Chapter 9

4.8K 144 48
                                    

A/N: The feels habang drina-draft ko ang Chapter na to. Haays. Nakakatrigger ng bad memory.

Pagpasensyahan niyo na ang isa pang sabaw na update mula sa inyong lingkod.

(3 months before break-up)

Nakakatuwa kasi may bago na kaming kaibigan ni Ethan... si Alfred Jace o kilala sa palayaw na AJ. Mabait naman siya. Kami nga ang unang naging magkaibigan sa klase eh tapos ayun naging close din sila ni Ethan nang dahil sa akin. Madalas nga kapag di kami magkasama ni Ethan, sila ang magkasama o magka-usap. Okay lang naman sa akin eh.

"Mahal, lunch na tayo" ang yaya ni Ethan sa akin.

"Mamaya na. Kailangan ko pang tapusin itong report ko" ang sabi ko naman. "Mauna ka na lang"

"Sure ka?"

"Oo" ang tugon ko habang nagsusulat pa rin at nangongopya ng kung anu-ano sa reference book ko.

"Mauna na lang kami maglunch ni AJ tapos dalhan ka na lang namin ng pagkain" ang suhestyon niya.

"Sige" ang pagpayag ko naman. Umalis na nga sila ni AJ. Natigilan naman ako sa pagsusulat nang may mapagtanto. Pwede naman siyang bumili ng makakain para sabayan ako rito sa classroom, di ba? Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagsusulat. Pagkaraan ng kalahating oras ay bumalik ang dalawa.

"Mahal oh" si Ethan sabay lapag ng pagkain sa tabi ko. Tumabi naman siya kay AJ at nagsimula silang magkwentuhan. Kinuha ko naman ang pagkain at nagsimulang kumain habang nagsusulat. Pqgkatapos ng klase...

"Mahal, labas tayo" si Ethan.

"Mahal, wag ngayon. Marami pa kasi akong tatapusin eh" ang pagtanggi ko.

"Uhm, o sige" ang reaksyon naman niya.

"Bye na" ang paalam ko.

"Bye" ang tugon niya. "I love you"

"I love you too" ang sagot ko bago sumakay ng kotse at umuwi. Nang nasa bahay na ako ay kaagad kong hinarap ang laptop ko para gawin ang slide presentation ng group namin na i-rereport namin kinabukasan.

"Happy dinner" ang text ko bago kami maghapunan ni Kuya.

"How are you and Ethan?" ang tanong ni Kuya.

"Okay naman kami Kuya" ang tugon ko.

"Oh, you two are still together?" ang gulat niyang tanong.

"Ano bang klaseng tanong yan?" ang tanong ko pabalik. "Wala naman kaming problema"

"You know, that kind of relationship really don't last" ang sabi niya.

"Kuya, stop all this negative thoughts" ang suway ko.

"Sorry" ang mapanukso naman niyang tugon. Kainis talaga tong lalakeng to. "Anyway, I bumped into Btyan and Derek a while ago"

"Then?"

"They're looking for you" ang balita niya. "Are you not hanging out with them anymore?"

"I'm busy" ang simple kong paliwanag.

"Busy being manipulated" ang side comment niya. Hindi ko na lang siya pinansin sa pagiging bitter ni Kuya kaya naman pagkakain ko ay dumeretso na ako ng kuwarto ko. Pinagpatuloy ko ang paggawa ng slide presentation. Wala akong narereceive ns text mula kay Ethan.

"Good night. I love you" ang huli kong text bago natulog.

Kinabukasan...

Nagising naman ako tulad ng kadalasang oras na nagigising ako sa umaga.  Tinignan ko naman ang phone ko. Nagtext si Ethan ng "i love you too" at "good morning". Pagkatapos nun ay naghanda na ako para pumasok.

Saint Anthony...

Nakaupo lang ako sa likod ng lec room. Nakatitig lang naman ako sa labas ng bintana. Blanko lang ang isip ko. Wala naman kasing pumapasok sa utak ko. Madalas akong mag-day dream pero hindi ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan. Tirik na tirik ang araw pero ang gloomy ng pakiramdam ko. Napalingon naman ako nang may pumasok sa lec room.

"Mahal!" ang pagtawag sa akin ni Ethan. "Kanina ka pa?"

"Kararating ko lang" ang tugon ko. Tumabi naman siya sa akin.

"Ang saya-saya kagabi" ang pagsisimula niya.

"Bakit?" ang curious kong tanong. Eh, hindi nga nakapagtext sa akin.

"Naghang out kami bi AJ" ang tugon niya. Hindi ko alam pero parang na bad vibes ako lalo sa nalaman. Siguro nga selos to. Normal lang naman, di ba?

"Ang bait-bait niya" ang pagpuri ni Ethan kay AJ. "May mga bagay na pareho kami.

"Ang bait-bait niya" ang muli niyang sinabi. Hindi ba ako mabait? Kulang ba bait ko?

"Ang talino niya rin!" ang sabi niya pa. Bobo ba ako? Eh, ako? Matalino ba ako?

Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kanya? Patuloy naman si Ethan sa pagkwekwento. Hindi ko maintindihan pero nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit eh. Kasi bukang-bibig niya ngayon si AJ. Naiiyak ako...

Napatayo naman ako.

"Uhmm, may pupuntahan pala ako" ang paalam ko.

"Samahan na kita" ang yaya niya.

"Hindi na" ang pagtanggi ko. "Madali lang naman ako"

"Kaya nga sasamahan na kita" ang pangungulit niya.

"Tama na ang minsan kong sinabi, Ethan" ang seryoso kong sinabi.

"May problema ba tayo?" ang tanong niya.

"IKAW!!! ANG MANHID MO!!" ang sigaw ng utak ko pero ang nasagot ko lang naman ay "Wala"

"Sure ka?" ang tanong niya.

"Oo" ang tugon ko. Sa haba ng pinagsamahan namin, hindi niya pa rin makuha ang logic sa mga iba't-ibang kahulugan ng salitang "Oo". Oo kasi hindi ako okay na kailangan mong kausapin ako at pilitin na alamin yung mali sa kinikilos ko ang ibig kong sabihin ngayon. Oo na don't let me walk away.

Lumabas naman ako ng classroom. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Kailangan ko lang talaga mapag-isa. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa dulo mg university. Nakita ko agad ang gate ng flower garden. Pumasok naman ako dun at pumunta sa pinakamalawak at pinakamalayong  parte ng garden. Naupo na lang ako sa damuhan at napatingin sa mga rosas sa paligid. Naalala ko tuloy yung queen sa Alice in Wonderland. Sana magpakita sa akin si rabbit para kahit saglit lang ay mawala ako sa realidad. Napatingin ako sa orasan ko. May 45 minutes pa bago ang una kong subject. Napahiga naman ako sa damo at napatingin sa langit. 

"Dito ka rin pala tumatambay?" ang tanong ng isang pamilyar na tinig. Napatingin naman ako. Si Caleb.

"First time ko lang dito" ang sabi ko naman.

"May problema ka ba?" ang tanong niya bago tumabi sa akin.

"Posible ba na magkagusto ka sa iba habang nasa relationship ka?" ang tanong ko.

"Oo pero hindi dapat" ang tugon naman niya. "Totoo lng normal lang sa tao ang magkagusto but kailangang hanggang appreciation lang, wala na dapat hihigit pa. Alam mo naman ang baga nanggagaling yan sa apoy. Mas nakakapaso yun"

"Caleb, naiinsecure ako" ang pagtatapat ko.

"Bakit naman?"

"Kasi kanina si Ethan, puring-puri niya si AJ" ang sabi ko. "Na mabait daw siya at matalino."

"Kaya pakiramdam mo, hindi ka mabait at matalino" ang sabi niya.

"Mabait ba ako at matalino?" ang tanong ko.

"Oo naman" ang tugon niya. "Sa tingin mo nagkakagusto si Ethan kay AJ?"

"Oo" ang tugon ko.

"Bakit hindi mo siya kausapin tungkol diyan?" ang tanong naman niya.

"Natatakot akong malaman yung katotohanan. Baka masaktan ako lalo" ang sabi ko.

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon