Kabanata 6

24.8K 393 168
                                    

Kabanata 6

Again

Sa mga sumunod na araw ay palagi lang akong nagkukulong sa kwarto o kaya naman ay sa garden ako tumatambay para malibang. Iniiwasan kong magkita kami ni Israel na napaka imposible namang mangyari dahil nasa iisang bahay lang kami at kahit pa napakalaki nitong mansion nila nagkikita at nagkikita pa rin kami.

Last time we bumped into each other while I was walking back to my room, I didn't see him because I was preoccupied with flipping the pages of the book that I got from the library. I immediately apologized to him, and he was about to say something when I walked away. He can call me rude all he wants, but I don't care. I still remember what he said to me, and it still hurts me.

Paulit-ulit kong naririnig sa aking isipan ang mga salitang binitawan niya sa akin. Lihim akong nasaktan dahil doon kaya mas minabuti kong idistansya ang sarili mula sa kanya. Papalipasin ko muna hanggang sa makaya ko na ulit siyang harapin ng walang nararamdaman para sa kanya.

I like Donya Celeste, but whenever she pushed Israel to accompany me, I just wanted to tape her mouth shut. Is she blind? Ilang beses ko ng iniiwasan si Israel at alam kong nahahalata nila iyon pero hindi pa rin siya tumitigil. Kahit pa nasa hapag kaming lahat pinipigilan ko ang sarili kong madapo ang mga mata kay Israel kahit pa ramdam ko ang mga tingin niya sa akin. Kapag naman nakakasulubong ko siya mabilis akong nag-iiba ng daan.

"Sianna, where are you going? Gusto mo bang pasamahan kita kay Israel na maglibot dito para hindi ka ma-bored?" Napahinto naman ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Donya Celeste. Kalalabas lang niya ng office room nilang mag-asawa.

Mabilis naman akong umiling sa kanya at nagpaskil ng pekeng ngiti. Nakita kong umalis si Israel papunta ng kwadra kanina pagkatapos naming kumain ng agahan kaya nakakalakad ako ng walang inaalala na baka makasalubong ko siya. Napapansin ko kasi na palagi na siyang naglalagi dito sa mansion samantalang dati ay halos hindi na siya umuwi dito kakatrabaho sa kwadra. Palagi tuloy akong itinutulak ni Donya Celeste na magpasama sa kanyang maglibot na mabilis ko ring tatangihan.

"No need, Donya Celeste. Kasama ko naman po si Xavier." Pagsisinungaling ko. Hindi ko naman talaga kasama si Xavier.

Tumaas ang sulok ng labi nito. Hindi ko alam kung dahil ba sa itinawag ko sa kanya o dahil sa pagtanggi ko sa sinabi niya.

"He's with Ava. I think they're going somewhere." She said.

"Oh! Yes! I'm with them po!" I quickly said.

When Xavier returned home, he was with this girl, Avalon. The girl appeared to be very familiar to me, but I can't recall where I saw her. I never had the opportunity to get to know her since I always stayed in my room, but I think Donya Celeste already knew her because on the day that Xavier brought her here, Donya Celeste cheerfully welcomed her. They seemed very close when they talked.

Mukha ngang hindi ko bodyguard si Xavier kung umasta ito. Palagi siyang wala at hindi ko alam kung saan siya nagpupunta sa tuwing nawawala. Pasalamat siya at ayoko ng may bumubuntot sa akin kaya ayos lang na magliwaliw siya. Hindi naman ako natatakot na maiwang mag-isa dahil sigurado naman akong ligtas ako dito. Hindi ko nga alam kung hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ako ng mga Alcazar. I don't have any news about them.

Mabilis akong nagpaalam kay Donya Celeste dahil ayokong ipilit pa niya na yayain ko si Israel na sumama sa amin. Balak kong maglibot dito sa lupain nila ng mag-isa. Hindi naman ako lalabas ng bakuran nila kaya wala naman sigurong masama. Walang makakakilala sa akin.

Nang tagumpay akong nakalabas ng mansion dumiretso agad ako sa likod ng malaking bahay. I'm curious kung ano bang meron sa likod ng masion nila matapos kong makita noong nakaraan na may daanan pala roon. Next time na akong maglilibot sa kwadra, ayokong magkasalubungan kami ni Israel kung sakaling naroon siya.

Tierra Alta Series #1: Silent Whisper Of The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon