Kabanata 36

43K 725 457
                                    

Kabanata 36

Guilt

Nilingon ko ang babysitter ni Suriel nang sumingit ito at nahihiyang nagpaalam. Kung hindi pa ito nagsalita hindi ko pa maaalala na narito pa pala siya dahil ang buong atensyon ko ay nayanig sa pagdating ni Israel at mas lalo pang nayanig nang sabihin niyang alam na niya na may anak kami. Hindi ko naman kasi akalain na pakikialaman niya ang gamit ko lalo na ang cellphone ko! That's privacy, but he didn't know the word or the meaning of it.

"A- Alright. Thank you for looking after my s- son." Hindi ako hinayaan ng labis na kaba ko na makapagsalita ng maayos at nanginig pa ang boses ko. Nginitian ko siya pero alam kong tabingi ang kinalabasan ng ngiti ko dahil sa totoo lang ay gustong-gusto ko siyang pigilang umalis para lang hindi kami mapag-isa ni Israel pero hindi ko nagawa dahil nanatili ang matalas na mga mata sa akin ni Israel, nanunuot sa balat ko.

Tumango naman ito. Hindi makatingin ng maayos sa akin. She looked embarrassed for witnessing what she had witnessed. Nagkabaliktad dahil ako dapat ang mahiya dahil sa mga narinig niya.

"W- Welcome po, Ma'am Sianna. Mauna na po ako." Paalam niya pagkatapos ay nagyuko ng ulo hanggang sa makalabas siya ng unit.

Nagtagal ang titig ko sa pintong nilabasan ng babysitter ni Suriel kasabay ng pagpapakawala ko ng malalim na hininga bago ko muling sinulyapan si Israel. Napapaso ako sa mga tingin na ibinibigay niya sa akin kaya hindi ko nagawang maibuka ang mga labi ko para makapagsalita. Hindi ko rin naman alam kung saan magsisimula o kung anong sasabihin ko sa kanya. Nang hindi ko na makayanan pa ang bigat ng kanyang mga mata, nagbaba ako ng tingin.

Siya ang unang bumasag sa katahimikan.

"What's his name?" He asked, so I didn't have a choice but to raise my head and look at him.

I had to swallow hard before I was able to open my mouth and respond to his question.

"S- Suriel."

"His full name?" Marahan na ang kanyang boses ngayon ngunit hindi ang kanyang ekpresyon.

"Suriel Angus Samonte." Mahinang sagot ko na alam kong umabot sa kanyang pandinig.

Hindi ko na nagawa pang makapagsinungaling sa kanya dahil alam kong hindi rin naman siya maniniwala kahit itanggi ko pa. He's not stupid enough to believe me if I try to lie to him or deny everything to him. He already saw my expression and just confirmed everything after he asked me about Suriel.

He sighed heavily, his breathing growing labored. I could see the corners of his eyes getting moist as he slowly nodded at me.

"Suriel Angus. Angel of healing and one strength." He said to himself, and he didn't realize that he had said it a little louder.

Seeing how broken and wounded he was at this moment, I felt a searing pain rip my heart into little pieces. He appeared to be a complete mess and weak, as if he would fall apart at any moment. Uminit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang nanghihina at nasasaktang anyo niya. Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili dahil ayokong bumigay sa harapan niya.

"H- His birthday is on the 20th of February. His favorite dish is nilagang baboy. He prefers reading rather than playing. He-" Hindi ko na nagawang maituloy pa ang sasabihin nang tumingala siya pagkatapos ay mariin na pumikit, tinakpan ng isang braso niya ang kanyang mga mata habang marahas na umaalon ang kanyang dibdib.

Mabibigat at mararahas ang bawat paghinga niya, kinukontrol ang sariling emosyon ngunit hindi siya nagtagumpay dahil sa bawat paghugot niya ng hininga bumibigay siya... sumasabay ang mahihinang tinig na kumakawala sa kanyang mga labi. Puno iyon ng sakit at galit.

Tierra Alta Series #1: Silent Whisper Of The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon