Kabanata 9

24.7K 410 131
                                    

Kabanata 9

Halik

Halos nakatungo akong bumaba ng wrangler matapos akong pagbuksan ng pinto ni Israel. I'm wearing his cap to hide my ugly hair. Hindi ko pa rin matanggap na ganito ang kinahantungan ng buhok ko. My eyes are puffy because I cried the whole night, sa tuwing mapapatingin kasi ako sa salamin nakikita ko ang itsura ko.

Hindi ako bumaba kanina para magbreakfast mabuti na lang at sinabi ni Israel kila Donya Celeste na may lakad kami kaya sa labas na kami kakain, nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.

I can't face them with this look! Nakakahiya ang itsura ko!

Pagpasok namin ni Israel sa loob ng hair salon nagulat ako nang may mga empleyadong bumati sa kanya kaya mabilis na tumaas ang kilay ko kahit nakayuko ako.

He's pretty famous here in Tierra Alta, huh.

"Atty. dela Cuervo, long time no see! Kamusta ka na? Ang tagal mo ring nawala dito sa Tierra Alta, ah!" Ipit ang boses na bungad ng bakla kay Israel pagpasok namin.

Nanatili naman akong tahimik na nakatayo sa gilid ni Israel habang nakayuko pa rin.

Binati naman siya pabalik ni Israel. Nakailang tanong pa ang bakla bago siya bumaling sa akin.

"Darling! It's been awhile! Hindi mo nabasabi sa akin na nagkabalikan na pala kayo. Napakamalihim mo talaga, Marian." Natigilan naman ako sa pangalan na itinawag niya sa akin.

The attention of the hairdressers who cut and treat customers' hair is on us, and some customers are looking our way as well. It's already obvious that Israel is really what they are after. They know Israel and Marian, which means they were always here then. It looks like Marian also does her hair here.

Sumimangot ako. Hindi ko alam kung talagang namali lang siya o sinadya niya. Marian and I have different skin colors pati na rin ng height tapos mapagkakamalan niya akong si Marian? Isa pa, hindi kami magkapareho ng fashion style.

Sa dami-dami ng salon dito sa Tierra Alta talagang dito pa talaga ako na isipan dalahin ni Israel! Ito ang una at huling beses na magpapaayos ako dito!

Nagtaas ako ng ulo at nang mapagmasdan niya ako bigla niyang na realize na hindi ako ang babaeng inakala niya. His eyes widened with shock and embarrassment. Kung umaarte lang siya na nagulat nang makita ako papalakpakan ko siya, ang galing niyang umarte.

"A- Ah.. I thought you were Marian! I'm so sorry!" Hingi niya ng tawad. Mukha siyang constipated.

Sinulyapan niya si Israel at tabinging ngumiti dito bago muling ibinalik sa akin ang kanyang mga mata. Hiyang-hiya siya sa pagkakamali at tarantang-taranta.

Tipid naman akong ngumiti sa kanya.

"It's okay." Pagsisinungaling ko.

Kailan pa naging okay mapagkamalang ibang babae?

"She's Sianna. Something happened to her hair. That's why we're here. Do everything to make her hair look good." Ani Israel.

Mabilis namang tumago ang bakla. "Oh! Sure.. sure! No problem! Ako na ang bahala!"

He guided me to sit in front of the mirror, but my gaze remained fixed on Israel. Prente siyang nakaupo sa couch habang ang mga mata ay nakabantay sa akin. Sakop niya ang isang buong couch at wala namang nagtangkang tumabi sa kanya sa laki ng pagkakabuka ng kanyang mga hita.

The gay removed my cap, agad siyang napasinghap nang makita ang buhok ko. Hinawakan niya pa iyon at lukot ang mukhang sinuri.

"Oh, gosh! What happened to your hair?" Maarte niyang tanong.

Tierra Alta Series #1: Silent Whisper Of The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon