Chapter 19

4K 150 10
                                    


[ARYAN's POV]

Nag-aalala pa rin kami kay PeeJay. Nung isang araw nga ay ma-ospital siya dahil sa brownies na kinain namin na mula sa isang secret admirer niya... Pero secret admirer nga ba? Mukhang may gustong manakit sa kanya at si AJ lang yun o kaya naman ang bagong dating na si Patrick. Kasalukuyan ay nasa student lounge kami sa tapat ng college namin.

"Anjan na si PeeJay!" ang sigaw ni Blaze. Napatingin kami sa paparating na sasakyan. Nang huminto yun sa tapat ng college ay lumapit naman kami.

"PeeJay!" ang pagtawag ko. Bumukas ang pinto pero ibang tao ang lumabas.

"Do I look like some stupid hoe?" ang tanong niya. Napatingin ako sa interior ng sasakyan. Andun ang disco ball ni PeeJay. Napatingin ako sa kanya.

"Patrick, bakit nasa sa'yo ang sasakyan ni PeeJay?" ang tanong ko.

"Itanong mo sa kaibigan mo. Please, stop bugging me" ang tugon naman niya sabay alis.

"Aba, iba rin ang saltik nito" ang sabi ko sabay taas ng sleeves ko bilang paghahanda na sugurin siya pero pinigilan na lang ako ng mga kaibigan ko.

"Anong pinaglalaban natin?" ang tanong ng isang pamilyar na boses. Natigilan naman kami at napatingin. Si PeeJay...

"PeeJay!!!" ang unison naming pagbanggit ng pangalan niya sabay kamusta sa kanya.

"Okay na ako" ang tugon naman niya kahit na visible pa rin ang mga pantal sa mukha niya. "But I'm still in medication"

"Nga pala, bakit nga pala na kay Patrick ang sasakyan mo?" ang tanong ni Clarissa.

"Sa kanaya na yun" ang tugon naman niya.

"Ha?" ang reaksyon naman namin.

"Wala na kasi kaming maipangbayad sa hospital kagabi. Nagpatong-patong ang babayaran namin. So, binenta ko ang sasakyan ko at kay Patrick nga napunta" ang paliwanag naman niya. Hindi ko alam at wala kaming kamalay-malay sa mga pinagdadaanan niya. Palagi kasi siyang nakangiti eh at hindi nagsasabi tungkol sa mga nagiging problema niya. Hindi ko alam na ganito na kalala.

"Hala, PeeJay. Sana naman nagsabi ka para naka-ambag kami kahit paano" ang sabi naman ni Clarissa.

"Oo nga naman" ang pagsang-ayon ko. Tumawa naman si PeeJay.

"I'm fine. Wag niyo nang alalahanin ang kalagayan ko" ang tugon naman niya.

"Teka, paano ka pumasok?" ang tanong ni Blaze. "Nag-commute ka?"

"Oo" ang tugon naman niya. "Dati ko na rin namang ginagawa yun eh"

"Namiss ka namin PeeJay" ang sabi ko.

"Me too" ang tugon naman niya.

[PeeJay's POV]

Ilang araw akong hindi pumasok dahil sa dalawang kadahilanan; una ay dahil nga sa inatake ako ng allergy ko dahil sa pagkain ko ng brownies na may walnut bilang parte ng plano ko. Sa mga panahong wala ako sa Saint Anthony ay marami akong ginawa. Sa pagpublish ng balitang may bagong Presidente na ang Goldwire ay ang paglabong ng mga indibidwal na gustong bilhin ang tanyag na kumpanya. Isa na ang CEO ng karibal namin... Ang sabi ni Kuya, nakikipagset siya ng meeting sa dummy President ko but it's not yet the right time. Not now, masyadong maaga. Gusto kong maramdaman nila ang mga pinaramdam nila sa akin at sa pamilya ko. Gusto kong ipamukha sa kanila na, ako si Prince Jasper Gomez... Na mula sa isa sa mga pinakamakapangyarihang angkan sa bansa. Na hindi kami basta-basta...

Uunahin ko ang pinakamalapit... Si AJ. Kaninang umaga langa ay binigay ko ang sasakyan ko sa kanya. Gusto kong magsaya si AJ sa isang pekeng Peejay na nahihirapan at nasasaktan. Pakiramdam ko binigyan ako ni Daddy ng pagkakataon... Isang aral na kailangan kong matutunan. Ang maging matatag. Pero isa lang ang dapat kong siguraduhin... Na sa akin pa rin ang huling halakhak. Kasalukuyan kong kasama ang mga kaibigan ko; medyo nakakaguilty dahil sobrang dami kong linilihim sa kanila.. But I have to. This is my fate. And I have to carry out my mission.

"So, any updates?" ang tanong ko sa kanila.

"May activity tayo two weeks after" si Blaze. Alam ko kasi ako ang nag-organize nung secretly para sa mga plano ko.

"Aaah" ang tugon ko naman at hindi na nagtanong pa ng mga detalye kasi alam ko na nga.

"Wait lang,guys" si Blaze. Dadaan lang ako ng college library. Naiwan ko yung isang reference book ko.

"Sasama na rin ako" ang tugon naman ng iba.

"I thinj I want to stay here" ang sabi ko naman nang matapat kami sa mga benches. "hintayin ko na lang kayo"

"Okay lang sa akin. " si Aryan. "sasamahan na kita, PeeJay"

"I insist" ang pagtanggi ko naman. "I can handle"

"Uhhmmm, o sige" ang sabi niya sabay pasok nila sa library samantalang naupo ako sa tabi ni AJ which luckily is there. Nanahimik lang ako.

"Sorry for what happened to you a few days ago" ang biglang sinabi niya. Hindi kami nakatingin sa isa't-isa.

"Are you admitting that it's your fault?" ang tanong ko naman sa akanya.

"May mapapala ba naman ako pag ginawa ko yun?" ang tanong niya pabalik. "I already have everything you own"

"Are you trying trying to steal things from me?" ang tanong ko naman sa kanya. 'I mean on purpose?"

"I am not" ang sabi naman niya.

"Parang ang laki kasi ng galit mo sa akin" ang sabi ko naman. "It's either yun or young trying too hard to be like me"

"PeeJay, get a hold of yourself" ang sabi niya. "Masyado na yatang mataas ang tingin mo sa sarili mo. To remind you, wala ka nang kapangyarihan. You were but not anymore."

He was winning this round but I am so satisfied by watching that pride on his face; it's priceless.




OLSG 3: HeartlessМесто, где живут истории. Откройте их для себя