Chapter 19

7.7K 165 26
                                    

Daniel POV:

                Andito na kami ngayon sa may eroplano at ilang oras na lang at lalapag na ang sinasakyan namin, tumingin ako sa katabi ko na natutulog habang kandong si Jordan, hirap na hirap siya sa pwesto niya kaya kinuha ko si Jordan at ipinatong sa dibdib ko kasi natutulog din at ipinatong ko sa shoulder ko yung ulo ni kath bago ko hinalikan sa noo at dahil na rin sa mga tulog ang kasama ko hindi ko na rin napigilan ang hindi antukin.

"Babe wake up na...babe.." Naalimpungatan ako ng may narinig ako na gumigising sakin at isa mo pa ang maliliit na kamay na pumapalo sa braso ko. Namulat ako na naka puot si Kathryn, syempre dakilang loko bigla ko hinalikan si kath pero syempre smack lang.

"Aray Kathryn!"

"bakit ba bigla bigla ka na lang nanghahalik?" brutal talaga tong si Kathryn... napahimas na lang ako sa braso ko..

"wag ka kasing magpout at girlfriend naman kita ah, I can kiss you anytime babe... Buti nga nakapagpigil pa ako eh, kung hindi nasundan na agad si Jordan"

"Anong sabi mo?"

"wala, sabi ko tayo na..."

                Pag kalabas naming ng airport, may nakaabang na agad na sasakyan, mga ilang minuto rin ang biyahe naming papuntang resort. After 30 minutes, andito na kami sa resort, pagmamayari to ng pamilya namin, dito lagi kami nagbabakasyon ng family at friends ko at meron akong sariling room dito.. Pagkababa ko kinuha ko muna si Jordan kay kath at holding hands kami pumasok sa hotel.

"Babe, sobrang ganda naman ng resort niyo" nilibot niya ang tingin niya sa buong resort.

" alam mo ba na ito yung anniversary gift ni rommel kay mama?" napatingin naman sakin si kath.

"Hindi mo pa rin ba mapapatawad ang papa mo?" napaiwas ako ng tingin.

"I really don't know babe... baka makuha ko siyang patawarin kapag nagbago na siya" nakita ko naman ang lungkot sa mata ni Kathryn and she put his head on my shoulder to make me feel better.

"Good Morning, Sir " biglang bungad samin sa front desk.

"Good Morning Leyla, so how's the hotel?"

" sa ngayon po sir, fully booked po ang hotel natin"

"it's good to hear, pag may problema just call me okay?"

"Yes sir" sumakay na kami sa elevator papuntang room namin. Pagpasok pa lang namin sa kwarto, inilagay ko muna si Jordan sa may kama.

"Oh my god babe!ang ganda ng room mo  kitang kita yung view ng beach. Alam mo ba pangarap ko itayo yung dream house ko malapit sa beach? sobrang payapa at malayo sa city yung tipong makakapagrelax ka talaga." Nandun na siya sa may veranda ng kwarto ko lumapit ako sa kanya, at binack hug siya at inamoy yung leeg niya.

"Pagkinasal tayo babe promise ko sayo itatayo natin yung dream house mo malapit sa beach, basta promise mo saken na kahit anong mangyari walang bibitaw satin dalawa kasi ako hinding hindi ako bibitaw maliban na lang kung ikaw na mismo ang magsabi saken na bumitaw nako"

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit sabi mo, bibitaw ka lang pagsinabi ko na bumatiw ka? akala ko ba sabi mo ipaglalaban mo ako kahit anong mangyari?"

"kasi gusto ko kung saan ka masaya dun ako, hindi ko naman pwede ipagpilitan ang isang bagay kung alam ko naman na hindi ka na masaya, kaya mas mabuti na masaktan na ako ng sobra kesa na nakikita kitang nasasaktan" nakita ko naman na umiiyak na si Kathryn. "babe, bakit ka umiiyak? Wala naman akong masamang sinabi ah"

MY DADDY IS A CASANOVA (HIATUS)Where stories live. Discover now