Chapter 24

3.5K 100 43
                                    

Kath's POV:

I don't know what really happened kung bakit hindi natuloy yung flight namin ni chandria ngayon. Arisse called me habang nagreready ako kanina at sinabi niya na hindi nga daw tuloy yung flight namin. At dahil tulog pa si chandria, i decided na iwan ko muna siya sa bahay at sumaglit muna sa bahay ni arisse, as I went there, sinabi sakin nung yaya nila na umalis daw ito, tinwagan ko naman siya pero ring lang ng ring. Kaya naisipan ko na lang na bumalik mamaya.

Before ako umuwi ng bahay, dumaan muna ako sa isang resto , tinake-out ko na lang kasi nga baka magising si chandria tapos wala pa naman siyang bantay. Pinagday-off ko rin kasi yung mga yaya namin kasi nga ang alam ko aalis na kami ngayon.

Natatanaw ko na ang bahay ko ng may napansin akong sasakyan na nakapark sa harap ng bahay ko.

Kanino kayang sasakyan to?

Nagmamadali akong ipark yung sasakyan ko at nakita ko naman yung guard namin na hinihimas niya yung pisngi niya kaya lumapit agad ako.

"Kuya, ano pong nangyari sa inyo?" pagaalala kong tanong. "kanino po yung sasakyan yung naka park sa labas?" nakita ko naman na parang kinabahan si kuya.

"Mam Kathryn pasensya na po talaga, pilit na pinapaalis ko po siya kanina, kaya lang po bigla niya na lang po ako sinuntok kaya wala po akong nagawa."

"Sino po ba kasi ang may gawa nito sa inyo?" kabado kong tanong.

Lord please... not him. Hindi ko po alam ang gagawin kung siya nga yung nandito.

Nakatingin lang ako kay kuya at taimtim na nagdarasal na sana hindi siya, pero parang binuhasan ako ng yelo at nanigas sa pwesto ko ng sabihin niya kung sino at na sana nagkamali lang ako ng dinig.

"Si sir Daniel po mam."

Pagkasabi pa lang ni kuya, tumakbo agad ako papunta sa room ni chandria, dito agad ako dinala ng mga paa ko. Nung pinihit ko na ang doorknob, feeling ko sasabog ako sa nakita ko. Nanuyo ang lalamunan ko at wala salita ang lumalabas sa bibig ko.

Kailangan ko na umalis dito bago pa magising ang isang to, hindi niya kami pwede maabutan ni chandria.

Lumapit agad ako at kita ko naman na tulog pa rin si chandria na nasa dibdib niya ngayon. Masaya ako kasi nakasama ni chandria ang tatay niya pero hindi sa ganitong sitwasyon. Dahan dahan ko inalis ang kamay ni Daniel at unti unting binuhat si chandria. Pigil na pigil ang paghinga ko habang inaangat ko siya, feeling ko anytime magcocollapse ako dito.

Nang makuha ko naman si chandria, kinuha ko na ang mga gamit niya, umalis na kami sa kwarto at iniwanan si Daniel na natutulog.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan habang hawak hawak ko si chandria na natutulog pa rin, ilang hakbang na lang ang bibilangin ko makalabas lang sa pintuan ng muntik ko nang mabitawan si chandria nang biglang may nagsalita sa likod ko na hindi inaasahan...

"Kathryn..."

No Kath. Wag kang lilingon.

Maglalakad na dapat ulit ako ng biglang yumakap siya mula sa likod ko.

"Kathryn please... don't do this to me... wag mo naman akong iwan , parang awa mo na..." habang sinasabi niya yon naramdaman ko na lang din na naiyak na pala ako kasabay ng pagiyak niya sakin ngayon. "kung gusto mo magpapaliwanag ako, basta wag mo lang akong iwan please... Kathryn..."

Habang nagmamakaawa siya sakin ngayon panay punas naman ako sa aking mga luha.

Wag kang magpadala sa kanya Kathryn. Pagod ka na diba?

MY DADDY IS A CASANOVA (HIATUS)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant