Epilogue

308 19 1
                                    

Epilogue

Unang araw palang sa klase nung masilayan ko ang ngiti , ang nga tawa nya nabihag na nya ang puso ko . Bagong teacher ako sa school nila at ang ingay - ingay nila ng kaibigan nya kaya napansin ko sya .

Gustong - gusto ko syang sawayin sa sobrang ingay nila habang nagtuturo ako pero ngiti palang nya napapahinto na ako . Mas lalong tumatagal mas lumalalim ang pagtingin ko sakanya pero pinigilan ko lahat yun hanggang sa hindi ko inaasahan na kinukulit nya ako araw - araw sa office ko .

Akala ko pinagtitripan nya lang ako kaya tinitiis ko na huwag magpahulog lalo sa laro nya dahil una palang naman hulog na hulog na ako . Ang alam nya sya ang unang nagkagusto sa akin pero hindi nya alam dahil sa ngiti nya nakuha na nya ang puso ko simula palang hindi lang ako showy kase estudyante ko sya pwede ako matanggalan ng license at maexpelled sya kapag hindi ko pinigil ang nararamdaman ko .

Pero nung makita ko sya na may kasamang ibang lalaki na boy bestfriend ata hindi ko na natiis ang nararamdaman ko sumiklab agad ang selos sa akin .Gusto ko syang itali sa bisig ko .Gusto ko syang angkinin kahit hindi naman sya sa akin . Nung uwian na pinauwi sila ng maaga dahil may meeting actually kasama ako sa meeting pero nung makita ko sabay silang lumabas ng boy bestfriend nya na parang may pupuntahan agad akong tumakas sa meeting .

Nagtext lang ako sa co - teacher ko na may emergency kaya hindi ako makakasama .Mabuti nalang naabutan ko sila sa labas ng gate .Tama nga ako aayain pa sya magdate ng boy bestfriend nya kaya inunahan ko na sya .

Agad kong hinawakan ang kamay nya at sinabe sa kaibigan nyang may iiutos pa ako sakanya mabuti nalang hindi na sya nagsalita . Yung selos ko hindi ko na napigilan nun kaya ko nagawa yun .

Tinanong nya kung bakit ako nasa labas e may meeting kaming mga teacher pinalusot ko nalang na faculty staff lang ang may meeting at hindi ako kasama .Hinatak ko na sya papunta mall sobrang kulit nya tinitiis ko ang sarili ko huwag patulan ang mga pangtitrip nya sa akin .

Inaya nya akong maglaro sa arcades mas lalo akong nainis ng sinabe nyang halik ang prize kung sino ang manalo dahil kanina pa ako nagtitiis huwag sya halikan pero hindi ako tinitigilan .

Nanalo sya sa pustahan namin binigay ko ang gusto nya hinalikan nya ako tumingala pa sya dahil ang liit nya .Tiniis ko huwag tumugon sa halik nya pero hindi ko natiis agad kong hinapit ang bewang nya at hindi ko namamalayan na tumutugon na ako .

Simula nung araw na yun binigyan ko chance ang sarili ko na maging akin sya .Sumugal ako kahit trabaho ko ang kapalit nito kapag nalaman ng iba na may relasyon ako sa estudyante ko .

Sa dinami - dami ba naman akong nakita na maganda sakanya pa ako nabihag na estudyante ko pa .

Naging kami sobrang saya ko at the same time natatakot hindi para sa akin kundi para sakanya .Tago ang relasyon namin kaming dalawa lang ang nakakaalam .

Dumating itong si Lucas na naging kaibigan nya sobrang selos na naman ang nanaig sa akin ng makita kong sabay silang kumain .Sinadya kong makisabay sa co - teacher ko oo ginamit ko sya para ipakita kay Cha na hindi ako natutuwa pero mukhang hindi sya natinag nagpatuloy lang sila kumain .

Hanggang sa namatay ang bestfriend nya hindi ako nakatakas at nakalusot sa Dean na may importanteng bagay akong pupuntahan kaya wag sana ako ang ipadala para irepresent ang school namin .Imbes na ako yung nasa tabi nya nung kailangan nya ako nasa tabi ng si Lucas na pinagseselosan ko.

Tiniis ko yung selos ko dahil sya ang dadamay sa Girlfriend ko na hindi ko magawa dahil sa trabaho ko .

Akala ko okay na pero hindi nadatnan nya akong pilit tinutulak ang co - teacher ko na nakakandong sa akin habang natutulog ako nagising ako dahil akala ko sya si Cha .

Umalis sya ng bansa ng hindi ako hinayaan mag - explain alam kong nasaktan lang sya sa nakita nya kaya inintindi ko sya .Lumipat ako ng ibang school dahil sa nangyare dahil sa tuwing papasok ako sa office ko sya ang naalala ko .

Nangulila ako sakanya ng husto , anim na taon pero walang nagbago sya pa rin .Naghihintay pa rin ako sa pagbalik nya kahit gaano pa katagal handa akong ipaliwanag sakanya ang lahat .

Sobrang saya ko ng makita ko sya muli kaya hindi ko sya tinantanan hangga't hindi ko sya nakakausap .Kinulit ko sya ng kinulit parang nagkabaliktad kami sa kakulitan .

"Hoy ikaw na tinatanong ni father ,"kalabit nya sa akin na napabalik ako nasa harapan na pala kami ng pari hindi ko namamalayan dahil sa pag - iisip ko sa mga dating kami na hindi nakakasawa balikan .

"Yes father I do ,"sagot ko .

Agad kong syanh hinalikan matapos kami magbigay ng vows sa isa't - isa .Agad ko din tinapos dahil baka hindi ko mapigilan dito maisagawa ang honeymoon.

Napapangiti nalang ako sa magulang namin na nagkakasunod na parang dati pa magkaibigan kung makapag - usap sa isa't - isa .

Diretso agad kami sa reception pagkatapos ng kasal hawak ko ang kamay nya ayoko bitawan pang muli ang babaeng nagpatibok ng puso ko .Sya lang ang babaeng nakabihag ng puso ko kaya hindi ko hahayaang mawalay sya muli sa akin kaya inaya ko na agad magpakasal .Gusto kong kasama ko sya lagi ayoko mawala sya sa paningin ko .

My ProfessorWhere stories live. Discover now