CHAPTER 35- HAPPY VALENTINES DAY

1.8K 32 1
                                    

A/N: Nahirapan ako sa chapter nato. Natuyo ang ideas ko para sa story na ito. Sorry. But it has been too long since I updated this. Kaya ito na po.

CHAPTER 35- HAPPY VALENTINES DAY


EVE' POV


Ilang araw na ang lumipas mula nung huling kaming nagkita ni Adam. Nakakainis lang na wala siyang ginagawang move. He had a date with Trixie tapos he seems acting like we're strangers. Ni hindi nagpaparamdam ang loko!


Kung ayaw niya eh di wag niya.


It's just so stupid you know? Bakit naman ganun? Alam ko matalino ako pero nakakabobo pala talaga ang pag-ibig! Kahit sinong matalino nagiging tanga kapag nagmahal. Emotions override your intelligence which is what I hate the most. Sa umpisa okay kami eh. Alam mo yun? Pero bakit ganito? Nagbalik lang yung ex niya naiba na agad? Bakit ba sila laging magkasama? Don't tell me mahal niya pa rin yung babaeng iyon? Paano naman ako?


Napabuntong hininga ako.


I stood up at padabog na ibinagsak ang libro sa table ko. Natahimik ang mga batang maiingay at umayos ng upo. Pero may dalawang nanatiling nagchichikahan kahit pa yung iba nilang kaklase eh natatakot na tinging ipinupukol ko sa kanila.


Miss Yu and Miss Andres, stand up.” Dumagundong ang boses ko sa buong room. Natigil ang dalawa at nagbubulungang tumayo. Halata sa mga mukha nila ang protesta at inis dahil sa tinawag ko sila.


Tumayo ako at naglakad papunta sa kanila. Bawat batang madaanan ko ay napapayuko sa takot.


I stopped in front of the talkative girls.


Pareho na silang nakayuko ngayon. Mukhang naalala na nila kung sino ang reyna sa school na ito.


M-ma'am.. Ma'am sorry po.” Paumanhin ni Ms Andres.


Ano yun?” Sarcastic kong sagot.


S-sorry po.” Pag-uulit niya. “Sorry po kung n-nag-d-daldalan kami.” Pero si Miss Yu wala atang balak humingi ng tawad. Nakayuko nga sya pero nakahalukipkip, her foot is tapping the tiled floor as if bored na bored siya.


Both of you, remain standing.”


Napasinghap ang ibang studyante. Kakaumpisa pa lang kasi ng klase, ibig sabihin isang oras silang tatayo.


Well, I dont care anyway. Ako ang batas sa subject ko, sa classroom na ito.


Abuse of teacher's authority? No. I consider this discipline. Sa panahon kasi ngayon, yung mga bata masyado nang palalo. Dahil sa existence ng Bantay Bata 163, hindi na sila natatakot na gumawa ng kabulastugan. Hindi sila natatakot na mapagalitan at oras na mapagbuhatan sila ng kamay, which is only to discipline them, ay nagsusumbong agad sa awtoridad. Kahit nanay o tatay pwede makulong basta napalo ang anak. Oo, may iba naman talaga na sumusobra na sa pamamalo o treatment, but kapag di naman nila ginawa iyon, hindi matututo ang bata.


Come to think of it. Bakit noong unang panahon, kapag nagtuturo ang mga guro, gumagamit naman sila ng corporal punishment? Kapag di nag-aral, papaluin ng handle ng walis ang kamay. Kapag sumagot ng pabalang, napapalo sa pwet. Yung mga magulang naman kapag sumuway ang anak, papaluhurin sa monggo o asin. Pero lahat naman sila natututo. Nagiging marunong magbasa, nagiging disiplinado sa kilos.


Pero ngayon, konting palo, bantay bata 163 agad. Kaya namimihasa ang mga bata eh. Dahil sa kakulangan sa disiplina.


I'm letting you study your book dahil may gagawin tayo ngayon sa p.e di ba?”


Seducing EveWhere stories live. Discover now