14- MORE JELLY ACE

2.8K 61 3
                                    

14- MORE JELLY ACE

 

 

ADAM CHASE’S POV

Kanina pa nakabusangot ang mukha ni Eve. Andito kami ngayon sa isang zipline course. Nasa isang gilid lang siya habang pinapasuot kami ni Amber ng gear. At dahil pandalawahan lang ang zipline, kami ni Amber ang mauuna. Gusto ko sanang si Eve ang kasama ko pero ayaw niya daw eh. Tsaka mabait naman si Amber, di na rin siya masamang kasama.

 

            “Ready to go?” Tanong nung instructor. Tumango ako bago siulyapan si Eve. Si Amber naman ayaw na bitiwan ang kamay ko. Kesyo kinakabahan daw siya.

            And we went high up in the air matapos kaming irelease.

            “Wooooo!!!!!!!!!” Sigaw namin pareho ni Amber. Ang saya! Ang ganda ng paligid. Kita ko yung dagat sa di kalayuan. Ang daming punong kahoy, ang presko ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam!

            Matapos ang ilang sandali ay nakalapag na kami sa isang platform.

            “Waaah!! Ang saya grabe. Right Adam?” Halos magdikit na ang mukha namin kaya medyo lumayo ako. Tumango na lang din ako bilang pagsagot. At naglakad palabas ng building na yun. Agad namang sumunod si Amber. “I really want na gawin natin yun again Adam. It’s so masaya kaya.”

 

            “Ugh, yeah. S-some other time.” Luminga-linga ako sa paligid, “Asan na kaya si Eve?”

 

            “Like ugh.. She’s so KJ kaya. I’m sure umuwi na yun to the hotel.”

            GRRR,… Ang sakit sa tainga ng language ni Amber. Why so conyo? TCH! Inaabangan ko sa zipline si Eve. Baka sumunod yun sa min. Pero 5 minuto na ang dumaan wala pa rin. Gaano ba katagal magzipline? I lost count of the time kasi kanina. Oh damn. Nagiging conyo na rin ako. Nakakahawa pala tong kasama ko. Tsktsk. Umuwi na kaya siya sa hotel? Sana hindi pa. May pupuntahan pa kami na magugustuhan niya.

            “Oh she’s there at the entrance lang pala oh.”

            Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya. Ayun nga si Eve. Patakbo ko siyang pinuntahan.

            “Are you okay?” Tanong ko.

            “Of course, why wouldn’t I be?”

            “Alam mo Eve napakasweet at gentleman kanina ni Adam. He just held my hand while nagttravel kami sa zipline.” Kwento ni Amber. Tumaas ang kilay ni Eve sa sinabi nito.

            “Bakit? Pinakuwento ko ba anong nangyari? As if I care.” Sarcastic na wika nito at tinalikuran kami.

Seducing EveDär berättelser lever. Upptäck nu