CHAPTER 39- SHE

1.4K 21 3
                                    

Dedicated to my new found friend (self-proclaimed hehe) @evanlee24


CHAPTER 39- SHE



TRIXIE'S POV



Nanginginig na tinitigan ko ang screen ng cellphone ko. Nakailang dial na ako ng number ni Adam pero paulit ulit na out of coverage ang sinasabi.


Di ko mapigilan ang pamumuo ng aking mga luha.


Paano niya kami nagagawang tikisin? Hindi na ba talaga kami mahalaga sa kanya?


Ikinuyom ko ang aking kamao matapos marinig ang tawanan nila. Huminto ang dalawang babae na katulad kong nagdadalang-tao sa mismong tapat ko at kunwari ay nagbubulungan habang sinusulyapan ako.


"Grabe, kawawa naman siya. Wala rito ang asawa niya." Bulong pa nung isang babaeng payatot na kulot ang buhok sa katabing chubby na pandak.


"Baka naman kasi walang asawa. Disgrasyada ata." Wika nito sabay inirapan ako. Nagsitawanan silang dalawa habang ako naman ay yamot na yamot sa kanila. Pinipigilan ko lang ang sarili kong sugurin sila. Akala naman nila kinaganda na nila yang pagtsitsismis.


"Oo nga," Sang-ayon nung isa at napailing na hinead-to-foot ako ng tingin.


"Ako ba pinag-uusapan niyo?" Lakas loob kong tanong sabay taas-noo.


Napa-smirk yung isa at nag-rolleyes pa sa akin.


"Oo, bakit?" Nakataas ang kilay nitong sagot. Itong payatot na to. Hipan ko lang matutumba na ito eh. "Kawawa ka kasi. Hindi ba nainform sayo na dapat mag-asawa ang dadalo sa klaseng ito?"


"O dahil ba wala kang asawa at nagkukunwari ka lang na busy ang asawa mo kaya di ka nasamahan?" Dagdag pa nung chubbyng babae.


"Itikom nyo ang mga mababaho nyong bibig kung ayaw nyong masaktan!" Pinandilatan ko sila ng mata, yung tipong looks could kill. "Hindi nyo ako kilala at hindi ko kayo kilala, pero kayang-kaya kong barilin ngayon mismo dahil sa matatalas niyong dila. Tingnan natin sino ang mas kawawa kung kayong nanay at anak mamatay!" Pananakot ko na tila effective naman. Nakita ko kung paano nila hawakan ang kamay ng isa't isa sa takot. Sakto namang dumating yung mga kapareha nila at dali-dali nila itong hinatak palayo.


I sighed.


Madali kong pinunasan ang luha kong tumulo sa aking pisngi saka hinaplos ang aking maliit na umbok.


Masama ang loob ko.


Kung sana andito lang si daddy mo, hindi nila tayo aapihin baby.


~*~



Seducing EveWhere stories live. Discover now