I sighed and bit my lower lip. Ayoko siyang umalis… pero hindi naman pwede iyon. Ako nga ang nagudyok sa kanya na bumalik na sa kompanya di ba? Ang gulo ko lang.

Bumukas na ang lift.

“Uhm… u-umalis ka na.” Marahan kong kinuha ang kamay sa hawak niya. “L-late ka na-”

“Hindi na muna ako papasok.”

“H-huh?” Umawang ang labi ko.

Hinawakan niya ulit ako at marahang giniya palabas ng elevator. He fumbled for his phone inside his coat. Nagtipa siya roon at may tinawagan. Damn. He cancelled his supposed schedule for today.

What’s happening to you Odine? Why so clingy? At talagang natutuwa ka pang hindi na nga siya papasok, ha? You greedy woman!

The whole day we spent it just hanging around the house. Kinabukasan na nga siya nakapasok.

We talk, eat, cook, swim, watch movies and… make out… a lot. Kahit na ganoon lang sa loob ng nakalipas na buwan I find happiness in it. There were no dull moments with him kahit pa minsan tahimik lang kami. I am so used to it na hindi na ako sanay nang hindi siya nakikita ng matagal. I am used to his presence, everytime I turn my head or call his name, he is just there.

He goes to work, I stay in his penthouse and wait for him to be home every weekdays. Sa weekend naman may doctors appointment o kung walang mahalagang lakad hindi na umaalis. It was our routine habang naghihintay na matugis ang mga criminal na iyon. Ayon sa huling balita ay malapit na ngang masukol ang leader nila. I am worried with my mother lalo pa at baka siya naman ang saktan but Illion assured me that my father put bodyguards to keep her safe. Hindi ako magpapasalamat para sa ginawang iyon ni Daddy, until now I still don’t know how to face him or even talk to him.

Gaelle and Toni visited me twice. Naiintindihan ko naman na abala sila sa kanya-kanyang pamilya. We communicate often in chats and video calls. Ang bilis lumipas ng mga araw but every time I wait for Illion to come home parang ang tagal ng oras. It’s ironic.

I always look forward for him to come home. I am like a poor puppy waiting for her master to come back. Minsan kahit nasa kwarto ako kapag narinig ko ang elevator or nakita na paakyat na siya through the screen installed in his room, nagmamadali akong bumaba para salubongin siya sa entrance gallery mismo.

Ngayon nakaupo ako sa sun lounger sa pool area nakaharap sa papalubog na araw as I wait for him. Alam kong puno ang schedule sa araw na ito kaya hindi ko siya tini-text o tinawagan. Wala din naman akong kailangan Actually, he is the one who is frequently checking on me. Sinuway ko nga baka wala na siyang nagagawang trabaho.

Unti-unti, bumaba ang araw. Ang kahel na kalangitan ay nalusaw at nauwi sa kadiliman nang tuloyang magtago ang araw sa pagpalit ng gabi. I sighed. Sa totoo lang nalulungkot ako tuwing naiiwan dito ng magisa. But who am I to complain?

Napagisip-isip ko na bumalik na sa trabaho. Kahit naman natatakot pa rin ako, I can’t just hide here and wait for everything to be over. Kakausapin ko mamaya si Illion. Of course he will disapprove but I am sure I can convince him. Napangiti na lang ako. Baka magaway na naman kami.

Napabaling ako sa cellphone ko nang tumunog ito. It’s him! Ang bilis kong nadampot ito at sinagot. I calm myself down when I realized how tensed I am just because of a fucking phone call. Napaghahalataang excited!

I cleared my throat. Masyadong mataas ang energy ko. I will be too obvious.

“Pauwi ka na?”

Napapikit ako ng mariin. What the hell!

“I am still in the office.” Aniya. “I will be home late.”

Napalabi ako. I suddenly feel disappointed. Ayan, sanayin mo pa ang sarili mo! You really have to get a hold of yourself, Odine! He has a lot of work. He is a fucking COO of a multi-national company for goodness sake. Hindi niya dapat pina-prioritize ang isang immature clingy bitch. Oh boy, what am I thinking, really?

Wild OneWhere stories live. Discover now