Chapter 53

87.4K 2.9K 388
                                    

Chapter 53
“Tired”

“Answer my calls or you can call me. Eat on time and when you’re hungry.” Sabi niya habang inaayos ko ang necktie niya. Nakayuko siya dahil hindi ko siya maabot. Finally, nakombinse ko rin siyang bumalik na sa trabaho.

“Handa na ang pagkain mo sa ref. Use the microwave to reheat it. Huwag kang kakain ng malamig.”

I rolled my eyes at him. What am I, a seven years old going to a camping for the first time? I made a last turn and lock the knot on his tie. Inayos ko pa ang collar at coat niya.

“Tapos na.”

Tumayo siya na siya ng tuwid.

I looked up to him and smile.

“Stop worrying about me.”

“I can’t help it.” Aniya.

Napailing na lang ako.

“Don’t think too much of me. Huwag kang matulala doon, ha. Baka isipin nilang baliw na baliw ka sa girlfriend mo.” I smirked.

I tugged the end of his tie to make him crouch so I can kiss him. He arched his brow before leaning. Hinalikan ko siya ng mabilis pero hindi iyon ang gusto niya. He slowly parted my lips with his tongue, then his tongue tasted all corners of my mouth. I let my tongue do the same to him. We kiss like we have all the time in the world.

Marahan ko siyang tinulak, natatawa.

“Tama na nga, ayaw mo lang yatang umalis, e.”

He shook his head. Namumungay ang mga mata niya. Hinila ko na lang siya aalis. Actually, late na siya sa unang araw ng pagbabalik niya tapos ganito pa. He lazily step inside the elevator, para bang ang bigat ng paa niyang ihakbang. Nakatayo naman ako sa harap ng bukas na elevator, hindi sasama sa kanya sa pababa.

“You have to work hard, bibilhan mo pa ako ng bagong kotse.”

He rolled his eyes. “I can still buy you a new car without going to work.”

I make face. E di ikaw na ang mayaman! Ang yabang talaga. Well… may maipagmamayabang naman talaga siya. Daming sinasabi, hindi na lang umalis.

“Umalis ka na nga!”

He languorously pressed the button to close the doors. I stayed still, nakaharap lang dito. Bumuntong hininga ako at napailing na lang. Mas dama ko ang katahimikan ngayon na magisa na lang ako. Without thinking my hand reached for the button and pressed it to open. Sumakay ako nagmamadaling pumindot para sumara na.

The doors opened when it landed in the basement. I hurriedly step out. Napansin ko agad ang dalawang bodyguard sa tabi ng private elevator. I did not mind them kahit naging alerto sila dahil sa biglaan kong paglabas. Nagpalinga-linga ako at hinanap ang kotse niya but my eyes caught him standing instead, nakatingin sa akin hindi kalayuan. Umawang ang labi ko at nitigil sa mabibilis na hakbang.

He walk briskly towards me. Lumipat ang tingin niya sa katawan ko. Agad niya akong tinabunan ng katawan niya at hinila pabalik sa elevator.

“What are you doing here?”

Hindi ako nakasagot. Wala din akong maisasagot. Bakit nga ba nagmamadali akong sumunod sa kanya? All I can do is stare at him. Nakakunot na ang noo niya.

“You should not go out like that.” Aniya habang mariin ang titig sa suot ko bago pinindot ang penthouse. I am wearing his muscle sando mas komportable kasi iyon dahil maluwang sa akin. Siyempre ang issue na naman niya ay wala akong suot na bra tapos may ibang tao pa.

Wild OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon