kahit ayaw niya. I think this is the right time. I will bring Chandria later.

"Baby, I want to tell you something... you will see your daddy and Jordan later! Are you happy?" binuhat ko siya at hinarap sa akin. tumwa naman siya while clapping her small hands. "Yehey! Chandria will finally meet his daddy!" isinayaw ko siya ang habang sinasabi ko yun.

"dadadadadadadadada *giggle*" and clapping again her both hands. It really feels so good seeing my daughter happy. Kaya naman pumunta agad ako sa cr para paliguan siya.

DJ's POV:

                Kanina pa ako hanap ng hanap sa phone ko pero hindi ko makita. Nakita ko bigla si Mama sa  may kitchen.

"Ma! Nakita mo ba yung phone ko?"

"Hindi nak! Hawak mo lang yun kanina bago ka umakyat sa kwarto mo."

"Yun nga eh. Hindi ko alam kung saan ko nailagay." Natigil ang paghahanap ko ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Eto ba yung hinahanap mo?" Nakita ko naman na hawak ni Rommel yung phone ko. Paano napunta sa kanya to?

Lumapit naman ako sa kanya at kinuha yung phone ko. Pagkakuha ko umalis agad ako sa harap niya pero hindi pa ako nakakalayo ng bigla ulit siyang nagsalita.

"Magayos ka. May pupuntahan tayo mamaya. Isama mo si Jordan. Nandun lahat ang mga investors natin. May mahalaga akong sasabihin. Wag mo ng balakin ang hindi pagsipot hindi mo magugustuhan ang gagawin ko. Tandaan mo yan." Pagkasabi niya nun agad siyang umalis. Lumapit ako kay Mama at kinausap siya.

"Ma, Ano yun? May alam ka ba?"

"I'm sorry anak, hindi ko rin alam kung anong balak ng Papa mo."

"Basta hinding hindi ako pupunta." Matigas kong sabi.

"Ano? Gusto mo bang magalit na naman sayo ang Papa mo?"

"Wala akong pake. Bahala siya. Magalit na siya. Hindi ako pupunta."

"Anak please sundin mo na ang Papa mo. Makinig ka sakin, nasasaktan ako sa kalagayan niyo ng papa mo ngayon. Kahit ngayon lang sundin mo muna ang gusto niya please..." umoo na lang ako kahit ayako talaga. Siguro isasama ko na lang si kath para may kasama kami ni Jordan.

Nakita ko naman na may txt si Kathryn sa akin.

From: Babe

                Ok babe. I love you too.:*

Huh? Hindi pa naman ako nakakapagtxt sa kanya kahit isa. Bakit bigla bigla na lang to nagttxt? Chineck ko yung time and kanina lang ito. Hayaan ko na nga lang siya. Baka nanlalambing na naman to.

To: Babe

                Sunduin kita later babe. Wear dress okay? :*

Then tumabi muna ako kay Jordan at natulog.

Kath's POV:

                Hinanda ko na ang feeding bottle at mga ilang damit ni chandria. Binihisan ko siya ng dress and nilagyan ko siya ng clip na ribbon at nilagay ko din yung pacifier niya para hindi siya magiiyak. Inaayos ko ang sarili ko ng may narinig ako bumusina sa harap ng bahay. Si Dj na siguro to. binuhat ko na si Chandria at dun naman sa kabila yung bag tapos bumaba na kami.

                Nagulat na lang ako nung pagbukas ko ng pinto dahil hindi si dj ang sumundo sa amin.

                "Mang Carding akala ko po ba si Dj po yung susundo samin?"

                "Ay naku sorry po mam Kathryn, hindi daw po kayo masusundo ni Sir Daniel kaya ako na lang po daw ang sumundo sa inyo." Pumasok na ako sa loob ng saakyan at agad na itinxt si Dj.

                To:Babe

                On the way na ako Babe. See you!

Kinakabahan ako. Pagkatapos ng gabing to sigurado akong magbabago na ang lahat. tumungin ako kay Chandria at nginitian ko siya.

"Kaya mo to Kathryn...Kaya ko to."

_________________________________________
Hi guys! Short UD! Hahahahaha Naiinis ako. Antagal ko MagUD noh? Sorry✌🏻
Pagpasensyahan niyo na ako. Ako'y isang estudyante lamang at nagaaral din :D

By the way, sembreak na namin! Pero hindi ko pa rin alam kung makakapagUD ako everyday. Alam niyo naman na may sakit ako na katamaran hahahaha. Wait niyo na lang kapag sinipag na ulit ako lol 😂

P.S. Watch kayo later ng PSY. Ako na magsasabi sa inyo hindi magkakaamnesia si Angelo. Syooor ako dun 😂😂

MY DADDY IS A CASANOVA (HIATUS)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang