Chapter 15

3.7K 142 29
                                    


"Shoot... I'm all ears" ang tugon ko. 

"It's about Elixir John and Alfred Jace" ang sabi niya kaya mas napatingin ako sa kanya.

"What about them?" ang tanong ko.

"I made a background check on them" ang sabi niya. Muli may linabas si attorney na mga dokumento. Binasa ko naman yun. Nabagsak ko ang mga papel sa aking mga nabasa. Bigla akong naliwanagan.

"Don't worry, PeeJay. You'll all learn the ropes" ang sabi ni Attorney. Napatango na lang ako. Nagpaalam muna ako sa dalawa na kailangan ko ng sariwang hangin para maprocess lahat ng mga sinabi nila. Pagkadaan ko sa organization chart ay meron nan gang litratong pumalit sa posisyon ni Daddy... at oo, ako nga yun. Lumabas naman ako ng gusali at pumara ng taxi. Kaagad kong hinubad ang suot kong amerikana at necktie. Tinupi ko naman ang sleeves ng polo ko. Nagtungo ako sa mall at dumeretso ng Starbucks. Umorder ako ng iced green tea latte at pumwesto sa bandang may terrace para magpahangin.

"Look who's here" ang biglang sabi ng isang boses mula sa likod ko. Kaagad naman akong napatingin. "Small world"

"So, gain some space. My nose is having a hard time bearing your stench" ang tugon ko naman. Natigilan naman siya sa sinabi ko. Umiwas naman ng tingin ang kasama niya. Too bad, hindi niya pa rin akong kayang saktan ng harapan. Sa bagay, tama na siguro yung ginawa niyang pangangaliwa sa akin. Napatayo naman ako. "Hope you have great time. See you around bro"

"What did you say?" ang reaksyon niya pero ngumiti lang ako at iniwan na silang dalawa. Naglakad-lakad na lang ako around the mall. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay may biglang bumatok sa akin.

"Birthday boy!!!!!" ang sigaw ni Clarissa sa akin. Kahit kelan talaga tong babaeng 'to. Napatingin namana ko sa kanya sabay hilot sa batok ko. Ano na namang pinaglalaban niya? Sabi ko mamayang gabi na lang kami mag-celebrate ng birthday ko.

"Anong drama yan?" ang tanong niya. I think she's referring to my outfit today. "You look so prim and proper"

"I know, right" ang pagsang-ayon ko. We stopped over at a pastry shop nearby. We started to talk as soon we ordered food.

"I might drop out of school" ang balita ko sa kanya. Nakamasid ako sa magjowa sa kabilang table. Napatingin din naman siya sa tinitignan ko per bumalik ang kanyang tingin sa akin nang sabihin ko yun.

"WHAT?! Ang reaksyon niya. "Just all because you're..."

"No... no... no..." ang hindi ko pagsang-ayon. "I know you're getting it all wrong. It's not all about Ethan and me."

"Eh, anong dahilan?"

"I don't know how to say this" ang sunod kong sinabi. "I have to take over my Dad's company"

"Huh? Akala ko ba..." si Clarissa. "

"Plinano nila ang lahat" ang paliwanag ko. "Hindi ko maintindihan kung bakit nila ginawa yun... All for the sake of me being the next CEO of Goldwire"

"So, anong plano mo?" ang tanong niya sa akin.

"Hindi ko pa alam" ang tugon ko naman. "Clarissa, walang ibang dapat makaalam ng sinabi ko sa'yo'

"Kasi?"

"Because I'm putting on a war" ang sabi ko naman.

"What do you mean by that, PeeJay?" ang tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti na lang.

"It takes guts to be a Gomez" ang bulong ko sa aking sarili. And this is the day that I really became heartless. "Let's see if you have it"

"Hoy, PeeJay! Earth-calling PeeJay!" si Clarissa. "Biglang parang may iniisip ka riyan"

"Ah, wala" ang tugon ko naman. "Bumili na lang tayo ng makakain para sa house party mamaya"

"Uhhm, o sige" ang pagpayag naman niya. "PeeJay, sigurado ka na ba na gusto mong iwan ang Saint Anthony? Remember that you're a Senior Literature Student"

" You know I don't have any choice" ang tugon ko naman.

"Ah, ganun ba?" ang matamlay niyang reaksyon.

"Oh, bakit ang nega mo na riyan?" ang tanong ko sa kanya. Kailangan kong gawin ito. I need to protect myself and my family at sa mga pinaghirapan ng angkan ko. I needed to become strong enough. Matatapos na rin ang lahat. Malapit na. Alam kong wala pa akong sapat na kaalaman sa kumpanya ni Daddy pero kahit paano I trust myself... As Prince Jasper Gomez.... Bilang isang Gomez.

Pagkatapos namin makapamili ay dumeretso kami sa bahay. Nagulat ako sa aling nadatnan.

"PeeJay!!!!" ang bati niya sa akin.

"Mommy?!!!!" ang gulat kong reaksyon. Napatakbo naman ako palapit sa kanya at yumakap. "Kelan ka pa dumating?"

"Ngayon-ngayon lang" ang tugon ni Mommy. "Look at you. Ibang-iba ang itsura mo"

"Save the flattery for later, Mom" ang seryoso kong sabi. "May kasalanan ka pa sa akin."

"PeeJay" ang paglalambing ni Mommy.

"I seriously need to talk to you and Kuya" ang sabi ko.

"O, sige" si Mommy.

"Clarissa, if you would just excuse us" ang paalam ko.

"Yes, of course" ang tugon naman ni Clarissa.

"Thanks" ang tugon ko. "Just feel at home"

Umakyat naman kami ni Mama at pumunta sa kuwarto ni Kuya JayPee.

"Kahit na anong sabihin niyo; hindi pa rin maalis ang inis ko" ang pagsisimula ko. "Pero hindi dahil sa sinabi lang ni Daddy na sa ako na ang aako ng naiwan niya. Eh, susunod na agad ako"

"But PeeJay---" si Mommy.

"For the meantime, I will consider" ang sunod kong sinabi. "But you have to follow my terms"

"Are you trying to blackmail us?" si Kuya JayPee.

"No, I'm trying to negotiate" ang pagtatama ko naman. "Patas lang naman siguro kung makipag-bargain ako, hindi ba? After all, this is for the good of the family"

"Shoot" si Kuya PeeJay.

"Walang dapat makaalam tungkol dito. Walang lalabas sa dyaryo na ako ang susunod na Presidente ng Goldwire" ang pagsisimula ko. "I need a dummy president"

"Ha? Anong ibig mong sabihin PeeJay?" ang tanong ni Mommy.

"Kailangan ko ng isang taong hindi related sa atin na magpanggap na bagong Presedente ng Goldwire. I-press release niyo na siya ang Presidente ng Goldwire at binili niya ang kumpanya from Dad four years ago."

Nagkatinginan si Kuya at Mommy.

"Pero para saan?" ang tanong ni Mommy.

"If you really trust me at kung talagang desisido kayo na akunin ko ang kumpanya ni Daddy... Hahayaan niyo ako sa mga gusto kong mangyari... Walang magtatanong ng bakit"

"PeeJay, what's this attitude?" ang tanong ni Kuya. "This is not you. You sounded like---"

"Dad" ang pagpapatuloy ko. "I also need to grow up, Kuya. Hindi na ito laro. I need to step up dahil hindi basta-basta ang bagyong kakabanggain natin. They had already shook us but we need to stand up"



OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon