Kabanata 27

37.4K 555 287
                                    

Kabanata 27

Photoshoot

Maaga kong inihatid si Suriel sa school para hindi ako mahuli sa shoot ko mamaya. Last week ay nahanapan ko ito ng school kaya agad ko siyang in-enroll at ngayon nga ang first day niya.

Hindi naman ako nag-aalala na baka mahirapan siya sa pag-aadjust dahil hindi siya marunong magsalita ng tagalog dahil classmate naman sila ni Kairos. Nang malaman ni Ava na nakahanap ako ng school para kay Suriel, the next day ay in-enroll niya na rin si Kairos.

Grade one ulit ang mga ito dahil hindi naman nila natapos ang school year sa New York.

"Bye, Mama. I love you. Take care." Bilin niya matapos akong halikan sa pisngi.

"Thank you, Suriel. I love you too. Please tell your teacher if something happens, okay?" Bilin ko pa.

Tumango naman siya sa akin bago tuluyang pumasok sa kanyang classroom. Hindi ko napansin kung naroon na ba si Kairos sa loob dahil sarado ang mga bintana ng classroom dahil sa aircon at hindi na ako sumilip pa sa loob.

Paglabas ko ng school ay agad akong sumakay sa taxi na sinakyan namin ni Suriel papunta dito. Pinaghintay ko na lang ito dito dahil sandali lang naman ako. Inihatid ko lang si Suriel sa classroom niya. Ayaw pa nga nitong magpahatid dahil kaya niya na raw pero hindi ako pumayag kaya wala siyang nagawa.

Mabilis akong nagbayad sa driver nang makarating ako sa address na ibinigay sa akin ng babae. Sasakay na sana ako ng elevator kaya lang ay puno na iyon. Ang sabi sa akin ng isa sa employee na naroon sa loob ay sa susunod na lang daw ako sumakay kaya tumango na lang ako.

Tiningnan ko ang wristwatch ko para silipin ang oras. Ayoko namang mahuli dahil aayusan pa ako. Lumakad ako papunta sa kabilang lift at doon sumakay. Pipindutin ko na sana iyon pasara nang matigilan ako at halos mabato ako sa kinatatayuan.

Bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba habang nakatingin kay Israel na seryosong naglalakad papunta sa direksyon ko. Nasa gilid nito ang isang lalaking mukhang empleyado dito. Hindi niya pa ako nakikita dahil busy siya sa pakikipag-usap dito ngunit ang kausap niya ay nakatingin na sa akin.

"I'm sorry, Ma'am, but this lift is exclusive only to the executive." Pagpapaalis sa akin ng lalaking kasama ni Israel nang makarating sila sa tapat ko.

Bumukas-sara ang bibig ko. Hindi malaman ang sasabihin dahil sa labis na gulat at pagkapahiya. Doon pa lang ako tinapunan ng tingin ni Israel. Wala man lang akong nabakas na gulat sa kanyang mga mata nang makita ako. He just lazily stares at me like I am nobody. Nagulat ako nang maglakad siya papasok sa loob at lagpasan ako. Sa likod ko siya pumwesto.

"I- I'm sorry. Hindi k- ko alam." Hingi ko ng pasensya sa lalaki at akmang lalakad na ako palabas nang magsalita si Israel mula sa likuran ko. Napakislot pa ako sa labis na gulat.

"It's okay. Pumasok kana rito, Santos." Maawtoridad na utos niya sa lalaki.

Nagulat hindi lang ako pati ang lalaking nagpapaalis sa akin sa lift. Sinulyapan pa ako nito bago inilipat ang tingin kay Israel.

"Yes, Sir." Sabi nung Santos pagkatapos ay muli akong sinulyapan bago tuluyang pumasok sa loob.

Nakabawi lang ako nang akmang pipindutin na ng lalaki pasara ang lift. Mabilis ko siyang pinigilan. I composed myself first before I faced them.

"Hindi na. Lalabas na ako. Pasensya na hindi ko kasi alam na para lamang pala ito sa mga executive." Matabang na sabi ko at akmang lalakad na ako palabas ng lift nang biglang pindutin ni Israel pasara ang lift.

Gulat ko siyang nilingon. Diretso lang siyang nakatayo at nasa pinto ng lift ang madidilim na mga mata. Walang pakialam sa presensya ko.

"Sabi ko lalabas ako, 'di ba?" May inis kong sabi.

Tierra Alta Series #1: Silent Whisper Of The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon