CHAPTER 3.1

6.4K 208 35
                                    

Author's Note: heto na ang update. Pasensya na kung sabaw. Leave your comments :)

[45 Days after Break-up]

"Never ever put yourself on top of anyone's priority list. Kahit na gaano mo sila pahalagahaan. Kahit na gaano mo iparamdam sa kanila na kaya mo silang unahin kapalit ang ibang bagay o tao. Hindi pa rin to magiging sapat. Never expect. Never kang magiging sentro ng mundo sa iba. Hindi masakit umasa. Nagiging masakit lang ito pag pinipilit mo o iniisip mo na meron pa. Masakit dahil sa kabila ng pagod na nadaranasan sa paghihintay ay nauuwi lang pala sa wala. Ilugar mo ang sarili mo sa pinakababa para hindi ka lubusang masaktan. Magtiwala, pero wag masyadong maniwala."

Hindi naman ako isang introvert pero sa tuwing gusto kong mapag-isa o manahimik sa tabi ay natatagpuan ko ang sarili ko na sinusulat ang mga nararamdaman sa kung ano mang papel na makuha ko. Katumbas nito ang pakikinig ko sa mga awitin para mawala ako kahit paano sa realidad. Nais kong lumipas ang oras. Wala naman akong hinihintay ngunit nais ko nang lumaya. Lumaya sa mga nararamdaman ko at makatakas na sa iniwan kong pagkatao. Muli nga ba akong nagbabago? Binago ng alin? Ng ibang tao, ako o ng mga nararamdaman ko?

Ano nga bang mas nakakatakot? Ang masaktan ulit o iwanan ng mga taong pinahahalagahan mo dahil sa takot ka nang masaktan kaya nais mong baguhin ang ilang aspeto ng pagkatao mo?

Hindi ko alam. Nakakatakot pareho. Ang mga taong pinakamahal o pinaka-importante sa'yo ang parehong mga taong makakasakit sayo ng sobra. Ano nga ba yung saya na sinasabi nila sa love? Para ka lang bumungkal ng isang bundok ng lupa para lang sa isang basong tubig kung may batis naman sa malapit.

"Hui!" ang pandidistract sa akin ni Aryan. Napatingin naman ako sa kanya. "Kanina pa naglelecture si prof. Hindi ka nagtatake-down notes"

"Tinatamad ako" ang simple kong tugon.

"Kailan ka pa tinamad sa mga ganitong bagay?" ang tanong niya pabalik.

"Today? Ewan. Wala lang talaga ako sa mood ngayon" ang paliwanag ko.

"For the past ten days, ganyan ang rason mo" ang komento ni Aryan. "Tsaka tirik na tirik ang araw, naka-jacket ka"

"Fashion style ko" ang tugon ko pero sa totoo lang kanina pa ako naiinitan. May tinatago kasi ako sa kanila kaya di ko magawang hubarin ang jacket ko. Haaaay, i hate this day!

"Ikaw bahala" ang huling sinabi ni Aryan bago pinagpatuloy ang pagtatake-down notes.

"Mr. Miranda" si Prof. "Proceed with your report"

Kaagad namang tumayo si Ethan st nagpunta sa harap. Sinimulan niya ang kanyang report. Kumuha naman ako ng libro sa aking bag at nagsimulang magbasa.

"Mr. Gomez" ang narinig kong pagtawag niya sa akin. "You're not paying attention"

"" Best known for his tales of mystery and the macabre, Poe was one of the earliest American practitioners of the short story , and is generally considered the inventor of

the detective fiction genre" ang pag-uulit ko sa mga huli niyang sinabi. Hindi ko pa rin siya tinitignan. Hindi naman siya umimik at pinagpatuloy na lang ang pagrereport niya. Bakit ba hindi niya na lang ako pabayaang mag-isa?

"Mr. Gomez" si Prof.

"Yes,Prof?" ang tugon ko sabay tingin sa kanila ni Ethan. I maintained my poker face.

"We all know that Edgar Allan Poe was said that he committed suicide. If that's true,why do you think so?" ang tanong ni Prof. Linapag ko ang binabasa konh libro at tumayo.

"I suppose it's because of love" ang tugon ko.

"Explain" ang utos uli ni Prof.

"Well, in his one of his masterpieces. Raven primarily talks about death and lost love."

"Do you think it's a valid reason to commit suicide?"

"No. To be frank, it's pure stupidity" ang sabi ko. Tumingin ako kay Ethan. "Liars and heartbreakers are not worth a single tear. Why cry over someone when there's a lot of fish in the sea."

Pagkatapos ko magpaliwanag ay naupo agad ako.

"Intense" ang bulong ni Aryan sa tabi ko. Bumalik na lang ako sa pagbabasa. Pagkatapos ng lecture ay pinauna kong lumabas ang mga kaklase ko bago ako tuluyang lumabas.

"PeeJay!" ang kaagad na pagtawag sa akin ni Aryan sabay hatak sa braso ko.

"Aaaaaah!" ang reaksyon ko sabay hila sa braso ko. Napapangiwi pa ako.

"Hui, anong problema?" ang nagtatakang tanong ni Aldren.

"W-wala" ang tugon ko. Bigla akong hinawakan ni Blaze sa mga braso. "Hey, let me go!"

"Siguro, Edgar Allan Poe ang peg mo no!" si Aryan. "Baka naman dahil sa heartbroken ka; naglalaslas ka na!"

"Hindi ako ganun katanga!" ang reaksyon ko. Kinuha naman ni Aldren ang kamay ko. At hinatak pataas ang sleeve ng jacket ko.

"My gosh, PeeJay!" si Emily ng makita ang braso ko. “Bago pa yan, ha!“

"Yeah, kahapon ko lang pinalagay" ang paliwanag ko.

"Patingin nga" si Blaze sabay bitaw sa akin.

"Nice tattoo"  ang puri nila ni Aldren.

"Bakit?"

"Uhm, ewan" ang tugon ko. Napatingin ako sa pinalagay kong marka sa braso ko. Hinubad ko na lang ang jacket ko since alam na nila.

"Dahil kay Ethan?" ang tanong naman ni Aryan..

"Lahat na lang ba ng bagay na gawin ko naka-sentro sa kanya?" ang retorikal kong tanong. "Geez, give me a break"

"Eh, bakit nga?"

"Kasi gusto ko lang. Noon ko pa balak magpalagay. May pumigil lang sa akin" ang paliwanag ko.

"Si Ethan?"

"Oo na" ang flat kong tugon. "Mauna na ako sa inyo. Imee-meet ko pa si Bry."

"O, sige" ang pagpayag naman nila.

"Bye guys" ang paalam ko.

"Bye" ang paalam din naman nila pabalik. Natigilan ako sa harap ng isang bulletin board.

*Flashback*

"Babe, may audition sa Music Club oh" ang sabi ko kay Ethan.

"Sasali ka?" ang tanong niya.

"Oo" ang tugon ko.

"Wag na lang. Nasa Dance Troupe ako, nasa Music Club ka. Eh, mababawasan time natin sa isa't-isa" si Ethan. "Gusto ko palagi kitang kasama"

Kahit na disappointed ay napangiti na lang ako at tumango. Sa tuwing nagpupunta ako sa rehearsals ng dance troupe ay nasa bleachers lang ako at hindi man lang ako magawang samahan tuwing break time nila bagkus ay nakikipagkwentuhan lang siya sa mga kasama niya.

*End*

Napabuntong-hininga na lang ako. Bago ko pa lang malagpasan ang entrance ng auditorium ay pumasok ako. May bumati naman sa akin.

"Mag-auaudition ka po?" ang tanong ng isang club member. Napatango naman ako. "Pakifill-up na lang po ito"

Kinuha ko naman ang form at inilagay ang mga importanteng detalye na kailangan bago ibalik sa kanya ang form. Binigyan naman niya ako ng number. Pumunta ako sa back stage. Andun rin ang mga ilang mag-auaudition. Gumala ang tingin ko. Natigilan naman ako nang makita ang isang pamilyar na mukha. Kaagad sumama ang timpla ng mukha ko. Tumalikod na lang ako at nagbalak nang umalis. Pero hindi pwede. Itutuloy ko to.

OLSG 3: HeartlessWhere stories live. Discover now