Kabanata 16

27.8K 423 97
                                    

Kabanata 16

Pangako

Nagulat ako nang ipasok niya talaga ako sa loob ng kwarto niya. Mabilis kong nilingon ang hallway para tingnan kung may nakakita ba sa amin bago niya pa tuluyang maisara ang pinto. Pagpasok namin sa kwarto niya ay doon lang niya ako binitawan.

"Dito ka lang. Sabay na tayong bumaba. Maliligo lang ako sandali. Rest on my bed or watch television while waiting." Aniya habang lukot pa rin ang mukha.

Sasagot pa lang ako pero mabilis na siyang nakapasok sa loob ng kanyang bathroom. Naiwan akong nakatayo at nakatingin sa saradong pinto ng cr niya.

I bit my lower lip when I remembered what he had just said. Jealous? He's jealous? Hindi ko na napigilan pa at tuluyan ng napangiti. Umupo ako sa gilid ng kama niya habang napapailing pa. Kung dati ay halos mandiri ako sa mga naging boyfriends ko sa tuwing nagseselos o nagiging possessive sila, pero bakit pagdating kay Israel ay ayos lang? Bakit hindi ako natuturn off?!

Mabilis na kumalat ang init sa magkabilang pisngi ko nang maalala ang ginawa niya sa harap ng mga pinsan niya kanina. He just obviously announced to them that we were together!

I picked up one of his pillows and put it on my face as I felt the heat spread all over my face. Mas isinubsob ko pa ang mukha sa unan para patigilin ang sarili na mapasigaw pero mas lalo lang nag-init ang mukha ko nang maamoy ko siya sa unan niya. My nostrils were filled with his musky scent.

Israel has a way of making me feel things that I hadn't known I could feel before. He wrecks havoc on my entire system without him knowing it.

Nang makaramdam ng inip pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto. Walang nagbago sa ayos ng mga gamit niya. Katulad pa rin ito ng dati noong unang pasok ko dito. Tumayo ako at lumapit sa bookshelf niya. Punong-puno iyon ng iba't-ibang klase ng libro at karamihan roon ay mga law books.

Pinasadahan ko iyon ng daliri at wala akong nakapang kahit kaunting alikabok. Halatang hindi pang display ang mga libro at talagang binabasa dahil walang kaali-alikabok.

Kumuha ako ng isang libro at binuklat ang mga pahina. Hindi ko namalayan na masyado na pala akong nawili sa pagbabasa kung hindi lang naagaw ng snow globe ang atensyon ko.

Matapos kong ibalik ang libro sa shelves lumakad ako palapit sa display na snow globe na nakapatong sa ibabaw ng glass table. Night time ang tema nito. Kapag inalog ay may mga snow na kakalat sa paligid. Matagal kong pinaglaruan iyon, inalog-alog, at natigil lang ako nang bumukas ang pinto ng cr at lumabas mula roon si Israel na nakatapi lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan.

Water was dripping from the strands of his hair all the way down to his body.

Sa gulat at taranta ko ay dumulas ang snow globe sa kamay ko, nabitawan ko iyon. Nalaglag iyon at tumama sa glass table. Nabasag ang bahagi ng lamesa na natamaan ng snow globe at ganon din ang snow globe na ngayon ay basag na. Nagkalat ang mga bubog sa paanan ko pati ang ibang nakapatong sa lamesa ay nadamay. Nabasa iyon ng tubig na nanggaling sa nabasag na snow globe at nagkalat rin ang ink na natapon matapos mahulog sa sahig.

Shit!

Akmang uupo ako para pulitin ang mga nahulog na gamit nang mabilis akong hinawakan ni Israel sa braso para patigilin at inilayo sa mga bubog. He checked my legs and even my arms to make sure I was okay. When he saw some cuts on my skin, he cursed multiple times.

Mabilis niya akong hinila sa couch at pinaupo roon.

Nanatili ang mga mata ko sa kanya habang seryoso niyang sinusuri ang mga cuts ko.

"I'm s- sorry. Hindi ko sinasadya. D- Dumulas kasi sa kamay ko." Kinakabahang paliwanag ko.

Doon lang siya nagtaas ng tingin sa akin.

Tierra Alta Series #1: Silent Whisper Of The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon