Chapter 16

3.9K 141 24
                                    

"If that's the case then..." si Kuya. "Let me just call someone to arrange this. Excuse me"

"That would be great" ang tugon ko naman. Lumabas naman si Kuya ng kuwarto niya.

"Hindi ko inaasahan na ganito kalaki ang pagbabago mo, PeeJay" si ang komento naman ni Mommy. Napatingin ako sa kanya at napabuntong-hininga.

"Napapagod na rin kasi ako, Mommy" ang sabi ko. "Ang dami nang nangyari sa buhay ko. Hindi na ako papayag pa na may manakit sa akin"

"You know... Hindi mo siguro alam. Mataas ang tingin ko sa'yo" ang biglang sabi ni Mommy. "Mas inuuna mo ang kapakanan ng ibang tao kesa sa sarili mong kaligayahan. Nasasaktan pero bumabangon pa rin. At sa bawat sugat na natatamo mo, para bang trophy sa'yo yun. Yung tipong gusto mong ipagsigawan sa buong mundo na walang taong sa mundo ang kaya kang patumbahin ng tuluyan. Malakas kang tao, PeeJay"

"Siguro nga Mommy" ang pagsang-ayon ko. "I'm already too engulfed by hatred and anger. Ayaw kong gumawa ng mga bagay na pagsisishan ko pero I have to do what I have to do"

"Naiintindihan ko, anak" ang komento naman ni Mommy sabay yakap sa akin.

"Pupuntahan ko na si Clarissa sa baba" ang paalam ko. Bumaba naman ako. Nadatnan ko si Clarissa sa kusina. Nakaset-up na ang mga bagay na gagamitin namin sa pagluluto.

"Anong unang gagawin natin?" ang tanong ko sa kanya.

"Everything that needs to be chilled" ang tugon naman niya. "Let's make the non-bake cheesecake."

"Sure" ang tugon ko naman. Kinuha ko ang titanium mixing bowl at linagay ang cream cheese. I tried to manually beat the cream with the wire whisk. Mas masaya kasi kesa sa electric mixer.

"I googled your family" si Clarissa. Napatingin naman ako sa kanya.

"I don't think ganun na lang ma-goo-google ang isang karaniwang pamilya" ang nakangiti kong tugon.

"Panglima kayo sa pinaka-mayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa, PeeJay" ang sabi niya. I just giggled.

"Talaga?" ang tanong ko.

"Nagawa nga ng angkan mong pekehen ang pagbagsak ng kumpanya niyo" ang argumento naman niya.

"Sa bagay" ang tugon ko naman. "But seriously, ayaw ko nang bumalik sa rati"

"Bakit naman?"

"To live a simple life is one of the best experiences of my life" ang tugon ko. "Sigiro ang gustong ituro sa akin ni Daddy ang magpahalaga ng mga bagay at tao sa paligid ko. Cause you know, wala lang akong pakialam dati. Hindi ko matutunan ang mga ganitong bagay tulad ng pagluluto at ang pagpursige sa mga bagay. Ang mag-budget ng allowance."

"Hindi mo na magiging problema yan" ang sabi naman niya.

"Diyan ka nagkakamali" ang hindi ko pagsang-ayon. "Hindi na lang kasi sarili ko ang iisipin ko pag naging Presidente ako ng Goldwire... Iisipin ko na rin ang pamilya ko at lahat ng taong involved sa kumpanya namin."

"I think so" ang sabi ni Clarissa. "So, kelan ka aalis ng Saint Anthony?"

"Hindi ko pa sigurado. Tatapusin ko muna ang semester ngayon before I decide" ang tugon ko.

"Sa tingin ko, makakabuti rin naman sa'yo ang pag-alis mo. At least, hindi mo na makikita pa sila Ethan and AJ" ang paliwanag naman niya. Natigilan naman ako.

"Tama. Hindi ko na sila makikita" ang pagsang-ayon ko. "Nakapagdesisyun na ako. I have to stay in Saint Anthony for a little longer"

"Ha? Bakit naman?" ang gulat niyang tanong. "Paiba-iba ka ng isip, PeeJay"

"Well... Ganun talaga eh" ang tugon ko naman. Buong maghapon lang naman kaming nagluluto; dumating naman si Aryan after two hours para tumulong... Kami-kami lang naman kasi ang mag-cecelebrate ng birthday ko. Nasanay na ako na ganun ang set-up. Hindi ko alam kung bakit biglaan na lang na lang na naging reserved ako. Medyo mabigat nga lang sa pakiramdam ko na hindi ako makakasama sa graduation ng klase ko. Nakakalungkot lang pero ganun talaga eh... Pagsapit ng ala-sais ay dumating si Blaze at Aldren. Kasunod nila si Derek at Bryan. Nasa living room lang kami at nagkakasiyahan. Nasa kalagitnaan kami ng pagkanta sa karaoke nang may nagdoorbell. Kaagad naman akong tumayo at lumabas para buksan ang gate. Natigilan ako nang makita ang nagdoorbell.

"I just came here to give my birthday gift" ang sabi niya.

"Hindi ka na sana nag-abala pa" ang sabi ko naman.

"Can we talk?" ang tanong niya.

"Talk? Ano pa bang dapat nating pag-usapan, Ethan?" ang tanong ko. "As far as I'm concerned, tapos na tayong dalawa"

"I just can't keep up with this" ang sabi niya.

"Are you trying to say that you're starting to feel guilt?" ang tanong ko sa kanya. Hindi naman siya umimik. Biglang dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Napatingin naman siya sa akin. Muling dumapo ang isa palad ko sa isa pa niyang pisngi na sinundan ng isa pa sa kabila. "HIndi ko alam kung anong saltik ang pumasok sa kokote ko kung bakit pinagtiisan kita, Ethan. Nanghihinayang ako sa ,ga pagkakataon na sayo lang umikot ang mundo ko. Maling-mali. Cause you don't deserve any piece of my precious time and effort. Binabalaan kita Ethan Miranda... Wag na wag ka o si AJ ulit makakalapit sa akin dahil hinding-hindi ako magdadalawang-isip saktan ang kung sino man sa inyong dalawa"

"Please, PeeJay sa akin ka na lang magalit---"

"It's clear that you don't know me, Ethan" ang pag-cut ko sa sasabihin niya pa. "I'm a vengeful person. Nagkamali ka ng taong sinaktan. Ito na ang pangalawa at huling sasabihan kita. Stay the hell away from me"

Kinuha ko ang bitbit niyang regalo at hinampas yun sa dibdib niya.

"Hindi ko yan kailangan!!" ang sigaw ko.

"Ganyan na ba talaga ang galit mo sa akin?" ang tanong niya.

"Oh, no Mister" ang tugon ko. "Let me correct you. This is only the beginning. Consider your PeeJay dead. Dahil sa pagtungtung na pagtungtong ko sa Saint Anthony. Ibang PeeJay na ang makakaharap ng lahat. Hinding-hindi niyo na ako masasaktan."

"PeeJay----"

"Just effin go to hell" ang sabi ko sabay balibag ng gate. I marched going inside. Deretso ako sa taas patungo sa kuwarto ko at balibag din ng pinto ng kuwarto ko. Natahimik ang buong bahay...

"PeeJay, PeeJay" ang tawag ni Bryan. Kumakatok siya.

"Are you bloody, alright?" ang tanong naman ni Derek.

"I'm fine. Just give me a moment to clear my head" ang tugon ko naman.

"Shall we end the celebration?" ang tanong naman niya.

"If you wanted to be dead" ang tugon ko naman.

"Oh" ang naging tanging reaksyon niya.

"What does he mean?" ang tanong niya kaay Bryan.

"PeeJay, sa baba lang kami" si Bryan. "Keep it cool, okay?"

"Yeah" ang tugon ko.



OLSG 3: HeartlessWhere stories live. Discover now