1- PAGKAKAKILANLAN

8.2K 135 12
                                    

CHAPTER 1: PAGKAKAKILANLAN

 

EVE'S POV

            Naglakad ako sa hallway. Taas-noo at walang lingon lingon. Naintindihan naman yon ng mga tao at umaalis sila sa dinadaanan ko para walang harang. Dapat lang. Kung ayaw nilang matalsik dito.

            Narating ko din ang classroom ko. Sa pinto pa lang ay dinig na dinig ko na ang ingay nila. Agad na kumunot ang noo ko at nang pumasok ako, nahagip pa ng aking mga mata ang isang pares ng nagliligawan- may pahawak-hawak pa ng kamay yung lalaki sa babae habang ang babae naman ay panay beautiful eyes.



%$#&*~ WTF?

Pabagsak kong inilapag ang mga gamit ko sa center table.

            “This. Is. A. Classroom. Not. A . Park!” Bulyaw ko habang nakatitig dun sa nagliligawan na agad namang nagsibalikan sa kani-kanilang upuan. Lahat sila ngayon ay nakayuko. Ke aga aga ginagalit nila ako?! Nakakaloka!

            Inayos ko ang suot kong eyeglasses at naniningkit ang matang tinitigan sila isa-isa. Mga mahaderang bata ito. 4th year high school pa lang sila pero kung makapaglandian daig pa ang mga aso sa kalye. Naglakad-lakad ako sa pagitan ng row ng mga armchairs nila.

            “I dont want to mold flirt students here. I want achievers!” Napuno ng katahimikan ang buong classroom. This. This is what I want- peace. Katahimikan. And I hate noisy people. I hate flirty people. I hate dishonest people. Ah basta! Madami pa akong ayaw. At alam na nila iyon dahil umpisa pa lang ng school year ay pinagsabihan ko na sila. Patapos na nga ang taon pero may iilan pa rin talagang matigas ang ulo.

 

            “We achieve naman po eh. ” Malakas ang loob na wika ng isang tisoy. Nagsipaghagikhikan pa ang mga tropa niya. Huminto ako sa tabi niya.

            “Yes Karl.” Hinarap ko syung tisoy at inilevel ko ang mukha ko sa mukha niya. “You and your friends excel very much in mischief.” May diin kong sabi at pumunta na sa harapan. Rinig ko pa ang mahinang kantyawan ng barkada ni Karl.

            “Palibhasa tigang kasi walang boyfriend.” Tudyo pa ni Vince na ikinitawa ng ilan kong mga estudyante. Nagpanting naman ang tainga ko pagkarinig sa comment na yon. Hinayaan ko na lang. Pero humanda sila sa kin mamaya dahil pahihirapan ko sila.

Seducing EveWhere stories live. Discover now