CHAPTER 37

185 16 0
                                    

CHAPTER 37

Maaga ako gumising para maglinis ng kwarto at maaga makapasok sa trabaho dahil hindi magandang tularan kapag ang magiging CEO ay late hindi ko gagayahin si Kuya .

Pumasok na agad ako sa bathroom ng maayos ko na ang higaan ko naligo lang ako ng sandali dahil hindi naman ako matagal maligo it takes 10 or 5 minutes lang minsan .

Pagkatapos ko maligo at suotin ang simpleng suit ko na uniform ko sa trabaho aalis na sana ako ng may nakalimutan ako may itatanong pa pala ako kay kuya panigurado tulog pa yun kaya pumunta ako sa kwarto nya para gisingin sya dahil tulong na rin yun na hindi sya malate atsaka may itatanong pa ako sakanya .

Hindi muna ako pumasok gumilid muna ako sa pinto dahan - dahan ko itong binuksan hindi nya ako napansin nasa table study sya parang may kausap kaya hindi ako napapansin .

"Mommy nagkikita na sila hindi ko mapigilan masyadong determinado na makuha talaga ulit si Cha ."Si mommy pala ang kausap akala ko negosyo pero bakit kasali ako sa usapan nila ? Sinong gustong makuha ulit ako ?

"Ma paano kung malaman ni Cha na tayo ang dahilan kaya sila naghiwalay ni Rye noon paano kung sabihin sakanya ng lalaking yun na tayo ang may pakana ng lahat ?"

Anong sinasabe nila na sila ang pakana ng paghhihiwalay namin ni Rye noon ?

"Kuya ,"sambit ko nagulat sya na nandito pala ako sa tabi nyang kanina pa nakatayo at nakikinig sakanila .

"Cha let me explain ."

"Kuya anong ginawa nyo noon ?"Tiniis ko kalmahin ang sarili ko na hindi magalit sakanila dahil alam ko may dahilan sila gusto kong marinig kung katanggap - tanggap ba ang reason nila .

"Nagawa lang namin yun dahil gusto namin na umalis ka ng Pilipinas dahil you might be depressed sa nangyari sa kay Seira at gusto rin nila mommy na sanayin ka sa States dahil ikaw ang susunod na CEO ng kumapanya natin ."Hindi ko maintindihan wala pa rin pumapasok sa utak ko na anong ginawa nila .

"Anong ibig mong sabihin na kayo ang pakana ng kaya kami naghiwalay ni Rye noon ? Anong ginawa nyo ?"

"Yung co - teacher nya binayaran namin na akitin sya yung nadatnan mong nakakandong ang co - teacher nya it's just all setup hindi sya tumutugon sa mga halik sakanya ni Kedra sadyang nadatnan mo lang sila na pilit bumibitaw si Rye na nakakandong sakanya ."

"So all this time nandun ka nung nangyari sa akin yun ? Nasa paligid ka ?"Pinipilit ko pa rin wag sumigaw dahil gusto kong marinig lahat kahit masakit hindi ko matanggap ang ginawa nila umalis ako ng parang bula na wala akong tinanggap  na explanation ni Rye wala akong pinakinggan umalis agad ako .Hindi ako nagtiwala sakanya akala ko pinaglalaruan nya lang ako dahil sino ba naman ako noon isang hamak lang na student nyang kinukulit sya lagi .

"I'm sorry Cha ginawa lang namim para sayo dahil naawa ako sa kalagayan mo kaya nagsugggest ako kay mama na pasamahin ka sa States nung lagi kang nagkukulong dahil hindi mo matanggap na wala na si Seira."Fucking reason gusto kong sigawan sya gusto kong sumbatan sya .

" Sa tingin mo ba Kuya dahil sa ginawa mong yun nabawasan ang sakit na dinadala ko ? Kuya hanggang ngayon dala - dala ko pa rin yung sakit akala ko pinaglaruan lang ako ni Rye noon kaya ayaw ko syang makita pero ako pala yung may kasalanan kase hindi ako nakinig sakanya at hindi ako nagtiwala sakanya yun yung mali ko ."Hindi ko na napigilan na nag - uunahan na palang pumatak ang luha sa pisngi ko dahil hindi ko matanggap ang dahilan nya .

"Si Lucas ba may alam ba dito ?"kinakabahan kong tanong dahil sya ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat hindi ko matanggap kapag may kinalaman sya dito na naging karamay ko sya sa lahat nandyan sya nung lahang iyak ko nakita nya paano ako nagdusa .

My ProfessorWhere stories live. Discover now