Chapter 10

5.3K 140 40
                                    

Second Week of the Sem:

"Mahal" si Ethan habang nag-eencode ako gamit ang laptop. Kasalukuyan akong nasa library at kanina pa ako rito. Hindi muna ako nanood ng practice ni Ethan dahil sa research work na kailangan kong tapusin. Napatingin naman ako sa kanya. Naupo siya sa tabi ko at kaagad pinatong ang baba niya sa balikat ko sabay kagat sa tenga ko.

"Aray naman" ang angal ko pero nag-puppy dog pout lang naman siya. "Tara na ba?"

"Kung wala ka nang gagawin" ang tugon naman niya. Sinave ko na ang ginagawa ko at pinatay ang laptop ko.

"Tara na" ang yaya ko.

"Daan muna tayo ng banko, ha?" ang sabi niya sa akin. "Kailangan ko pa kasing i-deposit sa account ng dancr troupe yung kinita namin sa huling mini-concert.'

"O, sige" ang pagpayag ko naman.

"Date na rin tayo" ang pahabol niya. Napangiti naman ako at tumango. Inayos ko naman ang mga gamit ko.

"Ako na ang magbubuhat nito" si Ethan sabay kuha ng bag lulan ang laptop.

"Kaya ko naman eh" ang protesta ko naman.

"Alam ko pero boyfriend mo ako"

"Boyfriend kita, hindi personal assistant" sng argumento ko naman.

"Kahit na. Katuwang mo pa rin ako sa buhay" ang argumento niya pabalik. "Kaya ako pa rin ang magbubuhat nito"

"Oo na" ang pagsuko ko naman. Nagtungo naman kami sa banko.

Kasalukuyan kaming nakapila at nag-uusap ng biglang....

"HOLD-UP TO!!!" ang malakas na sigaw ng isang boses. Napatingin naman ang lahat ng tao sa pinanggalingan nun. Kaagad bumulagta sa sahig ang security guard. Sa pagpasok ng dalawang armado at nakamaskarang kalalakihan ay binaril agad nila ang dalawa pang security guard sa loob. Hindi man lang nila nahugot ang mga baril nila. May apat pang lalakeng pumasok ng banko na kapwa nakamaskara. Lahat ay nakaramdam ng takot sa aming nasasaksihan.

"Walang sisigaw kung ayaw niyong mamatay!" ang bilin ng isa sabay tutok ng baril sa ilan sa amin. Ang iba ay nagtungo sa mga teller st nagsimulang kumuha ng pera. Ang iba naman ay pilit na kinuha ang mga personal naming gamit. Hinablot naman ng isa ang laptop ko kaya naman na out of balance ako at natumba.

"Dahan-dahan naman!" ang protesta ni Ethan.

"Aba, ang lakas ng loob mo, ha!" ang sumbat ng isa sabay suntok kay Ethan. Napahiyaw ang mga nakasaksi. Hindi pa siya nakontento at hinampas pa si Ethan ng dulo ng malaking baril. Bumagsak si Ethan sa sahig at nawalsn ng malay. Nagsimula akong umiyak. Natatakot na talaga ako, lalo na ng makita kong dumudugo ang ulo ni Ethan.

"Akin na yan!" ang sigaw naman ng isa pang nakamaskarang lalake sa di kalayuan.

"Wag po. Para po to sa anak kong may sakit" ang pagmamakaawa ng matandang ginang. "Parang awa niyo na"

"Tol, pabayaan mo na" ang bilin ng isa pa sa kanya. "Sibat na tayo, parating na ang mga pulis"

"Sandali lang" ang tugon namn niya at pikit pa ring kinukuha ang pera mula sa kawawang ginang. "Ginagalit mo talaga ako, ha!"

Isang malakas na hila ang ginawa ng lalake kaya nabitawan ng ginang ang bag niya. Kaagad naman din siyang tinutukan ng baril at isang putok na lang ang narinig ng lahat. Dinig din namin ang pagbagsak ng isang katawan sa sahig.

"Tang-ina naman, tol! Ang usapan natin wala tayong papatayin" ang reaksyon naman ng isa sa kanila. "Nagpadaan ka na naman sa init ng ulo mo"

"Andyan na yan eh" ang sumbat naman ng isa. Hinfi ko na alam kung sino ang nagsasalita. Kanina pa ako nakapikit simula nunh tinutukan ng baril ang nagmamakaawang ginang.

"Tara na" ang yaya ng isa. Narinig ko na lang ang tunog ng mga nagmamadali nilang paa pagkatapos ay ang pagbukas at pagsara ng glass door. Kasunod nun ay ang sunod-sunod na putukan ng baril sa labas ng kuwarto.

Katahimikan...

Minulat ko ang mga mata ko. Tinignan ko ang paligid. Puno pa rin ng takot ang mga kasama ko sa loob. Napatingin ako ss kinalalagyan ng ginang na binaril. Natigilan ako nang makita siyang buhay siya. Ngunit sa harapan niya ay nakabulagta ang isang lalake. Hindi ko alam kung buhay pa siya o buhay ngunit isa lang ang ang alam ko, iniligtas niya ang ginang mula sa tiyak na panganib. Itinaya niya ang sarili niyang buhay para sa iba. Wala pa ring malay si Ethan kahit na pilit ko siyang ginigising. Pumasok na ang mga pulis kasama ang medics. Dineretso nila si Ethan sa ambulansya pati na rin ang lalakeng mula sa pagkakarinig ko ay nag-aagaw buhay at nasa kritikal na kundisyon.

Sa ospital ay dineretso si Ethan sa emergency room. Tinawagan ko ang pamilya niya at binalita ang kundisyon ni Ethan. Hindi naman na nagtanong panng mga detalye si Tita at Ate; at kaagad nagsabi na darating na sila. Naghintay lang naman ako sa harap ng emergency room. Makalipas ang tatlumpong minuto ay dumating na ang Mommy at Ate ni Ethan. Napayakap.ako kaagad sa kanila at hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman kusa nang nagsilabasan ang mga luha ko... dala na rin siguro ng pagod, gulat at takot sa hindi inaasahang pangyayari.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagkwekwento ng kung anong nangyari ng dumating naman si Kuya JayPee.

"I'm so dead worried about you" ang kaagad niyang sinabi nang makalapit sa akin.

"Kuya, I'm okay" ang tugon ko naman.

"I know you're not" ang komento naman niya sabay yakap sa akin. "I promised Dad that I'll take care of you. I know and I accept that you're already matured and now a grown-up but still you're my baby brother."

I really do appreciate these times. Hindi kasi expressive si Kuya at most of the time, puro kalokohan lang ang pinapakita niya. Hindi raw siya pwedeng mag-emo kasi lalake siya.

"I love you Kuya" ang pagpalambing ko sa nakakatanda kong kapatid.

"I love you too" ang tugon naman niya. "How is Ethan?"

"He's still in the emergency room" ang balita ko naman. Muli kong pinagpatuloy ang pagkwekwento ng mga kaganapan sa banko kanina lang. "Sorry po"

"Hawag kang magsorry, alam ko namang hindi mo ginusto ang nangyari" ang komento ng Mommy ni Ethan. Hindi naman nagtagal ay inilabas si Ethan mula sa emergency room. Kaagad naman naming sinalubong ang doktor. Pinaliwanag naman niya na sa ngayon ay comatose siya. Labing-limang persyento ang pag-asang magising pa siya. Hindi ko na maintindihan pa ang ibang medical jargons na pinagsasabi ng doktor. Napaupo naman ako sa bench.

"Just hold on, little brother" ang sabi ni Kuya nang naupo siya sa tabi ko sabay akbay sa akin..

"Just do whatever you can" ang bilin ng Mommy ni Ethan sa doktor. Napatango naman si doc.

OLSG 3: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon