Bumuntong-hininga rin siya. "Sorry."Tumayo siya at hinila ang twalya sa balikat ko. Inis ko siyang sinulyapan mula sa salamin.

"Don't you want to get married?" bigla ay masungit niyang tanong.

Umawang ang labi ko. "Gusto ko, pero kapag bumalik na ang alaala mo," buntong-hininga ko. "Ni hindi mo nga maalala na mahal mo 'ko."

Kunot-noo, inis na inis akong tumayo at dumako sa cabinet. Binuksan ko ang pinto pero muli iyong sumara nang itulak niya. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko nang ilapit niya ang mukha sa pandinig ko.

"Ilang alaala ko lang ang nawala, not everything," bulong niya. "Memorya ko lang ang naapektuhan, not my feelings."

Inis ko siyang nilingon at pinamaywangan. "Kaya pala puro ka Keziah? Magkamukha na nga kayo, e!" talagang naasar ako.

"Here we go again," buntong-hininga niya, lumaylay pa ang mga balikat.

"Oh, bakit, hindi ba?" hinarap ko siya, naghahamon talaga.

"Hindi," matapang niyang sagot.

"Anong hindi? Si Keziah ang una mong hinanap!"

"You jealous?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Of course not," maarte, mataray, sobrang sarkastiko kong sinabi. Amaw!

"Then, what?" Talagang hindi niya nakuha ang sarkasmo ko.

"Masaya!" sarkastika kong tugon. "Masayang-masaya ako kasi alalang-alala ako sa 'yo! Masarap sa feeling 'yong mag-alala ka nang sobra na halos hindi ka makatulog! Malakas maka-fresh 'yong pagpupuyat kahihintay na gumising ka. Walang oras na hindi ako umiyak at nasaktan, tapos no'ng magising ka, puro ka Keziah. Ang saya-saya no'n, Maxwell! 'Yon na ang pinakamasayang oras sa buhay ko, grabe!" habol ko ang hininga matapos sabihin 'yon nang dere-deretso. Palibhasa'y napuno ng galit habang pinipilit na magmukhang masaya para lang maging sarkastika.

Inis kong inalis ang kamay niya upang muling mabuksan ang cabinet. Kumuha ako ng comforter doon at basta na lang binitbit.

"Yaz!" pagtawag niya ngunit hindi ako sumagot.

Hanggang ngayon ay nagngingitngit ang kalooban ko sa t'wing maaalala ang sandaling iyon. Hindi ko na halos mabilang ang mga dumaang araw kaiisip sa kaniya. Nang magising naman siya ay iba ang hinanap niya. Sino ang hindi sasama ang loob?

"Where do you think you're going?" aniya habang sumusunod sa akin papalabas sa kwarto.

"I'm going to sleep outside."

"No."

"Yes."

"Why?"

"Because I said so," mataray kong tugon.

Napabuntong-hininga ako sa haba ng hallway, samantalang umiiyak pa ako sa tuwa noong una ko iyong makita. Maging ang taas ng hagdan ay nakakaubos ng pasensya, pakiramdam ko ay sa mall ako nakikipaghabulan sa kaniya. Pero sumunod siya hanggang sa makarating ako sa sala. Dinampot ko ang remote at ipinatay ang aircon.

Babalik na sana ako sa sofa nang iharang niya ang sarili. Ang kigwa, ilang minuto na, umaalingasaw pa rin ang bango ng katawan at hininga.

Nakakairita ka! Grrr!

"You're not going to sleep here, Yaz,"mahinang sabi niya, halatang naiinis na rin.

Hinarap ko siya at binigyan nang malamig na tingin. "I'm telling you, I will."

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now