Chapter 18

6.2K 173 16
                                    

Kath's POV:

Nagiimpake ako ng gamit ko ngayon kasi matagal nang plano ni dj na mag out of town kami so napagdesisyunan na lang namin na sa Palawan na lang, tsaka na lang mag out of the country pag kasal na daw kami. Isinama na din namin si Jordan kasi walang magbabantay sa kanya pumunta kasi si Tita Karla sa LA. Habang nagaayos pa rin ako ng mga gamit ko napatingin naman ako kay chandria na naglalaro sa kama, lumapit ako sa kanya at binuhat siya..

"baby ko, sorry kung hindi ka pwede isama ni mommy ha, masyado pang complicated ang mga bagay, kahit gustong gusto ka isama ni mommy hindi talaga pwede eh, sa ngayon si daddy at Jordan muna ang kasama ni mommy pero promise ko sayo pag ayos na ang lahat kasama ka na namin, for sure sobrang matutuwa si daddy nun, diba?" habang kinakausap ko siya, nakatitig siya saken at tumatawa, pero hindi ko pa din mapigilan ang hindi maawa sa anak ko, baby pa lang siya pero nararanasan niya na yung mga ganitong bagay. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko agad ko naman na pinunasan at yinakap si chandria.

To: Bes Julia

Bes pwede ko bang iwan ko muna sayo si chandria? Mag-oout of town kasi kami ni dj, alam mo naman na hindi ko siya pwede isama. Please?

From: Bes Julia

O sige bes ngayon na yun diba? Papunta na ako diyan.

To: Bes Julia

Thank You Bes. :*

Habang hinhintay ko si bes hinanda ko muna yung mga gamit ni chandria, ilang araw din kasi ako mawawala. Nang makatapos na ako sa pagiimpake narinig ko na may bumusina sa labas, alam ko na si bes yun, kaya dali dali akong bumaba, pero ibang tao pala ang di ko inasahan na dumating...

"Good Morning my queen"

"DJ? Anong ginagawa mo dito?" Nakita ko naman na gulat na gulat siya sa tanong ko. At bigla ko na lang naalala na susunduin niya nga pala ako.

"wala man lang ba good morning too my king? O good morning kiss? Nakakatampo ka na, tsaka diba sinabi ko na sayo na susunduin kita? Kaya nandito ako, teka nga ano bang nangyayari sayo may amnesia ka ba?" lumapit siya saken at kunwari tinitingnan ang ulo ko. Shit dapat pala tinanggihan ko na lang yung offer na susunduin niya ako baka makita niya si chandria.. lord please help me...

"Asan na yung mga gamit mo para malagay ko na sa sasakyan?"

"Nasa--uuhhaaaaa uuuuhhhhaaaaa" Shit! Wag ngayon please! Chandria..

"Ano yun? Naririnig mo yun?"

"H-Ha? Anong naririnig?" Kathryn yan ganyan, deadmahin mo.

(patuloy pa rin ang pagiyak ni chandria)

"May umiiyak na baby sa taas eh, may baby ba dito?"

"Walang baby dito, guni guni mo lang yun" chandria tumigil ka na sa pag iyak please mabubuking si mommy nito, asan na ba kasi si Julia? Ang tagal naman nun! Nakita ko naman na papuntang taas si dj, pero nung hahakbang pa lang siya sa unang hagdan biglang dumating si bes. Finally dumating ka rin bes! Thank God!

"Bes!" napalingon naman si dj at buti na lang at tumigil na sa kakaiyak si chandria.

"Bes, bakit ngayon ka lang? lumipat ako sa kanya at bumulong, muntik na bes, buti na lang atdumating ka" bingyan niya ako ng sorry-na-look.

"uhm dj kunin ko lang yung mga gamit sa taas then alis na tayo"

"samahan na kita kath"

"Di okay lang dj, ako na lang ang kukuha" Nakahinga naman ako nang maluwag, feeling ko katapusan ko na. Muntik na ako dun. mabait pa rin talaga sakin si papa jesus.

"oo nga naman dj, kaya na ni bes yan, dito ka na lang, baka masyado nang humaba ang buhok ni bes eh, di ko na nga ma reach" sinamaan ko nang tingin si bes at pumunta agad sa taas para kunin ko ang mga gamit ko, bago ako bumaba kiniss ko muna si chandria. Nakita ko naman na naguusap si bes at dj di yata ako napansin ng dalawa, at dahil isa ako na dakilang epal...

"EHEM" napatingin naman ang dalawa saken.

"Tara na, babe?" and he intertwined his hand.

"Bes, alis na kami ikaw na bahala, Take care of chandria please..." syempre pabulong lang yung huli. Sumakay na kami sa car at dumiretso sa bahay niya para kunin si Jordan at yung iba pa niyang gamit.

Pagkarating namin sa bahay dumiretso agad sa kwarto niya, kasi andun daw si Jordan binabantayan ng yaya. Pagpasok na pagpasok pa lang naming nakita naman siya na naglalaro sa kama.

"Hi Jordan boy" binuhat naman ni dj si Jordan at hinagis hagis sa ere. Excited na ba ang baby ko ha?" nakita ko naman na tumatawa si Jordan, seeing them like this, sobrang priceless, ibang dj ang makikita mo, he's really a good father, bigla ko na naman naalala si chandria, I hope maransan niya rin yung ganito, kasama ang daddy niya at si Jordan. Lumapit ako sa kanila...

"Can I hold him?"

"oo naman"

"Hi baby Jordan, it's nice to see you again baby, you're getting bigger na ah, masyado ka yata pinapalaki ni daddy mo" nakita ko naman na tumatawa siya,.

"pwede ka na babe"

"ha?"

"Pwede ka na maging mommy" binato ko siya ng unan.

"Di babe, seryoso ako, pwede ka na talaga maging mommy, kaya from now on, mommy na dapat ang tawag sayo kasi ikaw na ang kikilalanin na mommy ni Jordan, wala naman ibang pwedeng maging mommy kasi ikaw ang papakasalan ko at ikaw ang magiging ina ng anak at magiging anak ko, okay? Kahit anong mangyari, I will never let go of you...I will fight for you... di ko kakayanin kapag nawala ka pa ulit sa akin, simula ngayon kayong dalawa ni Jordan ang buhay ko...I love you so much Kathryn..." he kissed my forehead and then he hugged me while I'm carrying Jordan.

"I love you too dj... mahal na mahal ko kayo ni Jordan" promise lalaban ako kasama mo dj, lalaban ako para sayo at sa mga anak natin...

-------------------------------------------------

SABAW! Sorry sobrang tagal ko magUD:)) Anyway, Finally!!! #PangakoSayoSaLunesNa !!! OH MY GOD!! Handang handa na yung tard na tard kong blue hearts pero bago yun let's watch them muna sa ASAP at GGV tomorrow:))


MY DADDY IS A CASANOVA (HIATUS)Kde žijí příběhy. Začni objevovat