Kabanata 3

932 796 23
                                    

Kabanata 3

Cavallero

"Gen." A guy said. "Pupunta ka pala dito." napakamot siya sa ulo at nahihiyang ngumiti.

Tinignan ko ang iba at mukha namang ok lang sa kanila na nandito yang si Gen habang ako naman ay hindi mapakali sa kinatatayuan ko, o talagang normal lang talaga sa kanila na makihalubilo sa katulad niyang sobrang yaman at hindi lang talaga ako kumportable sa presensya niya.

"Napadaan lang." simpleng sagot niya dito nang hindi inaalis ang tingin sa akin kaya binaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon.

Kumalma ako nang ituon niya ang atensyon niya sa isang babaeng nagtanong.

"Saan ka ba papunta, Gen?" maarteng tanong niya na simpleng nagpataas ng kilay ko.

Tinignan ko ang reaksyon ni Gen pero ganoon pa rin naman. Seryoso.

"May iniutos lang ang lolo sa kabilang bayan, nakaring ako ng ingay nang papauwi ako kaya..."

He looked at me.

"Kami ba 'yon?" tumawa si Saesar. "Pasensya na at sobrang ingay ata namin."

Ric agreed on that, isa sa mga nakilala ko na pinsan rin nila Saesar na kasabayan ko rin pala sa pag-aaral.

He's business so I guess magiging magkaklase kami sa ibang subjects.

"Kaya nga.. pasensya na, malapit na kasi ang pasukan kaya sinusulit na namin ang bakasyon."

Medyo napatango ako sa kanya dahil... nga naman, nalalabing araw na namin 'to at malapit na kaming magsimulang mag-aral ng kolehiyo, hassle pa naman ang stage na 'yon kaya kailangang-kailangan namin ang ganitong oras.

"It's alright.." Seryoso pa rin niyang sagot.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at pasimpleng bumulong kay Bea.

"Hindi pa ba tayo aalis n'yan?" I asked her when I thought of something.

Kailangan ko nga palang layuan ang isang ito, dahil hindi pwedeng mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya.

Yes, I know that I'm feeling something special for this man. But I also know that it's not good for me. Masasaktan lang ako kapag ipinagpatuloy ko pa. Kaya habang nagsisimula pa lang, kailangan ko ng tapusin.

Bea laughs quietly.

"Kadarating palang natin, Amaia, pero kung naiinip kana pwede ka naman naming ihatid." Napatango naman ako sa sinabi niya.

Nakakahiya naman ata kung aalis ako agad, lalo na dahil lang sa may iniiwasan ako at lalo na kung wala namang kwenta ang dahilan.

"Ano, Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya sa akin ng pabulong, dahil medyo naging tahimik nung dumating 'yung si Gen.

I glanced at that guy, and thankfully he's not looking at me anymore.

"Hindi naman, natanong ko lang dahil baka magalit 'yung may-ari?"

Tumawa ulit siya. Medyo napalakas kaya may ilang napatingin sa amin.

"Huwag kang mag-alala, hindi 'yan." sabi niya ng nangingiti pa rin at itinuon ang tingin kay Gen.

Ngumuso ako dahil do'n.

Don't tell me may gusto rin siya sa lalakeng 'yan?

"Why didn't you join us then? Papauwi kana naman pala." She asked while smiling widely.

Maraming sumang-ayon sa kanya kaya walang nagawa ang Gen kundi samahan kami na siya na mang kinalukot ng mukha ko.

"Maliligo kaba, Amaia?" Tanong ni Bea nang makitang nananahimik ako kanina pa.

Every Ending (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon