46- HAY BUHAY!

2K 52 37
                                    


46- HAY BUHAY!

Eve's POV

"Madali ka naman palang matuto."

Napangiti ako sa komento ni Caleb. Kasalukuyang nasa kusina kaming dalawa at tinuturuan niya ako na magluto ng dinuguan. Sa ngayon, malapit na ring maluto yung putaheng itinuro niya sa kin.

"Mahusay ka lang talaga magturo. Salamat, ah."

"Wag ka magpasalamat, may bayad yun."

"Wag naman sana mahal ang talent fee mo ah." Biro ko na ikinatawa niya sabay biglang sumeryoso. Yung tipong nakakatakot.

"Hindi naman ako mahal maningil." Napalunok ako sa sinabi niya.

Dahan-dahang lumapit si Caleb sa akin. He looked menacing. His eyes went dark. Napaatras ako sa takot.

"Anong g-gagawin mo?" Lakas loob kong tanong. Umatras pa ako hanggang sa nabangga na ng likod ko ang pinaglagyan ng stove.

Anong gagawin niya?

Manghahalik? O baka re-rapein niya ako?

Hindi pwede!

Na-corner ako ni Caleb kaya lalong nagwala ang puso ko.

PAK!

Sinampal ko ng buong lakas si Caleb.

"Aray!" Hiyaw ni Caleb sabay tumakbo ako palayo sa kanya at iniumang ang sandok na hawak ko.

"Subukan mong gawan ako ng masama, hindi lang yan aabutin mo."

"Ba't mo naman ako sinampal? Titingnan ko lang naman yung dinuguan kung luto na ba. Tsk!"

"H-ha?" Bigla akong naguluhan at nang ma-realize ang sinabi niya, pinamulahan ako sa hiya.

"Ang sakit ha!" Naiirita niyang wika habang sapo yung pisngi niyang namumula.

"A-akala ko kasi... kasi..." Nauutal kong wka habang namumula na rin sa pagkapahiya. Akala ko kasi may gagawin siyang masama.

"Na ano? Na pagsasamantalahan kita? Neknek mo! Tsk! Luto na yan, ihain mo na."

Aniya sabay alis.

"Sorry!" Pahabol kong paumanhin. Pinatay ko ang stove saka mabilisang kumuha ng ice sa ref saka hinabol si Caleb.

***

Napa-aray uli si Caleb nang ilapat ko ang ice pack sa pisngi niya.

"Sorry talaga." Nakokonsensya kong wika. "Ikaw naman kasi eh. Nanggugulat ka." Naka-pout kong reklamo.

CALEB'S POV

Pinalitan ni Eve ang laman ng ice pack at dahan-dahan niyang nilagay uli ang ice pack sa pisngi ko sabay ihip dito para mas matanggal daw yung sakit.

Kahit pinagpapawisan ay nakakaakit pa rin siyang tignan.

Napakurap ako sa naisip ko saka ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko nitong mga nakaraang araw. Tsk.

"Masakit pa rin ba?"

Napalingon ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata. Nama-magnet ako. Hindi ko alam kung saan, kailan o paano nag-umpisa to.

"Caleb?"

The way she says my name, it's enchanting.

"Eve." Napalunok ako. Her lips are so inviting.

Seducing EveWhere stories live. Discover now