CHAPTER 2.2

6.2K 216 29
                                    

Day 67 after Break Up

[Bryan's POV,CLUB SPACEMAN]

Kaagad naman akong sumunod kay PeeJay nang tawagin niya ako. Ibang-iba ang aura niya ngayon. Pamilyar ang pakiramdam ko ngayon. Pareho nung nasa Montecillo pa si PeeJay. Yung feeling na manlalamig ka as the same time parang nang-iinit ka sa kaba kapag andiyan ang presensya ni Prince Jasper. Nung muli kaming nagkita sa Saint Anthony; he was milder. A calm sea, a clear sky... parang ganun. Mas tumindi pa nung nakita niya at kina-usap siya ni Ethan. Malakas ang kutob ka na may mangyayaring hindi maganda. Kaagad namang kaming pumasok sa Gold Room. Dumeretso si PeeJay sa banyo samantalang si Derek naman ay nagpapasok na naman ng ibang babae. Napapakamot na lang ako ng baba. PeeJay will be furious pag nalaman niya ang pinaggagagawa ni Derek.

"Why the troubled look?" ang tanong ni Derek sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Derek, I-uh" pero natigilan na ako sa aking sasabihin nang bumukas ang pinto ng banyo. Nais ko sanang bilinan si Derek na palabasin na ang babaeng nakayakap ngayon sa kanya especially-

"Who's she?" ang tanong ni PeeJay habang nakatingin sa kanila ni Derek. O-oh, ito na. Kinakabahan na ako.

"Hi. I'm-"

"Shut up. Stupid! Don't talk!" ang pagpigil ko sa babae ngunit sa isip ko na nagagawa.

"I'm Karen" ang pagpapakilala ng babae sa kanyang sarili. Naupo naman si PeeJay sa tabi ko.

Bigla akong nakaramdam ng matinding takot, kinalibutan ako. Hindi ko alam kung bakit.

"So, who's Isabella?" ang sunod na tanong ni PeeJay. Hindi naman naimik si Derek at napatingin sa akin. "Where is she?"

Relax PeeJay, please... Relax.... may bahid na ng pagbabanta ang boses niya. Malumanay na kasi at nakangiti pa siya. Hindi pa rin umiimik si Derek. Kahit siya takot kay PeeJay eh. He can mentally and emotionally intimidate and torture you.

"Bryan" si PeeJay. I jerked out of shock.

"B-bakit?" ang tanong ko.

"I suggest you walk her towards the door. We'll talk" ang bilin ni PeeJay.

"O-okay" ang pagpayag ko. Napatingin naman ako kay Karen. "Shall we?“

"Huh? O-okay" ang naguguluhang pagpayag niya. Hinatid ko siya palabas ng Gold Room. Lalabas na rin sana ako ng...

"Bryan, come back here" si PeeJay. Oras na para magtawag ng mga santo.  Bumalik naman ako at tumabi sa kanya. Isang bagay kasi kaya takot kami sa kanya ay wala siyang kinakatakutan lalo na pag galit. At hinding-hindi mo siya mapipigilan sa mga gusto niyang gawin o sabihin.

"So, si Isabella yung babaeng naka-black dress kanina, di ba?" ang tanong ni PeeJay. Napakamot lang ng ulo si Derek. "Right, Derek?"

Ngunit hindi makatingin ng deretso si Derek.

"Isabella is at home" ang tugon ni Derek finally.

"Are we playing fools here?" ang tanong ni PeeJay. "Sino yung babaeng yun?"

"She's just nothing, okay" ang tugon naman ni Derek. Na-ah, jeez...

"Just say your sorry" I mouthed him.

"And Isabella?" si PeeJay.

"She's my girlfriend" si Derek. Napatayo naman si PeeJay.

"PeeJay" ang pagpigil ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya. Kaagad naman niya itong hinawi ay naglakad palapit kay Derek.

"Your phone" si PeeJay.

"No" si Derek. Haay naku naman, ngayon pa inatake ang dalawa ng pagkatopak nila.

"Your phone, Derek" ang pag-uulit ni PeeJay. He reached for Derek's pocket. Kinuha niya ang phone ni Derek. Madali niya lang ito mabubuksan dahil pare-pareho kami ng password.

"Anong balak mong gawin, PeeJay?" ang tanong ko.

"Makikipag-break na tong si Derek" ang tugon naman ni PeeJay.

"WHAAAT?" ang reaksyon naman ni Derek. "Please, PeeJay. No... I love her"

"Kung talagang mahal mo siya, hindi mo na kailangan pang tumingin sa iba." ang malamig na komento ni PeeJay.

"You know me, PeeJay. I'm just playing around" ang paliwanag ni Derek.

"YOU DON'T FUCKING PLAY WITH PEOPLE'S FEELINGS, DEREK!" ang bulyaw ni PeeJay kay Derek. Natigilan kaming dalawa sa pinapakita ngayon ni PeeJay. "YOU HEAR ME?!"

"PeeJay, what happened is just normal of me" ang pagpapatuloy pa rin ni Derek. "Isabella is different. I love her, I really do"

"You break up with her" ang matigas na sinabi ni PeeJay.

"PeeJay, please. After all, I don't wanna loose her. I waited for her for a long time" ang muling pagmamakaawa ni Derek kay PeeJay.

"You don't understand, do you?" ang retorikal na tanong ni PeeJay. "Hindi mo naiintindihan kung gaano kasakit yang mga ginagawa mo. Naranasan ko yan, Derek! Alam na alam ko ang pakiramdam. Derek, don't be a jerk. Now, hanggang maaga pa. Hanggang hindi pa ganun kasakit para sa kanya ang lahat. Tapusin mo na and then, you can play anytime you want"

"PeeJay, please... PeeJay" si Derek. Nagsimula siyang humagulgol sa harap ni PeeJay. "Ayokong mawala si Isabella"

Ewan ko kung matatawa ako o maaawa kay Derek. Una, nakakaawa siya dahil kailangan niyang umiyak at magmakaawa para hindi mawala sa kanya si Isabella. And a crying Derek is a first. So, it really means na seryoso siya kay Isabella. Matatawa dahil sa unexpected niyang pagtatagalog, dahil nga laking UK ay meron siyang accent kaya ang sagwang pakinggan pag nagTatagalog siya. Kwinelyuhan naman siya ni PeeJay at bigla na lang sinuntok sa panga. Hindi na ako nagulat sa nakita. Napahiga naman si Derek sa sahig. Kaagad naman siyang napaupo; nakita ko ang duguan niyang labi.

"That's for being an asshole" si PeeJay. "Derek, papalampasin ko tong gabing ito. Pero minsan pang gawin mo yun, ako na ang mismong lalapit sa girlfriend mo."

"I won't do it again" ang pangako ni Derek. "I promise"

"Derek, i'm not being the villain here" si PeeJay. "Pero ang gago mo kasi eh. Pahalagahan mo naman yung taong nagmamahal sa'yo. Maging honest ka at maging loyal. Hindi ko lang alam kung anong gagawin mo kung mahuli mo o malaman mong mag iba siya"

"I'm gonna die" si Derek.

"Pareho rin sa kanya" ang komento ni PeeJay. "Alam kong iniisip mo na hindi niya kayang gawin sayo ang mga ginagawa mo. And that, Derek should be a reason to love her more. To take care of her more. Grow up"

"I'm sorry" ang pagpapakumbaba ni Derek.

"Wag ka na nga magTagalog! Ang pangit pakinggan" ang komento ni PeeJay bago naupo sa sofa at pumikit.

OLSG 3: HeartlessWhere stories live. Discover now