Chapter 17

7.6K 153 5
                                    

Andito pa rin ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ko ang unti unting paglayo ni dj mula saken... hindi ko alam kung dapat ko bang habulin at sabihin na mahal ko pa rin siya, pero parang may pumipigil saken, siguro takot? hindi ko alam pero sobrang natatakot ako pag pinapasok ko ulit siya sa buhay ko, at ang sobrang kinakatakot ko ay malaman niya lahat lahat ng sikreto ko.

Ughh! Ano ba kathryn! mahal mo si dj diba?kaya mo bang mawala si dj ng tuluyan sayo? 

No! di ko kayang mawala si dj saken tama na yung nangyari noon, siguro tama na ang sobrang pagiging makasarili ko, dapat hindi ako matakot, kung mahal mo talaga ang isang tao hinding hindi ka magpapadala sa takot na nararamdaman mo, nakapagdesisyon na ko, hindi ko na muna iisipin ang sarili ko at kung ano man ang maging resulta ng gagawin ko basta ang alam ko lang ngayon mahal pa rin kita dj at natatakot ako na mawala ka ulit saken... Binilisan ko ang takbo ko para maabutan ko si dj nung malapit na ako sa kanya niyakap ko agad siya kahit nakatalikod siya saken... napansin ko naman na bigla siyang nagulat sa ginawa ko at napansin niyang humihikbi na rin ako..

"Ano? iiwan mo na naman ako? lagi ka na lang ganyan tuwing magsasalita ka hindi mo ko binibigyan ng chance magsalita, ayaw mo ba malaman kung anong sagot ko?" inalis niya ang kamay ko na nakapulopot sa bewang niya at humarap saken ng seryoso.

"Bakit kailangan ko pang alamin? kung alam ko naman na masasaktan ako sa isasagot mo? mas mabuti na---" 

"Yan ang hirap sayo eh, ayaw mo ko laging patapusin? pano kung sabihin ko sayo na Mahal pa rin kita?" pabulong lang yung huli pero sapat na yun para marinig yung gusto ko at nakita ko naman na natigilan siya sa sinabi ko.

"A-anong sabi mo?"

"Huh? Wala akong sinasabi ah" 

"Hindi eh may sinabi ka eh, ulitin mo nga ulit" nakita ko naman na sobrang lapad na ng ngiti nitong lalaking katabi ko, alam kong narinig niya yung sinabi ko, kailangan talaga ulitin mo pa?

"Sige pumili ka, uulitin ko o babawiin ko yung sinabi ko?" ayoko na ulitin kasi nahihiya na talaga ako bwisit na dj to gusto pa ulitin! nakita ko naman na biglang lumungkot ang mukha niya. aba! siya pa may ganang maging malungkot ngayon nakita ko naman na tatalikod na siya. Jusko Daniel Johm Padilla hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! sobrang kulit ng lahi mo! tuimgin tingin ako sa paligid, sakto walang tao kaming dalawa ang nandito, kathryn hingang malalim hooo!

"I LOVE YOU DANIEL PADILLA!!!! MAHAL NA MAHAL KITA SOBRA!" 

di ko namalayan na nasa harap ko na pala siya at magkalapit ang mga mukha namin, nakita ko naman na sobrang masaya siya katulad lang ng nararamdaman ko ngayon, naramdaman ko na lang na naglapat ang mga labi namin at pagkatapos ng ilang minuto ay bumitaw rin kami sa isa't isa.

"I love you so much kathryn,  you don't know how long i've waited for this  and how happy i am that you're really mine again" yinakap ako ni dj ng sobrang higpit. God! i miss this, his hug, his kisses, i miss all of him.

"God Kathryn, i miss you damn so much! thank you for this" hindi ko alam pero sobrang saya ko at okay na ulit kami ni dj. hindi ko talaga kaya na mawala siya saken ng tuluyan tsaka ko na iisipin kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat basta masaya kaming dalawa ngayon at walang problema ang mga anak ko yun muna ang mahalaga saken ngayon.

kumalas si dj sa yakap namin at tumingin saken.

"So, ibigsabihin ba niyan tayo na?

"hoy padilla, anong tayo na? manligaw ka muna bago maging tayo! kailangan mo nuna maghirap bago kita sagutin." bigla naman kumunot ang noo niya.

"Ano? bakit kailangan ko pa manligaw? eh dun din naman ang punta nun! basta tayo na, isang reklamo mo pa hahalikan ulit kita." tiningnan ko siya ng masama dahil dun sa huling sinabi niya.

"Ayos! for sure sobrang matutuwa si jordan boy kasi may mommy na siya" natigilan ako sa sinabi niya at napansin ni dj yon.

"Ok ka lang?" wag ka magpahalata kathryn.

"OO naman, bakit naman hindi, oo nga pala tagal ko nang hindi nakikita sa jordan ah, kamusta na nga pala yun?" 

"yun lagi akong pinupuyat tuwing gabi, gusto niya lagi siyang binubuhat tapos pagbinaba mo siya sa crib bigla na lang iiyak, pero kahit ganun yun sobrang mahal ko yung batang yun, hindi ko alam basta iba ang pakiramdam ko at alam mong ayaw na ayaw ko sa mga bata pero pagdating sa kanya hindi ko alam pero bigla na lang lumalambot yung puso ko, ayoko na nakikita kong umiiyak si jordan kaya i promise to myself na i will be a good father to him, kahit na hindi ako yung totoong tatay niya." kitang kita ko sa mukha ni dj na mahal na mahal niya talaga si jordan...kung alam mo lang dj...kung alam mo lang.

-------------------------------------------------------------------------------------

lumipas ang anim na buwan at going strong pa rin kami ni dj kahit minsan nagkakatampuhan pero hindi namin palilipasin ang isang araw na hindi kami magaayos at ilang buwan ko na rin tinatago ang lihim ko sa kanya, meron nga nung one time muntik na niya makita si chandria pero buti na lang at dumating si julia, pero ang pinakamalala nangyari nung nakaraang buwan nung nalaman ng tatay ni dj kung saan ako nakatira at yung mga huling salita na binitawan niya sakin noon.

flashback....

pagkatapos ko magsimba kasama si chandria, napagdesisyunan kong umuwi agad sa bahay, laking gulat ko nang makita ko na nakabukas ang pintuan ng bahay namin, hinawakan ko ng mahigpit si chandria at agad na pumasok sa pintuan pero mas nagulat ako ng makita ko yung lalaki... at ayun ang tatay ni dj si Rommel Padilla..

"Anong ginagawa niyo dito?" bastos na kung bastos pero hindi niya makukuha ang respeto ko.

"Balita ko nagkabalikan daw kayo ng anak ko?" hindi niya pinansin yung tanong ko at nilibot niya ang tingin sa buong bahay, hindi na ako nagulat sa tanong niya kasi alam kong malalaman at malalaman niya yon.

"Wala na ho kayong pakialam dun, kaya kung pwede lang umalis na kayo sa bahay ko" Tumingin siya saken at biglang napatingin siya sa hawak ko. kaya biglang kinabahan kaagad ako. sana hindi tama ang hinala ko. parang may mali eh..

"Is that dj's daughter? nabigla ako sa tanong niya. inayos ko ang sarili ko at sinagot siya.

"No'" diretso kong sagot. nakita ko sa mukha niya na parang hindi siya naniniwala sa sagot ko pero agad niyang binawi yun.

"well that's good! ayoko nang magkaroon pa siya ng kahit anong koneksyon sayo, didiretsuhin na kita kathryn, alam mo naman na matagal na akong tutol sa relasyon niyo, kaya hanggan't maaga pa kailangan kong linisin yung mga basurang nagkalat sa paligid ng anak ko, kaya kung ako sayo layuan mo na ang anak ko, because he will be married soon." hindi ko alam pero biglang sumakit yung dibdib ko at parang gusto na bumigay ng tuhod ko nung marinig ko yung huling sinabi niya, unti unting namumuo yung luha ko at konti na lang at tutulo na ang mga ito, pero pilit kong nilalaban yon dahil ayoko ipakita sa kanya na sobrang hina ko, gusto ko maging matapang sa harap niya na kahit makapangyarihan siya kayang kaya ko siyang labanan.

"Gawin niyo kung anong gusto niyong gawin, at please lang umalis na kayo sa pamamahay ko habang may natitira pa akong respeto sa inyo" tumingin muna ulit siya saken tapos kay chandria at lumabas na siya ng bahay at dun na bumuhos yung luha na kanina ko pang pinipigilan. Hindi ako papayag na mawala ulit saken si dj. tama na yung naging mahina ako sa harap ng tatay niya, lalaban na ako para sa mga anak ko at para kay dj...

end of flashback.....

-------------------------------------------------------------------------

 This will be my last update for this month! i'm not sure if i can update this coming april because i'll be very busy, but i will do my best to update if  i have a vacant time, so bear with me guys! hope you understand! Thank you!!!

MY DADDY IS A CASANOVA (HIATUS)Where stories live. Discover now