"Flora..." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi ko rin alam kung ano ang nasa isip ni Kell.

"Flo, are you here?" Boses yun ni Kell mula sa labas ng pintuan ng comfort room. "I'm coming in."

Maya't maya pa ay lumitaw na rin ang lalaki at nakita kami ni Flora. Lumapit pa siya hanggang sa ilang metro nalang ang pagitan namin. Alam kong kailangan nilang mag-usap kaya humakbang na rin ako palayo mula sa kanilang dalawa.

Nakarating ako sa labas pero nanatili lang ako doon. Sinandal ko ang ulo ko sa pader at narinig ang boses ni Kell habang nagso-sorry kay Flora.

"Flo, I'm sorry. I know I should've told you sooner."

"Alam mo naman pala, so why didn't you tell me?"

"Hindi ko pa naman in-accept yung internship. I don't know why lolo had to announce that earlier."

"Kahit na, Kell. Dapat sinabi mo pa rin sa akin. I looked like a fool back there. Everyone knew, but me."

"Because I was having second thoughts. I didn't want to leave."

"Kell, I know that's your dream. You should go."

Kung ako ba ang nasa kalagayan ni Flora, makakaya ko ba? Masasabi ko rin ba ang mga 'yon kay Kell? I don't think so. Masyado akong selfish. Hindi ko siya papayagang umalis kasi insecure at takot ako.

Takot ako na baka ma-realize niyang hindi pala niya ako mahal. Pero siyempre hindi naman ako ang girlfriend niya. Kaya nga siguro hindi ako nagustuhan ni Kell kasi selfish nga ako. Kahit nga mama ko hindi ko magawang patawarin.

"Are you enjoying the show?"

A voice suddenly broke my thoughts. Napatingala ako sa lalaking nakaismid sa akin. Nakakainis 'yong pagtaas ng kabilang side ng labi niya. Ang sarcastic pa ng linyahan niya.

"Do you want me to drive you home?" Tanong pa niya.

"Huwag na. Madadagdagan pa ang utang ko sa'yo niyan." Tumalikod na ako pero bigla kong narinig ang pagtawa niya.

"I'll drive you for free today." He wiggled his brows at me, waiting for my response.

Nilingon ko siya. "What's the catch?"

Shaking his head, he raised both arms in the air. "No catch. I just hate seeing people in a sad state."

Napasinghap ako. I guess wala namang masama kung ihatid niya ako. Hindi naman pwedeng magpahatid pa ako kay Kell niyan. "Okay. Pero promise walang bayad?"

Jalen smiled. "I promise."

#

Ang sabi niya wala raw bayad. Pero ang ending ako rin pala ang magbabayad ng gas niya kasi naiwan niya yung wallet niya sa mansion nila. Scammer rin 'tong si kuya eh.

"I'll pay you, I swear." Tinaas pa niya ang kamay niya para manumpa.

"Kung alam ko lang sana hindi nalang ako nagpahatid sa'yo," inis kong sagot.

"I didn't know the tank would be empty," pagdadahilan pa niya.

I exhaled a breath. "Hindi ba given na i-check ang tank bago gamitin itong kotse?"

Jalen started the engine again. "This is not my car."

Napatingin ako sa kanya. "Ha? Eh bakit ito ang ginamit mo?"

"It was the first car I saw in the lot." He reasoned out, shrugging his shoulders. Hindi ko alam kung lutang ba itong kasama ko o talagang wala lang siyang pakialam sa mga consequences ng ginagawa niya.

"Hindi ba magagalit ang owner nito?" Tanong ko ulit. I knew for a fact na kung kay Kell ito, sigurado akong hindi na niya talaga papansin itong kuya niya forever.

"Don't worry. No one will notice that this car is missing. Trust me," kalmadong sagot pa ng lalaki.

My jaw dropped. Trust him? Matapos niya akong i-scam? Napabuntong-hininga ako sabay tingin sa labas ng kotse. Napalayo pa tuloy kami sa direksiyon ng apartment namin.

"Can I ask you something?" He suddenly asked, catching back my attention.

I remained silent, glancing at him. Ayaw kong i-entertain kung ano man ang bumabagabag sa isip niya dahil mas maraming bumabagabag sa isip ko.

Biglang huminto ang kotse sa stoplight kaya nanatili ang tingin niya sa akin. Mukhang seryoso siya sa tanong niya. Ano ba ang gusto niyang malaman?

"Do you like my brother?" Jalen suddenly blurted out.

I coughed out loud at his uninvited curiosity. Hindi man lang ako sinabihan para nakapag-prepare ako. Tsaka, saan naman nanggaling ito at bigla niyang natanong?

"Kung sasagutin ko ba, sasabihin mo sa akin kung ano ang relasyon mo kay mama?" I asked back, trying to maintain my composure.

Jalen burst into laughter, shifting his attention back on the road. "Actually, you don't have to answer. I already know it anyway."

Magtatanong tapos siya rin pala ang sasagot. Feeling naman niya kilalang-kilala na niya ako. Puwes...

"Hindi ko gusto si Kell," I lied, forming my hands into fists.

Umismid ang lalaki. "In that case... can I have you then?"

Napalunok ako ng ilang beses sa sinabi niya. Naalala ko na naman yong gabing hinalikan niya ako. Simula noon, hindi ko na siya maalis sa isip ko.

"Because I will definitely give you more than what you deserve, Konstant," dagdag pa niya.

Konstant? At talagang binigyan pa ako ng nickname. Feeling close talaga 'tong si kuya.

I mentally screamed in my head. "Really? So, what do I deserve?"

Bahagyang tinigil niya ang sasakyan sa gilid ng daan at kinuha ang aking kamay. "Someone who will take care of you," sagot niya sabay halik sa aking kamay.

"J-Jalen..."

Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "And someone who will love you."

🍭

A/N: Uy, may pa-nickname na sila hihi 🤧

A/N: Uy, may pa-nickname na sila hihi 🤧

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Lollipop Project [Gen L Society #1]Where stories live. Discover now