Kabanata 17

28K 396 86
                                    

Kabanata 17

Spg

Panatag

I was picking the coconuts one by one on the ground and giving them to Ava to put them inside the sack. Sumama kami kila Xavier dito sa bukuhan dahil wala naman kaming gagawin sa mansion at paniguradong mabobored lang kami roon.

I was sweating really hard, but I didn't mind it as long as I was enjoying myself. Sandaling umalis si Israel nang may tumawag sa kanya at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik kaya naman walang sumasaway sa akin ngayon. Ayaw kasi nitong tumutulong ako sa gawain dito at lagi lang akong pinapaupo para manood sa mga ginagawa nila and that's boring.

Kanina pa rin kami sinasaway ni Xavier na lumayo rito at baka mabagsakan kami ng buko na hinahagis ng mga trabahador na nasa itaas ng puno. Inilalaglag nila ang mga nakukuhang buko sa ibaba na pinupulot ko naman para ilagay sa sako.

Mabagal akong tumakbo para pulutin ang bukong gumulong sa may dulo at ibinigay iyon kay Ava na ipinasok naman niya sa loob ng sako. Kapag napupuno ang sako ay agad iyong kinukuha ng mga nagbubuhat para ilagay sa imbakan.

Hinawi ko ang buhok na dumikit sa noo ko at hinihingal na lumakad palapit kay Ava na ngayon ay prente ng nakaupo sa upuang gawa sa kahoy habang umiinom ng buko. Nagpasalamat naman ako sa lalaking nagbigay sa akin ng buko at agad na sumipsip doon. Umupo ako sa tabi ni Avalon.

Pinaypayan ko ang sarili gamit ang kamay. Ang init!

"Ang ganda din kasi ng trip mo sa buhay Sianna. Tirik na tirik ang araw habang patakbo-takbo kang pumupulot ng buko." Aniya sa nanunuyang tono.

Narito lang kasi siya sa lilim habang nasa tabi niya ang malaking sako kung saan niya inilalagay ang mga napupulot kong buko. Pinasadahan pa niya ako ng tingin pagkatapos ay ngumiwi.

"You look... I don't know." Umiling-iling siya. "Dugyot." Dugtong pa niya.

Inikutan ko siya ng mga mata at hindi pinansin, patuloy lang sumipsip sa bukong hawak ko sa sobrang uhaw. Akala mo ay hindi rin siya pawis kagaya ko, ang pinagkaiba nga lang ay naliligo na ako sa sariling pawis.

Akala ko kasi madali lang gawin 'yon pero nagkamali ako, mahirap pala at nakakapagod, pero at least masaya akong nakatulong ako sa kanila.

Sumandal ako sa sandalan para ipahinga ang likod pagkatapos ay pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Patuloy pa rin sa pagtatrabaho ang lahat kahit tirik ang araw. Lahat sila ay wala ng pang itaas dahil basa na ng pawis kaya tinanggal na lang at ipinulupot sa kanilang mga ulo.

Napakagat ako sa straw ng buko juice nang mahagip ng mga ko ang lalaking papalapit sa amin. Malayo pa lang ay kita ko na agad ang kunot sa kanyang noo habang diretsong nakatingin sa akin. I quickly became uneasy about how I looked.

Kinalabit ko si Ava. "Do I really look d- dugyot?" Natatarantang tanong ko sa kanya at pinasadahan ng daliri ang buhok ko ng ilang ulit.

Nilingon niya ako at muli akong hinagod ng tingin pagkatapos ay mabilis na tumango habang tumatawa. Hindi na ako nakasagot pa nang tuluyang makalapit sa amin si Israel.

He scanned the area before his deep, dark eyes came to rest on me.

"You're sweating. What did you do?" Bungad niya sa akin matapos akong pasadahan ng tingin.

Napangiwi ako, umiling sa kanya. "W- Wala naman. Mainit lang kasi."

Tumango siya matapos sandaling sulyapan ang sakong punong-puno ng buko na nasa gilid ni Avalon. Hindi ko alam kung naniwala ba siya sa dahilan ko dahil si Ava ay hindi naman ganito kapawis katulad sa akin.

Tierra Alta Series #1: Silent Whisper Of The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon