CHAPTER 15

198 27 0
                                    

CHAPTER 15

"Hindi ka pumasok sa klase mo kanina ,"saad nya habang nilalambing ko sya alam kong tatanungin nya ako .

"Nasa rooftop ako nagpahangin lang gusto kong mapag - isa kanina kaya mas pinili ko na dun ."

"Pwede ka naman dito sa office ko tumambay ha ."

"Eh ano tapos tatanungin nila bakit hindi ako pumasok at nandito ako sa office mo tumatambay ayoko nun ."Hindi legal ang relasyon namin dahil bawal maging magkarelasyon ang student at teacher panigurado kapag may nakaalam at sinumbong sa guidance tanggal licence nya at expelled naman ako sa school na to .

"May problema ka ba ?"tanong nya habang yakap - yakap ko sya .

"Wala naman basta wag muna ako intindihin magiging okay din ako ,"sagot ko nalang sakanya para mapanatag sya .

"Labas tayo ?"

"Date ?"

"As in date ?"tanong ko ulit .

"Oo nga halika na wala na akong trabaho kaya pwede na kitang idate ."Tuwang tuwa naman akong nauna lumabas para hintayin sya dun ng walang nakakita para akong binilhan ng lollipop sa sobrang tuwa .


"Naalala mo yung first date natin ?"tanong ko sakanya habang naglilibot kami sa mall hindi hinding ko talaga yun makakalimutan unang date namin yun e at yun ang dahilan bakit ganito kami ngayon ewan ko simula nun parang kami na walang ligaw syempre in just snap of a blink kami na .

"Ofcourse ang kulit kulit mo ."

"Maganda naman ."

"Hindi naman masyado ,"saad nya agad ko naman syang siniko aba .

"Just kidding baby ikaw lang naman ang pinakamagandang babae para sa akin ."Kinilig naman ako sa sinabe nya kahit hindi naman talaga ako kinikilig kapag sinasabihan ako ng ibang lalaki ng ganyan .

Nanonood kaming sine lovestory ang pinili ko dahil yun naman ang hilig ko bale ang istorya umiikot sa magkasintahan na isang beses nyang naabutan na may ibang babae ang boyfriend nya hindi nya na binigyan ng chance ulit kahit deserve naman nung lalaki dahil parang sincere sya sa lahat ng ginagawa nya mapatawad lang sya nung babae pero naaawa pa rin ako dun sa babae kase niloko sya siguro kung ako nasa kalagayan nya sasakalin ko yung lalaki at babaeng malandi .

Pagkalabas namin ng sinehan pulang pula ang mata ko kakaiyak na pinagtatawanan naman ako ni Rye sya kaya sakalin ko .

"Tigil na parang hindi naman yun totoo e ."

"Anong hindi totoo ?e sakalin kaya kita kapag ginawa mo yun ."

"Relax hindi ko gagawin yun sayo atsaka yung lalaki hindi naman nya alam e kase lasing sya Malay nya bang hinahalay na pala sya ng kasama nyang kalasingan ,"tawa tawa nya pang yakap sakin para icomfort ako na parang ako talaga yung babae .

"Sir Rye Raymundo and Lene !"napalingon ako sa tumawag samin sa likod mukhang hindi maganda to nandito na naman ang loko - lokong to kahit saan saan talaga sumusulpot ."So you too are dating ha sya pala ang boyfriend mo Lene I didn't know na proffesor pa pala natin ,"dagdag nya pa .

"Anong ginagawa mo dito ?"

"Dapat ikaw tanungin ko nyan ikaw anong ginagawa nyo dito ?"nakalimutan ko lahat pala ng itatanong dito ibabalik sa akin .

"Nagdadate bakit ba ?"

"Eh kung may sumbong kaya ako,"ngisi ngisi nyang saad na alam kong biro pero kinakabahan pa rin ako paano kung hindi lang sya ang nakakita sa amin .

"Just kidding date na kayo naiwan ko pala yung kadate ko dun dahil nakita kita Lene ,"saad nya at tumakbo agad na kumakaway - kaway sa akin .

"Iwasan mo sya ,"nabaling ang tingin ko kay Rye sa sinabe nya .

"Paano ko sya iiwasan kong magkaklase kami ?"

"Basta wag muna sya kakausapin ."

"Are you jealous?"

"Yes I am !"Nabigla naman ako sa pag - amin nya napakadirekta talaga .

My ProfessorWhere stories live. Discover now