Chapter 9

6.9K 152 6
                                    

Third Person POV:

Nagising si Kathryn na papungas pungas ang mata nang dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ng kanyang nobyo. Tumingin siya sa katabi at nakita nito na natutulog ito ng payapa, dulot ng pagod at saya na naramdaman kagabi. Hindi mapigilan ang hindi mapangiti sa nangyari sa kanila, wala ni isang pagsisisi ang makikita mo sa mata niya. kung masama sa mata ng iba ang ginawa nila dahil hindi pa man sila kasal pero sa isip niya wala naman problema kasi nagmamahalan sila. Habang pinagmamasdan ni Kathryn si Daniel, hindi niya namalayan na nagising pala ito.

"Good Morning babe..." at hinalikan ni Daniel ang tungki ng ilong ng nobya

"Good Morning too, babe"

"What's with the look? Did I hurt you? I'm sorry---"

"No, don't worry, I'm really okay," At ngumiti si Kathryn na sinasabi na ayos lang talaga siya. "Don't mind me, gutom lang talaga ako, kagabi pa kasi ako hindi kumakain." At ngumuso naman si Kathryn, pero siyempre hindi palalagpasin ni Daniel iyon kaya agad na hinalikan si Kathryn.

" Aaaargh! How many times do I tell you that you have to stop kissing me?" at sinuntok niya ito sa tiyan. Di naman napigilan ang matawa ni Daniel sa inasal ng nobya.

"You forgot my morning kiss babe, kaya ako na lang ang kumuha"

"Hoy kotang kota ka na nga kagabi, kaya magtigil ka." inayos naman ni Daniel ang upo ni Kathryn, pinaupo niya ito sa pagitan ng kanyang dalawang hita at niyakap ito.

"I love you..." at hinalikan niya ito. Ilang minute rin bago sila bumitaw.

"I love you too babe..."

Ilang araw na ang lumipas simula nung may nangyari sa kanila, wala rin naman silang nagiging problema, dahil busy sila sa kanilang mga kaibigan. Naisipan ni Kathryn na supresahin ang nobyo, kaya bumisita siya dito at dinalhan ng paborito niyang pagkain.  

Nang makarating siya sa condo nito, binuksan niya agad ang pinto, dahil may sariling siyang susi nito. Nakita niya na wala ito sa sala, kaya pumunta siya sa may kusina pero wala rin ito, ang pinakahuli na lang na hindi niya napupuntahan ay ang kwarto...

"Tinanghali na naman ng gising yun..." bulong niya, kaya pumunta na siya sa kwarto para gisingin ito. Pero nung malapit lapit na siya ay nakakarinig na siya ng mga ungol, kaya biglang kinabahan na siya, dahan dahan niyang binuksan ang pinto at tumambad sa kanya ang dalawang tao nagsasaya sa ginagawa nila. Tumigil ang buong sistema ni Kathryn at parang nanikip ang kanyang dibdib sa nakita, nabitawan niya ang kanyang mga dala, kaya naagaw ang atensyon nung dalawa na nasa kama at napatingin sa kanya, hindi na napigilan ni Kathryn ang kanyang pagiyak at mas lalo lang siyang nainis, dahil walang pakialam si Daniel kahit umiiyak na siya. Kaya sa sobrang galit niya, pumunta siya kay Daniel ay pinaghahampas ito....

"HAYOP KA!!! ANG BABABOY NIYO!! PAANO MO NAGAWA SAKIN TO HA? PAANO MO NAGAWA SAKIN TO!" patuloy pa rin si Kathryn sa paghampas kay Daniel, iyak lang siya ng iyak, sobrang nanggigigil siya. Hinila naman ni Daniel si Kathryn papunta sa may sala.

"ANO DANIEL?! MAGSALITA KA! AKALA KO NAGBAGO KA NA! PERO HINDI PALA. BINIGAY KO SAYO LAHAT, PERO TANGINA, ETO PALA ANG MAKUKUHA KO, MATANONG NGA KITA, MINAHAL MO BA TALAGA AKO?" hinawakan siya sa nito ng mahigpit sa kamay.

"PWEDE BA KATHRYN UMALIS KA NA DITO! HINDI NA KITA KAILANGAN." Nagulat siya sa inasal nito, hindi niya akalain na iyon ang isasagot nito sa kanya. Tinulak tulak Daniel si kathryn  palabas ng pinto, pero nagpumiglas siya.

"HINDI AKO AALIS DITO HANGGA'T HINDI MO SINASAGOT YUNG TANONG KO!"

"GUSTO MO TALAGA MALAMAN YUNG SAGOT KO?!, HINDI KITA MINAHAL KATHRYN! LAHAT NG PINAPAKITA KO SAYO AY KASINUNGALINGAN LANG PARA MAKUHA KO YUNG GUSTO KO! SOBRANG LAKING PASASALAMAT KO NGA NUNG BINIGAY MO AGAD YUNG PINAKAIINGATAN MO, KAYA MAKAKALAYO NA AKO SAYO! ALAM MO? BORING NA BORING NA AKO SA KATULAD MO! AKALA MO SOBRANG SAYA KO KAPAG KASAMA KITA? LAHAT NG YUN TINIIS KO LANG, PAHARD TO GET KA PA! MADALI KA LANG PALA BUMIGAY KAPAG LASING KA NA. KUNG ALAM KO LANG DAPAT PALA GINAWA KO NA YUN DATI PA." hindi na napigilang ni Kathryn na sampalin si Daniel. wala siyang nasabi dito dahil puro iyak lang ang kayang gawin niya ngayon. Sobrang sakit kay Kathryn na marinig lahat yun sa taong minahal niya. At umalis na siya sa condo nito, dahil baka mapatay niya ito sa sobrang galit at pagkamuhi.

Kasabay ng pagalis ni Kathryn ang paglabas ng luha sa mga mata ni Daniel, hindi niya kinaya ang mga pinagsasabi niya kay Kathryn kaya hindi mapigilan ang mapaupo sa sahig, biglang lumabas naman ang isang matandang lalaki galing sa kabilang kwarto. Pinahid muna ni Daniel ang kanyang luha at agad na lumapit dun sa lalaki.

"ANO?! MASAYA KA NA?! NANG DAHIL SAYO SINAKTAN KO SIYA! NANG DAHIL DIYAN SA KASAKIMAN MO NAWALA SIYA! WALA KA TALAGANG KWENTA!" akmang susuntukin siya ng ama niya ng pigilan niya...

"SUSUNTUKIN MO KO?! SIGE SUNTUKIN MO KO! DIYAN KA NAMAN MAGALING EH, O BAKA NAMAN GUSTO MO NA AKO IPAPATAY?! PATAYIN MO NA AKO, WALA RIN NAMAN KWENTA ANG BUHAY KO!" hindi niya na ito pinagsalita at agad na dumiretso sa kanyang kwarto at nagkulong, buong magdamag lang siyang umiyak at nagmukmok at biglang pumasok sa isip niya na magpakamatay na lang, pero napigil yun nung biglang dumating ang mga kaibigan niya dahil nalaman ng mga ito ang nangyari sa dalawa, kaya agad pumunta ang mga ito sa condo niya dahil baka pagtangkaan niyang kitilin na ang buhay nito, at sa nakita nila mukhang tama nga ang hula nila, kaya hindi nila ito iniwanan.

End of flashback....

MY DADDY IS A CASANOVA (HIATUS)Where stories live. Discover now