Prologue

8.2K 231 32
                                    

[Aryan's POV]

Hindi ako makatulog. Nag-aalala ako para kay PeeJay.

"Guys" ang pagtawag ni Blaze na nakahiga sa lapag katabi ng kama. Katabi niya si Aldren. "Gising pa kayo?"

Walang umimik. Tulog na nga siguro si Aldren, at Emily na katabi ko.

"Gising pa ako" ang tugon ko sabay upo para makita si Blaze. Naupo din naman siya. "Nag-aalala ako para kay PeeJay"

"Ako rin" si Blaze. "Masyado na siyang nasasaktan kay Ethan"

"Nung una ayaw ko silang maghiwalay pero ngayon, I feel bad about Ethan" ang sabi ko.

"Yeah" ang pagsang-ayon ni Blaze. "Pero na kay PeeJay pa rin ang desisyon eh"

"Hindi ba siya napapagod?" ang retorikal kong tanong. "Ang laki na ng emotional investment ni PeeJay kay Ethan. Pero parang hindi naman yun nasusuklian"

"I wonder why"

"I think he likes AJ" ang komento ko. "In fact, i  think he's into him."

"You think so?" ang biglang singit ni Aldren, napaupo siya bigla to face us . "Yun din ang kutob ko eh"

"Guys, wag muna kayong mag-isip ng ganyan" ang singit din naman ni Emily. "Wala tayong alam sa mga nangyayari. Wag muna nating husgahan si Ethan."

"Emily, ano pa bang ibang rason? Nagsawa na lang si Ethan kay PeeJay? Pareho lang yun." si Blaze.

"At isa pa, ilang beses na tong nangyari. And I'm gonna bet na kasama niya ngayon si AJ." si Aldren.

"Nakalimutan niyo na ba ang mga ginawa ni Ethan para kay PeeJay para lang protektahan siya?" ang depensa ni Emily. "Hindi pa ba sapat yun na patunay na mahal ni Ethan si PeeJay?"

"Wag mo ring kalimutan lahat ng nagawa ni PeeJay kay Ethan" si Blaze. "Nasaksihan natin lahat ng luha niya, lahat ng sakit na tiniis niya. Tayo ang karamay niya nung... nung may nangyari kay Ethan"

Natahimik kaming lahat nang maalala ang kaganapang yun. Kaganapang tuluyang nagpabago sa takbo ng buhay nila Ethan at PeeJay. Rason kaya nahihirapan ngayon si PeeJay.

"And I hate to break this to you, Emily. Dahil dun kaya tina-take for granted ni Ethan ngayon si PeeJay" si Aldren.

"Guys, tama na." ang suway ko sa pagtatalo nila. "Hindi ito ang tamang oras para diyan. Hindi tamang sukatin natin ang pagmamahal nila para sa isa't-isa."

"Tama. Sorry" si Aldren. "Let's check PeeJay."

"Don't" ang pagpigil naman ni Blaze. "Gusto niyang mapag-isa kaya niya tayo pinauna. Let's just wait"

"Pero-"

Natigilan naman kami nang may narinig na nagpark na kotse sa harap ng bahay nila PeeJay. Pasimple naman kaming sumilip sa bintana. Ang kotse nga ni Ethan. Nakita naming bumaba siya at si AJ mula sa mini cooper. Nasaksihan din namin ang paglitaw ni PeeJay na masayang sinalubong ni Ethan.

"Galit na si PeeJay" ang komento ko nang mapansin ang mukha ni PeeJay at ang galaw niya.

Yinakap agad ni Ethan si Peejay ngunit hinawi naman agad ni PeeJay yun. Naglakad sila palayo. Umakbay namab itong si Ethan ngunit tulad ng nauna ay tinanggal ni PeeJay ang kamay niya.

"Saan sila pupunta?" ang tanong ni Emily.

"Mag-uusap siguro" ang hula ni Blaze.

"So guys, anong forecast niyo?" si Aldren.

"Maaayos nila yan" si Emily.

"Cool-off" si Blaze

"Break-up" ang hula ko naman. Napabuntong-hininga naman sila. Napatingin ako sa taong sanhi ng lahat. Nakatayo lang siya sa tabi ng sasakyan ni Ethan. Cool lang na kinakalikot ang phone na tila ba walang nangyayaring problema sa paligid.

"Naiirita na talaga ako" ang naiinis kong nasabi sabay lakad patungo ng pintuan. Kaagad naman akong sinundan ni Blaze at pinigilan na lumabas.

"Aryan! Anong gagawin mo?" si Blaze.

"Kakausapin ko na yang AJ na yan!" ang tugon ko.

"Wag muna. Let's just wait for a while, Please" ang paki-usap niya. "Baka lumala pa ang sitwasyon"

"Fine" ang tugon ko. Pagkatapos ng ilang sandali ay..

"PeeJay is back" ang balita ni Aldren. Kaagad kaming nagtungo sa bintana ni Blaze at tinignan si PeeJay.

"P-pero nasaan si Ethan?" ang tanong ng isa sa amin. Pinanood naming lumapit si PeeJay kay AJ. Napapalunok na lang ako sa mga nagaganap.

"Boys, ihanda niyo na sarili niyo,ha?" si Emily. Napatango naman sila Blaze at Aldren. Batid ko kung ano ang ibig sabihin ni Emily. Baka kasi may pisikalang maganap sa pagitan ni PeeJay at AJ. Wala namang nangyaring ganun sapagkat may sinabi lang si PeeJay bago pumasok ng bahay. 

"Nagkaayos kaya sila?" ang tanong ko ngunit bago pa lang sila makasagot ay nakarinig na kami ng mga hakbang papataas. "Si PeeJay"

Nagbukas nga ang pinto at inuluwa si PeeJay. Natigilan siya nang makita kami.

"Oh, bakit gising pa kayo?" ang tanong niya na tila ba walang problemang dinadala.

"Hindi kasi kami mapakali. Worried kami sayo" ang tugon ni Aldren.

"I'm fine" ang tugon niya sabay ngiti. Ngunit hindi maitatago ng kanyang mga mata ang tunay na sakit na kanyang nararamdaman. "Magpahinga na kayo, alam kong pagod na kayo"

"PeeJay" ang pagtawag ko sa kanya sabay lapit sa kanya. Kaagad ko naman eiyanv yinakap. "PeeJay, tama na yang pagpapanggap mo na okay ka lang"

Hindi siya umimik bagkus ay yumakap siya pabalik sa akin.

"Ang sakit" si PeeJay. "Ang sakit-sakit. Sobra. Masyado akong nagpakatanga!"

"PeeJay, nagmahal ka eh" ang paliwanag ko.

"I'll never be good enough" ang dagdag niya pa. Nagsimula siyang lumuha sa piling ko. Tahimik lang siyang umiiyak hanggang sa naging hagulgol. Lumabas ang mga luhang noon pa man ay pinipigilan niyang lumabas.

"I promised myself... hinding-hindi na ako iiyak pero ang hina ko" ang sabi niya sa pagitan ng mga paghagulgol  niya. "Ang hina at ang tanga-tanga ko!"

"PeeJay, tao ka rin lang" si Blaze. "Nasasaktan, napapagod, nagpapakatanga"

Bigla na lang siyang huminto sa pag-iyak at pinunasan ang kanyang mga luha.

"Guys, gusto kong mapag-isa. I'll just go somewhere. Magpahinga na kayo and I'll see you in the morning" ang paalam ni PeeJay.

"PeeJay, it's late!" si Blaze.

"I know. I'll be careful" ang huling sinabi ni PeeJay bago kumuha ng damit sa wardrobe niya at nagtungo ng banyo. Pagkalipas ng kalahating oras ay bihis na bihis na siya. Kahit na namumugto ang mga mata ay ang gwapo pa rin niya.

"I'll go ahead then. Babawi ako bukas" si PeeJay bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Sumilip muli kami sa bintana to find Ethan crying on AJ's shoulder. Nakita naming lumabas ang kotse ni PeeJay at saglit na huminto sa tabi nila Ethan. Kaagad namang nagtungo si Ethan sa driver's side at kahit na hindi naman namin masyadong marinig ang kanyang sinasabi ay batid ko ay nakiki-usap siya kay PeeJay. Hindi naman nagtagal ay muling umandar ang sasakyan. Napaluhod si Ethan sa daan habang umiiyak. Naiwan naman kaming mga kaibigan ni PeeJay na naguguluhan sa mga nagaganap.

AUTHOR'S NOTE: ayan, nagsimula na ang third book ng second gen ng One Look. Sorry kung medyo sabaw ang unang update. Na-pressure po kasi ako sa inyo. :P Salamat!!

OLSG 3: HeartlessOn viuen les histories. Descobreix ara