11- SAIPAN DAY 2 *BUS RIDE*

3.5K 71 5
                                    

A/N: Sorry sa super late update... busy ang peg eh...lalo na at pasukan... I'll try to update every other day.

CHAPTER 11- SAIPAN DAY 2 *BUS RIDE*

 

EVE'S POV

            Nakaupo kami ngayon sa gilid ng pool at nakababad ang mga paa sa tubig. Magkahiwalay ang mga lalaki at babae. Nakasuot kami ng tshirt na may malaking heart sa gitna kung saan nakatago ang picture ng taong nag-imbita sa amin para makasali sa show na ito. Alam ko naman na sino talaga ang nag-imbita sakin dito. Tss. Nag-aaksaya lang ako ng oras dito. Sobra. Nakakatamad dito. Kung hindi ako pinakialaman ni Adam kagabi, malamang pinaglalamayan na ako. Pero hindi natuloy. GRR. Now, I prefer to stay at home, read my books, or watch movies in my room. Nakakairita kasi ang mga kasama kong babae, nilalandi ang mga lalaki. Pwera na lang sa katabi kong si Mia. Sya rin ang katabi ko sa queensize bed namin sa kwarto. I like her. Medyo chubby siya pero may hubog pa rin ang katawan. Mahaba ang buhok niyang makintab at chinita. Mabait si Mia, she's like an older sister to me. Si Kim Min Jung naman ang katabi ni Mia. Medyo mailap siya sa akin siguro dahil... Ah wag na. Ayoko na isipin yon. It's part of the past. Samantalang yung katabi ni Min Jung ay si Laura na isang It-girl kuno- socialite and everything. Spoiled brat kumbaga, well, halata naman. Nilalandi niya kuya ko eh. Kasama niya pa yung isa ring socialite na si Amber. Mukhang nagkasundo agad sila. Halos sa lahat ng lalaki nagpapacute eh. TSS.

           

            “Okay, Charles, ikaw ang mauuna.” Wika ni Henry.

            Tumayo yung Charles at hinawakan ang heart shape sticker ng tshirt niya para ireveal kung sino inimbitahan niya dito.

            “The one I invited here is...” Tinanggal niya ang sticker. “Amber.”

            Nagpalakpakan sila. Si Amber napasinghap at kunwari nahihiya. Drama. Ang arte. Tch.

Tapos Si Shin naman na inimbitahan si Laura. It's Kuya's turn now.

            “Ang inimbita ko dito ay si....” Napasulyap sakin si Kuya. “...si Eve syempre^-^)” Hindi na nakapagtataka. Tsktsk. Siya ang humila sakin dito eh, malamang siya  ang nag-imbita sakin.

            Natawa naman ang mga host.

            “Talaga naman oo. Akala ko ibang babae inimbitahan mo, dude.” Sabi nung isa pang host.

            “Si Eve inimbitahan ko dito secretly.” Sagot naman ni Kuya. “Masyado kasing seryoso si bunso at walang alam sa fun haha.” Sinimangutan ko si Kuya habang nagtatawanan naman sila. Balak niya pa talagang ipahiya ako tsk. Sumunod namang tinawag yung chinito daw na parang aloof. Sky ata ang pangalan.

                    “The one whom I invited is...” Tumingin siya sakin. Tumaas naman ang kilay ko. Sakin ba talaga siya nakatingin? Nilingon ko ang katabi ko. Ah baka si Mia inimbitahan niya. “...Eve.”

            “Oh?” Nagulat ako sa sinabi niya at naituro ko ang sarili ko. Napatingin naman sila sakin. P- paanong siya nag-invite sakin? Akala ko si Kuya lang. P-pero kilala niya ako? Paano?

Seducing Eveحيث تعيش القصص. اكتشف الآن