Chapter 4.3

5.7K 209 27
                                    

Dahil sa kaiisip ay napahikab naman ako at nakaramdam ng antok.

"Guys, matutulog muna ako" ang paalam ko sa kanila. "Just feel at home, okay?"

"Okay" ang sabay naman nilang tugon. Lumabas naman ako ng kuwarto ko at nagtungo sa harap ng kuwarto ni Kuya. I reached for the doorknob and slowly turned it. Nagbukas naman ang pinto. Sana naman maayos ngayon ang kuwarto niya. Medyo makalat kasi siya sa gamit. Kaagad naman akong pumasok at napansin agad ang magulong kama ni Kuya. Napabuntong-hininga na lang ako. Bago nahiga ay shi-noot ko muna sa laundry basket ang mga pinagpalitang damit ni Kuya. Nasa side table niya ang family picture namin katabi ng digital alarm clock. Wala masyadong nakasabit sa pader. Isang portrait niya lang sa taas ng headboard. Sa kabila ay ang display ng basketball, rugby at soccer ball. Pati na rin ang head gear na gamit niya nung naglalaro siya bilang rugby player sa high school na pinasukan niya dun. He was a jock kaya naman napaka-athletic din ng style ng kuwarto niya. Unti-unti na lang akong linamon ng antok at nakatulog.

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°

I'm just staring at the ceiling. Labing limang minuto na siguro ang nakakalipas nang magising ako. I slowly switched my gaze towards the clock. Oras na para maghanda para sa pupuntahan namin mamaya-maya. Bumaba ako ng kama at lumabas ng kuwarto ni Kuya. Nagtungo ako sa sarili kong kuwarto pero wala si Aldren at Blaze dun. Nagpunta naman ako sa sala at nakita sila habang nanonood ng TV.

"Guys" ang pagtawag ko sa kanila.

"Ui, good morning!" ang bati naman nitong si Aldren. "Tara na ba?"

"Oo" ang simple kong tugon. Dumeretso nga kami ng kuwarto ko at nagsimulang mag-ayos. Pagkatapos naming makaligo ay itunuro ko sa kanila kung anong isusuot nila.

"Uhm," si Blaze habang tinitignan ang mga damit. "Sigurado ka ba rito?"

"Oo naman" ang nakangiti kong tugon.

"Hindi kaya tayo maging center of attraction dun?" ang sunod niyang tanong.

"Well" ang reaksyon ko. "I'm always the center of attraction, ain't I?"

"Ah, oo naman" si Aldren sabay kamot ng ulo. Natawa naman ako sa mga reaksyon nila. Naintindihan ko naman na umiiwas sila sa limelight.

"You'll be fine. Trust me" ang paninigurado ko. Simple kasi silang mga tao, walang kaarte-arte sa katawan kaya naman mas napalapit ako sa kanila. Pagkatapos ng maikling diskusyon ay napapayag ko rin naman ang dalawa. Hindi naman dahil sa masama ang panlasa nila sa mga suot nila. I just want them to look really good. Nang makapagbihis ay nakatitig lang sila sa kanilang mga sarili sa malaking salamin. Naka-upo lang naman ako sa gilid ng kama at nakangiting pinagmamasdan sila. Pasimple kong kinuhanan sila ng litrato at in-upload sa Facebook account ko with matching caption: "Find out who after an hour. Guess". Mostly si Bry at Derek ang sagot ng iba. Natawa ako nang  mag-comment si Aryan.

Aryan: OM!!!!! si Blaze at Aldren??????

Ayun, inulan niya ang inbox ko pero dahil nga pagkatapos ng isang oras ko pa i-rereveal kung sino eh. Kaya naman na-seenzone siya. After some finishing touches, we're good to go. Bago kami sumakay sa kotse ni Kuya ay picture taking muna bago upload. Nagdrive ako patungo sa bahay nila Abby. Marami nang tao nang makarating kami, nakapagpark ako medyo malayo sa mismong bahay kaya kailangan naming maglakad ng kaunting metro. Naririnig ko na ang tugtugin mula sa kinalalagyan namin.

[NOW PLAYING: I Wish by Cher Llyod feat. TI]

♪♪And now I'm at home, I'm all alone

'Bout to pick up the telephone

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon