CHAPTER 10

257 33 0
                                    

CHAPTER 10

"Oy gising na ,"kanina pa to yugyog ng yugyog e nimulat ko ang mata mukha ni Kuya bubungad aga aga .

"Baket ba ?"

"Late kana tanga ."

Kumaripas akong takbo pagkasabi nya kung anong oras na lintik hindi ko na maaabutan ang first subject bahala na sana naman mauto ko si guard .

"Ms.Elizabeth you're late !"

Akala ko makakalusot na ako ng magtago ako nakita rin pala ako ang talas talaga ng mata dinaan ko nalang sa ngiti ngiti si ma'am at umupo na ako .Nilinga linga ko ang mata ko sa classroom upang hanapin si Bes mukhang hindi pa ata pumasok kamusta na kaya sya ?

"MS . ELIZABETH!"naalarma ako sa sigaw ni Ma'am paktay lutang ata ako kanina pa hindi ko sya naririnig wala akong narinig sa mga sinabe nya sa sobrang pag - iisip ko tsaka ang init lagi ng ulo nito saken .

"GET OUT OF KY CLASS !"

Labag man sa kalooban ko dinampot ko ang bag ko at lumabas sa classroom . Nakakahiya ka talaga Cha shet naman .

Dahil nga pinalayas ako sa klase ko naglibot libot nalang ako hindi naman ako pwede pumunta kay sa office ni Rye panigurado wala yun doon nagtuturo pa yun kung baket ba naman napakainit ng ulo saken ni ma'am Asiga wala naman akong ginawa sakanya ay lutang pala ako sa klase nya lagi kasalanan ko bang marami akong iniisip .

Sa paglilibot napunta na pala ako sa likod ng building namin which is dito tumatakas yung ibang mga estudyante na tamad tamad at gusto ng umuwi .

"Ay palaka!"nagulat ako may tao pala sa likod ko nagsisigarilyo pa ang hunghang kapag ito nakita ni guard paktay kang bata ka .

"Hindi ako palaka miss tao ako napakagwapong nilalang."

"Ang hangin naman babagyo ata ."

"I'm just saying the truth miss ."

"Wala akong pake English English kapa kapag ikaw nakita nagsisigarilyo lagot ka at baket nandito ka ?tatakas ka noh ?"

"Tss. I'm not bakit naman ako tatakas ?"

"Aba malay ko sayo ."Iba rin to e ako unang nagtanong tapos ibabalik saken lahat ng tanong ko sakalin ko kaya wala namang tao dito pwedeng pwede kong itago lang .

"Bakit ka nandito nga pala ?Wala ka bang pasok ?"tanong ko ulit sakanya .

"E ikaw bakit ka rin nandito ?"

Ang sarap talaga sakalin lahat nalang ng tanong ko ibabalik saken.

"Ako una nagtanong kaya ikaw una sumagot mister ."

"Diba Ladies first?"

"Okay fine nandito ako kase pinalabas ako sa klase ko ."

"Baket ?"

"Basta e ikaw baket ka nandito ?"

"Wala kase hindi ako pinapasok ng guard dahil hindi daw ako naka uniform so dito ako dumaan ."

"Ayan alam mo naman napakastrict nun hindi ka man lang nag - uniform ."

"I'm transfery here okay ngayon ko palang kukunin ang uniform ko ."Oh kaya pala hindi pamilyar ang mukha nya saken bago palang pala dito .

"Kebago bago mo umaykat ka na agad kung saan saan ,"singhal ko sakanya na hindi nalang kumibo .Umupo nalang ako sa tabi ng inuupuan nya nangangawit na ako dito e hindi man lang ako inaya umupo .

Matagal kaming hindi nagkibuan wala naman akong masabe sakanya dahil abalang abala sya sa sigarilyo nya kaya lumayo ako ng konti nalalanghap ko e .Tumingala nalang ako sa langit na dumidilim mukhang uulan ata .

"Pwede mo ba akong samahan sa cafeteria nyo ?"nabaling ang tingin ko sakanya ng bigla syang magsalita. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sya saken gwapo naman pala sya kaso mukhang isang tingin palang drop - out na to e yung kilay ba naman parang adik na ginilitan pa slide .

"Done checking me miss ?"

"Duh hindi kita tinitingnan noh concern lang ako sa kilay mo gusto mo ata first time mo dito drop - out kana e .Ano pala yung sabe mo?"kase naman oo nga hindi ko sya narinig dahil busy ako sa mukha nya .

"Teka anong pangalan mo nga kanina pa kita kausap hindi kita kilala baka kidnapin nalang ako hindi ko pa alam ang pangalan ."

"Lucas ,"abot nya sa kamay nya pero tinitigan ko lang pangalan lang hinihingi ko hindi kamay I'm so loyal kay babylove ko .Nahihiya syang binawi nya ang kamay nya ng mapansin nyang wala akong balak makipagshake hands sakanya .

"Charlene tawagin mo nalang akong Cha for short ,"saad ko sakanya .

"No mas maganda kung Lene ."

"Bahala ka ."

"Okay Lene ngayon pwede mo na ba akong samahan sa cafeteria nyo gutom na gutom na ako e hindi ko alam ang pasikot sikot dito ."So wala naman akong klase dahil pinalayas ako sinamahan ko nalang sya .Ngiti ngiti pa ang mokong mukhang baliw ata to e .

"Can you tour me to your school ?" Tanong nya habang kumakain kami syempre kumain na rin ako nalimutan ko kanina na magbreakfast sa pagmamadali ko .

"Sino ka sinusuwerte may pa special special tour kapa ."

"Oh ang suplada naman okay fine kung pwede lang naman ."Tawa tawa pa ang mokong hindi ko alam baliw ata to e kanina pa tawa ng tawa kahit Wala namang nakakatawa .

"Oh mukhang pinapatay muna ako sa isip mo ha ?"

"Oo patay na patay kana sa isip ko murder na murder kana !"aba kanina pa ako nagtitimpi dito sinasamahan ko na nga habang kumakain kami kanina lahat nalang ng asar naubos nya na saken halos matanggal na ang kilay ko kakataas ko dahil sakanya .

"Ako nga patay na patay sayo hindi ko sinabe e ."

"Yuck dude ang corny ng mga banat mo pang grade 7 manahimik ka nalang mas mabuti yun ."

"Ang cute mo kapag napipikon."

"I'm not hindi ako aso ."

"Yun nga para kang ano kapag napipikon,"tawa tawa nyang saad na agad ko namang sinapak gago to ha aso pala ha ipahabol ko kaya sya sa aso ni guard .

"Tama na baka mabilaukan ako dito kanina pa kapa sapak ng sapak ."

"Kasalanan mo naman kanina mo pa ako iniinis ewan ko nga bakit kita sinamahan dito ."

"Dahil gwapo ako ."

"Yuck kilabutan ka nga I'm taken para mapansin ang mukha mo."

"Aw sino yang malas na lalaki na yan ?"agad ko naman syang sinapak kahit kelan talaga hindi nagtigil kakaasar saken .

"Oh tama hindi na ako matatapos kumain dito kanina ka pa sapak ng sapak kawawa naman balikat ko sayo bugbog sarado na ,"masaket pala e baket tawa tawa pa sya itulak ko kaya sya .

"Bahala ka na nga jan !"aalis na ako dito bago ko matulak to dahil sa pang - aasar nya .

"Iiwan mo ko kumakain pa ako ."

"Pakealam ko may klase pa ako bahala ka jan !"tinalikuran ko na sya bago ko pa sya patayin .

"ANG SUNGIT NA ASO !"

My ProfessorWhere stories live. Discover now