32- COUPLE <3

2.1K 44 11
                                    

A/N:
HINDI NA LANG DIN AKO MAGTA-TAG SA PART NG DEDICATION, BUT I WOULD LIKE TO MENTION THESE PEOPLE, WHO ADDED THIS STORY TO THEIR READING LIST AND TO THOSE WHO KEEP VOTING AND COMMENTING TO THE CHAPTERS OF THE STORY:

simplepretty13, marijacruz27, bonafloresconde, shaneliu_oh, mon_aquino, babyloveann, dntcjb, seductivemaiden. nicaanore, abyiberta, silentreader_11, meayqtee, naughtydreamwalker, xtianoo25, pou28pou, 143_watty...

AT SA IBA PA. MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA NG STORY KO. LUBOS AKONG NAGAGALAK NA SINUSUPORTAHAN NYO AKO. THANK YOU.

CHAPTER 32- COUPLE

EVE'S POV

"CONGRATULATIONS MA'AM EVE!"

Salubong sakin ng mga bata ng section 4-A, English Class, pagkapasok ko sa classroom nila. Nagulat pa ako dahil sa sinabi nila. May party popper pa na biglang nagsabog ng confetti at nagpalakpakan ang mga bata.

"What's going on?" Naguguluhang tanong ko but on my lips is a bit of smile. Ewan ko ba, bigla akong na-amuse sa kanila. I don't know what good I've done to them at biglang ganito kasaya ang mga mukha nilang sumalubong sakin, taliwas sa kadalasang expression ng mga mukha nila sa tuwing pumapasok ako- which is mostly frown.

"Uyyyy.... Kaya pala blooming si Ma'am lately eh...." Wika ng isang punk na lalaki sa hulihan ng third row.

I raised my brow but I'm giving them a weird smile.

"Congratz Ma'am at may boyfriend ka na!" Bati ng class muse.

"Congratz din sa tin kasi di na tayo pahihirapan ni Ma'am sa exams!" Dagdag pa ng isang malaking binatilyo sa gitna ng second row.

Natatawang napailing ako. Kalokohan talaga ng mga batang ito oh. I can't help but blush. How did they know?

"Himala ba masyadong may boyfriend ako?" I bursted out my thoughts. Natatawang inilapag ko ang mga gamit sa mesang malapit sa board.

"Hay naku Ma'am! Matagal ko na ngang pinagdadasal na magkaboyfriend ka eh! Ang sungit sungit nyo kasi sa min Ma'am! Praise God at ngayon ngumingiti ka na." Wika ng isang babae sa tonong Batangena.

"How did you know about all this?" Naniningkit ang mata kong tanong sa kanila at naghagikhikan naman ang mga babae. "Ms. Buenaventura?"

"M-ma'am," Tumayo si Sunshine sabay hagikhik at peace sign, "guilty as charged po."

Sabi na nga ba eh, si Sunshine may gawa nito. Siya ang saksi sa kakornihan ng tito niya kasama na yung panahong sinagot ko si Adam. Hindi ko naman kasi ikinuwento sa mga kasamahan ko na may boyfriend na ako, mas lalo na sa mga bata. I don't share private information with people I'm not close with.

Talaga bang himala na nagkaroon ako ng boyfriend? Hmmmm... Kahit nga si Mommy Dionisia nagkaboyfriend pa sa edad niya, ako pa kaya na nasa mid-twenties pa? Eh si Dagul nga nakahanap ng kapartner eh, ako pa ba?

Well, kung sabagay, basing on the student's complains and co-teachers' observation, mahirap daw ako pakisamahan. Nakakailang daw pag kasama ako sa isang lugar, dahil sa matatalim kong titig, at harsh comments and opinions. Para daw akong matandang dalaga na nakulangan sa dilig. Kaya malamang sa hindi, nagulat silang nagkaboyfriend ako. Himala?

I'm thinking so, too... Nagtataka nga ako kay Adam eh, ano bang nagustuhan niya sakin? Eh isa lang naman akong malaking ampalaya-BITTER in life.

At hindi lang pala mga kuya ko ang nakapansin ng pagbabago ko, maging mga co-teachers at students ko. Nakakahiya na makakuha ng atensyon nila. I'm not used to it.

Seducing EveWhere stories live. Discover now