Chapter 18

3.9K 147 13
                                    


Pagsapit ng alas-siete ng gabi dumating ang mga kaklase ko except sila Patrick, AJ at Ethan. 

"PeeJay, okay ka na ba?" ang tanong ni Aryan. "Nag-freak out ang lahat nang mawalan ka ng malay"

"Ganun ba? Sorry kung pinag-alala ko kayong lahat" ang paghingi ko ng paumanhin.

"Ano bang nangyari sayo, PeeJay?" ang tanong ni Blaze.

"Inatake ako ng allergy" ang tugon ko. "Nakakain ako ng pagkain na may walnuts... Maraming walnuts"

"Baka yung brownies na kinain natin kanina" ang tugon ni Clarissa. "Hindi kaya sinadya yun?"

"Sino namang gagawa ng ganyang bagay?" si Aldren.

"Tinatanong pa ba yan?" si Clarissa.

"It's just an honest mistake" ang sabi ko naman.

"Seriously, PeeJay?" si Clarissa. "Kung honest mistake lang yan; the person who gave you that food can just give it without pulverizing the nuts."

"Troublesome kasi ngumuya ng nuts" ang argumento ko.

"I-cross out natin si Ethan" si Aryan.

"Bakit naman?" ang tanong ko.

"Alam mo ba nung nahimatay ka; he rushed towards you" ang tugon niya. "Kaagad ka niyang buhay samantalang lahat at nagpapanic na. He was really worried; at nakita ko yun sa mukha niya. As a matter of fact, siya nga ang nagdala sa'yo rito sa ospital. Binanatayan ka niya hanggang sa dumating ang Mommy at ang Kuya mo"

"As if it would change anything" ang sabi ko.

"Hay naku" ang reaksyon naman nila. Hindi pa rin natatanggal ang mga pantal ko sa katawan. I can't remember the last day na inatake ako ng allergy na ganito kalala. Paunti-unti naman silang nagsi-alisan hanggang si Clarissa na lang ang natira. Kinuha niya ang diyaryo sa mesa at inabot sa akin.

"Basahin mo" ang bilin niya na ginawa ko naman.

"Goldwire Industries' new CEO and President is Mr. Anthony Lao" ang pagbabasa ko naman. Binasa ko ang buong article.

"Anyare sa pagka-presidente mo?" ang tanong ni Clarissa sa akin.

"Kalimutan na natin yun" ang sabi ko naman. I'm satisfied. At least, umaayon ang pagkakataon sa mga balak kong mangyari. Hindi naman nagtagal ay umuwi na rin si Clarissa. Nagbabasa ako ng mga story sa Wattpad nang nagbukas ang pinto. Napatingin naman ako.

"Anong ginagawa mo rito?" ang tanong ko.

"I'm here to check if your still alive" ang tugon naman niya. "woah, look at your face"

"I'm fine. Now, leave" ang utos ko sa kanya.

"Now you're being harsh on me" ang tugon niya.

"Patrick" ang banggit ko sa pangalan niya.

"PeeJay, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong gawin ang mga bagay na to" ang sabi naman niya. "Pag-uwi na pag-uwi ko ng Pilipinas, pinag-enroll mo ako sa Saint Anthony. You know I hate school. Isa pa, ang hirap I-bribe ng may-ari ng University na yun just to let me in. Tapos na kasi ang enrollment."

"Kaya nga ikaw ang linapitan ko kasi alam kong kaya mong gawin yun" ang tugon ko naman. "Ngayon, ipaliwanag mo sa akin kung bakit inutusan mo akong maglagay ng brownies sa upuan mo. Hindi ko alam na may lason pala yun. Kung magpapakamatay ka, wag mo naman sana akong idamay."

"Nasabi mo na ba kay AJ na ikaw ang naglagay nun?" ang tanong ko. Napabuntomg-hininga siya at tumango.

"He fully believed na malalim nga ang galit ko sayo, PeeJay"

"That's good" ang nakangiti ko namang reaksyon.

"Kailangan bang talagang sa ganitong paraan, PeeJay?" ang tanong niya.

"I have to. I have to push my luck" ang tugon ko naman.

"But you almost died" ang protesta niya.

"I'm okay" ang sabi ko naman. "Patrick, maraming salamat"

"Alam mo namang susuportahan kita. Malaki ang utang na loob ko sa Papa mo" ang sabi niya. "Naiintindihan ko ang sitwasyon mo and I'm here to protect you too"

"Thank you, Patrick" ang pasasalamat ko. "Isa kang mabuting kaibigan"

"Anyway,may night out kami ni AJ ngayon" ang balita naman niya. "So, I guess we can proceed with Phase II"

"That's good news, Patrick"

"Makikipagkita na alang ako sa'yo bukas if ever may makuha akong information mula kay AJ" ang sabi niya. Napatango naman ako. "Nga pala, hindi kasama si Ethan. I talked to AJ na kami lang and surprisingly eh, hindi niya nga isasama si Ethan"

"Mabuti naman kung ganun. Magiging malaking sagabal si Ethan sa magiging success ng Phase II ng plano ko. Patrick, sana makuha mo na agad ang impormasyon na kailangan ko mula kay AJ. Hindi ko alam kung magiging successful ang mga pinadala ko sa Montecillo para manmanan ang Kuya ni AJ. Naka-usap ko na riin si Kuya. He payed someone to spy"

"I guess ganito nga kalakas ang pamilya Gomez" ang sabi ni Patrick. "Wala na akong masabi. Ang dali lang para sa inyo ang maunpalahin ang mga bagay"

"Patrick, don't make it sound so evil" ang suway ko sa kanya. 'Alam mo naman ang goals natin. Hindi na lang ako papayag na mawala sa lahat ang pinghirapan ni Mommy at Daddy lalo na kung sil AJ at EJ ang magiging dahilan. Hindi ko man maiwasan pero magiging personal na ang labanan"

" I understand" ang sabi niya. "Anyway, I have to go now"

"Sige" ang tugon ko naman. "Good luck. I trust you, Patrick"

"Press on, Prince Jasper Gomez" ang huli niyang sinabi bago tuluyang lumabas ng kuwarto.



OLSG 3: HeartlessWhere stories live. Discover now