Kabanata 23

36.5K 538 99
                                    

Kabanata 23

Desisyon

I can't take my eyes away from them, especially with the kid on her side. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Si Avalon ang unang nakabawi sa pagkagulat. Nagsimula siyang lumakad palapit sa table ko habang hawak-hawak sa kamay ang batang lalaki.

Mabilis akong tumayo para salabungin sila. Hindi pa rin makapaniwala na nagkita kami matapos ang ilang taon.

Ava looked nervous as she looked around as they walked towards my table. Patingin-tingin ito sa paligid at tila may hinahanap ang mga mata. Pinasadahan din niya ng tingin ang upuan sa harapan ko pati na ang mga pagkain na nasa lamesa. Nang makitang pang isahang tao lang ang order ko doon nabawasan ang pamumutla niya.

She looked the same. The only difference was that she became more beautiful. Her ebony hair cascaded freely over her shoulders. It wasn't as long as it used to be. Her hips became rounder, while her waist remained small as before. She's glowing radiantly. Her fair skin grows even fairer. She was just simply wearing an oversized blush sweater and a blush pencil skirt that reached to the middle of her thighs and an over-the-knee black boot.

Last time I saw her, her eyes were gloomy and lifeless, but now they were bright and alive. Her face looked peaceful now. Wala ng bakas ng galit at sakit.

When they reached my table, she softly lowered her gaze to his son.

"Kairos, greet Tita Sianna. She's Mama's friend." Malambing niyang utos dito.

Ilang sandali pa bago ako binati ni Kairos habang diretsong nakatingin sa mga mata ko, para talaga akong nakikipagtitigan kay Xavier!

Lumunok ako bago ngumiti kay Kairos na nanatiling nasa akin ang malalamig na pares ng mga mata. Yumuko pa ako para magpantay kami.

"Hello, Kairos. Join me. Let's eat. What do you want to order? It's on Tita." Nakangiting sabi ko dito.

I can't help but notice the hard resemblance of Xavier on Kairos' features. His brows, thick lashes that framed his hooded eyes, straight nose, and the outline of his lips were all gotten from Xavier. Even the way he stared at me was the same as his father!

I really wanted to laugh when I saw Ava's nose scrunched up when she realized what I was thinking while looking closely at her son.

Ang sabi pa niya noon ayaw na niyang makita pa si Xavier pero heto ngayon si Kairos na exact replica ng lalaking ayaw na niyang makita at kopyang-kopya pati na rin kung paano tumingin! Hindi ko na napigilan at napatawa na ako. Irap naman ang natanggap ko mula kay Avalon.

Nakagat ko ang loob ng ibabang labi nang kumunot ang noo sa akin ni Kairos at tumiim ang mga mata niya sa akin, inakalang siya ang pinagtatawanan ko. Umiling ako sa kanya at nakangiting marahang hinaplos ang pisngi niya bago ko sila inanyayahang umupo sa table ko.

Tumawag ako ng waiter para hingiin ang menu. Nang matapos silang umorder ay doon lang kami nakapagsimulang mag-usap ni Ava. Hindi ko talaga akalaing makikita ko siya dito! Ang akala ko ay nasa Pilipinas ito. Wala naman akong naging balita sa kanya sa nakalipas na mga taon.

"How a- are you, Av? It's been what? Seven years? Is that him?" Mahinang tanong ko habang patingin-tingin sa batang katabi niya kahit sigurado naman ako sa sagot sa tanong ko.

She nodded at me before letting out a heavy breath.

"You were right. Hindi nga ako tinanggap sa bahay nang malaman ni Daddy na buntis ako at wala akong ama na maiharap." Kaswal na kwento niya pero alam kong nahihirapan siyang balikan iyon.

"Let's not talk about that." I told her while eyeing the kid.

Umiling naman siya sa akin.

"Okay lang. Hindi siya nakakaintindi ng tagalog. He was born here. Dito na ako nanganak. Ipinatapon ako ni Daddy sa Australia para doon tumira kasama ang fiancé ko nang malaman nilang buntis ako. Hindi ako nakatanggi dahil ayoko ng dagdagan pa ang galit nila sa akin. Daddy still wants me to continue the wedding with my fiancé para hindi ako maging kahihiyan sa pamilya." Mapait na kwento niya.

Tierra Alta Series #1: Silent Whisper Of The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon