19- OBSESSED

3.1K 58 0
                                    

CHAPTER 19- OBSESSED

A/N: VOTE IS A MUST.

CHAROT LANG!!! HEHEHE xD I HOPE YOU ENJOY THE UPDATE. AYAN HA... MASYADO AKO NAWILI. KEEP VOTING AND COMMENTING :) THANKS! Tweet me @Freyja_Elektra , Follow @wattypaddy

EVE'S POV

 

“Ang ganda talaga ng boses nya ano?! Nakakabighani talaga. Ayyyy grabe!!!”

“Oo nga! Ang ganda naman ng story niya, susubaybayan ko talaga iyon.”

“Kinig tayo sa kanya mamaya ha?”

“Oo ba! Excited nako makinig sa kanya!”

Tilian pa ang ibang mga babaeng studyante pagkapasok ko sa school campus nang hapong iyon. Di yata magkamayaw ang mga kabataan ngayon? Ano naman kaya pinagkakaabalahan nila at di sila mapakali sa kakatili. Kaninang umaga pa sila ganyan. Tss. Kesyo ang ganda ng boses niya, nakaka-inlove daw. Sino ba kasi tinutukoy nila? Oh anyway, I don't give a damn. Eh kung mag-aral na lang kaya sila. First Grading exam pa man din sa darating na Huwebes. Ang bilis talaga ng panahon.

Habang naglalakad ako papunta sa classroom ay isang pamilyar na mukha ang nakasalubong ko. Napatigil ako sa paglalakad.

“What are you doing here?” Masungit na salubong ko sa kanya.

“Dinadalaw ka Eve.”

“Pwede ba Adam, lubayan mo ko!”

Yan ang isasagot ko sa kanya talaga! Nakakaimbyerna, pati ba dito sa school susundan ako? Aasarin ako?

“PTA meeting ngayon, that's why I'm here.”

Aw.

(-_-#)

Seducing EveWhere stories live. Discover now