Chapter 25

98.4K 2.6K 768
                                    

Chapter 25
"Blood"

Hinatid niya ako sa unit ko - I mean unit ni Rovie - ng bandang ten. I thought we are done with the talking, galit pa rin nga siya kaya ipinagpatuloy pa pagkatapos ng dinner. He would not let me go not until I told him what happened at the party on Saturday and my lunch with Flucke. Detalyado pa ang gusto!

Kinabukasan, hindi pa man oras ng paggising ay nagising na ako sa ingay ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa sa nightstand ang cellphone. Naiirita na pero sa isiping baka mahalaga ay sinagot ko na lang sa halip na patayin.

"Buksan mo ang messenger mo babae ka!" Boses iyon ni Antonia. Napangiwi ako at nailayo ang cellphone sa tainga.

"Bakit?"

"Basta! Dalian mo na."

Gigil na gigil siya siguro mahalaga talaga. Nagkuot ako ng mata pagkatapos hinanap na ang messenger at binuksan. Hinanap ko ang pangalan niya. I clicked it and found an image. Napakunot ang noo ko.

Namatay ang tawag at ngayon ay gustong makipag video call. I accepted it and his full face is plastered on my screen.

"What?"

"Ikaw 'yan diba?"

Saglit akong natigilan at nagising na nga ang diwa. It was the photo on Illion's phone Yesterday. The one I uploaded on his IG. Bakit meron siya non? At paanong nakilala niya ako?

"Huwag kang magdeny!"

"Oo na. Oo na ako na nga. What's the problem?"

She probably notice the necklace on my neck. She gave it to me. Nagpasadya siya ng tatlong necklace noon. There's one for Gaelle too. It's a white gold with a eight rays sun as the pendant. May maliliit na bato sa gitna nito.

"What's going on with you two?"

"H-huh?"

"Ni Illion!"

Umupo ako at nawala na talaga ang antok sa lakas ba naman ng boses niya. Ang aga niyang mambulabog iyon lang naman pala.

"Bakit nasa IG ka ni Illion? Babae ka pinaghahanap na iyang nunal mo."

I smirked with my puffy eyes.

"Calm down. I was the one who uploaded it, not him."

"Huh?" Siya naman ngayon ang natigilan. "Anong ibig mong sabihin?"

"Good morning too Toni." With that I ended the video call.

I sighed at natulala. Parang ngayon lang ulit naalala ang mga pinaggagawa ko kahapon sa cellphone ni Illion. What have I done?

"Shit."

Ginulo ko ang buhok ko.

Madalas talaga padalus-dalos ako. Hindi nag-iisip. I mean nagiisip naman, but I never think deeper of the possible consequences of my action.

I shrugged my shoulder. Wala namang masama doon... siguro? It's not like I showed my face or plastered my name. Mawawala din naman iyon.

I keep on convincing myself that it was okay while I am under the shower. Another thing that bother's me, Illion's reaction. Magagalit na naman ba siya?

Surely by now or maybe kagabi pa talaga, alam niya na ang ginawa ko.

Nakapagbihis na ako at bibit na ang bag pero hindi ko pa magawang lumabas ng unit. Kagabi, ang sabi ni Illion umakyat ako sa penthouse niya. We will eat our breakfast and go to work together. Nasa kanya pa ang susi ko. Pinakuha niya kasi sa driver para dalhin ngumiti.These past days I have been causing my own headaches. I just realized that now.

Wild OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon