CHAPTER 17

181 22 0
                                    

CHAPTER 17

Hindi pa rin pumapasok si Seira kaya katabi ko na naman ang loko - lokomg unggoy na to .Nagfocus nalang ako sa pagtuturo  ni ma'am science pa naman sobrang hina ko dito bukod sa math kinukulit pa rin ako ni Lucas pero hindi ko na sya pinapansin dahil baka kapag pinatulan ko to mapalayas na naman ako sa subject na to .

"CLADS DISMISS!"Agad ko naman inaayos ang gamit ko para lumabas at dumiretso agad sa office ni Rye para sabay nalang kami kumain .

"San ka ?"tanong sakin ni Lucas ng mapansin nyang wala akong pake sa pangungulit nya at nagmamadali akong lumabas .

"Pakialam mo ba ?"

"Kahit kailan talaga napakasungit ."Tinalikuran ko nalang sya dahil wala akong mapapala sakanya nagtungo agad ako sa office ni Rye hindi naman sya natulog sa bahay kahapon umuwi rin sya pagkatapos nyang kumain kahit anong pilit ko sakanya hindi talaga pumayag baka ano pa daw ang mangyare kapag natulog pa daw sya dun sobrang natatawa ako sa pinagsasabe nya kagabi .

Pipilipitin ko na sana ang pinto ng may naririnig akong parang may ibang tao sa office nya sumulip ako sa maliit na butas nasa loob nga ang co - teacher mo mukhang may pinag - uusapan hindi ako makapasok dahil magtataka si ma'am kapag inaya lang kitang kumain .

Tumalikod nalang ako para magtungo sa Cafeteria kakain nalang akong mag - isa dahil gutom na ako sasabihin ko nalang sakanya na dumaan ako sa office nya pero may kasama sya kaya hindi ako tumuloy.

"Oh bakit ka nag - iisa dito sungit na aso ?"ayan na naman sya kailan nya kaya papatahimikin ang buhay ko .

"Wala ka bang Girlfriend at ako ang kinukulit mo?"irita kong baling sakanya na nakaupo na sa tabi ko ng hindi man lang nagpaalam .

'Sarao itulak .'

"Ikaw ang Girlfriend ko ."

"Tigilan mo ako Lucas ha ,"inis kong tingin sakanya dahilan ng pagtawa nya ng malakas na napapatingin sa amin ang ibang estudyante dahil sakanya oh siguro nakuha na naman nya ang atensyon ng iba dahil may istura naman sya .

'Mas lamang nga lang ang boyfriend ko.'

"Bakit ka nga pala nag - iisa dito akala ko ba sasabay ka sa boyfriend mo?"pang - iinis naman nya sa akin na inirapan ko nalang alam naman nyang hindi ako nakasabay nagtatanong pa .

"Oh dahil may ibang kasabay ang boyfriend mo ?"Napatingin naman ako sa tinuturo ng mata nya sa ibang lamesa at si Rye nga at co- teacher nya na magkasamang kumakain.

Kumpara sakin mas sexy nga sya maganda na matalino pa naging teacher ko sya dati wala pa syang boyfriend dahil na traffic daw para sakanya .Kung titingnan sila parang sila ang magkasintahan bagay nga naman sila walang hadlang pwede ang relasyon nila agad naman akong napasimangot sa pinag - iisip ko .May pag - uusapan lang siguro sila pagpapatatag ko sa sarili ko .

"Ang ganda ng kalaban mo ."

"Mas maganda ako ."Akala nya ha magpapatalo na naman ako sa pang - iinis nya .

"Sabe ko naman sayo e ako nalang ."

"Yuck mandiri ka nga."

" Sa gwapo kong to tinatanggihan mo pa ako ."Pinandilatan ko naman sya ng mata hindi pa rin maalis ang tingin ko kila Rye syempre hindi ko mararanasan yan ang makasabay syang kumain sa labas ng office nya .Ang saya saya nila kung mag - usap sila alam ko naman na hindi dapat ako magselos dahil ako naman ang mahal ni Rye normal naman na makipaghalubilo sya sa mga kapwa nya guro pero hindi ko lang maiwasan .

"Oh saan ka pupunta susugurin mo sila ?"awat ni Lucas sa kamay ko na agad ko naman inalis parang baliw bat ko naman susugurin hindi ako mag - eeskandalo dito noh .

"Ewan ko sayo ang sakit nila sa mata kaya aalis ako ."

" San ka pupunta ?Kawawa naman ang aso ko ,"Pang - iinis nya pa pero hindi ko na sya pinansin iniwan ko na sya .

"WAG KANG MAGPAPAKAMATAY ASO KO !"sigaw nya pa na nabaling na naman ang atensyon ng lahat sakanya pati si Rye napatingin na rin dali dali akong tumakbo nakakahiya sya sasakalin ko talaga sya mamaya .

Pumunta ako sa likod ng building namin umupo ako sa damuhan bukod sa rooftop isa rin to sa tambayan ko walang tao pwede akong umiyak ng walang makakakita.
Simoy ng hangin maaliwas na matatawanaw malinis dahil lagi itong nililinisan .

"Hi ?"

"Bakit ka na naman nandito ?"Kailan nya ba ako papatahimikin .

"Baka kase magpakamatay kana sa selos ,"tawa tawa nya pang saad na animo'y may nakakatawa talaga."Hindi ka ba nahihirapan sa setup mo ?"dagdag nya na kinabaling ko sakanya .

"I mean hindi kayo makapaglantad dahil hindi pwede ."

"Mahal ko sya kaya kong magtiis para sakanya kahit gaano kahirap ."

"Iba talaga ang pag - ibig napapaamo ang mabangis na aso ."agad ko naman syang siniko ang ganda ganda ng usapan lalagyan nya namang kalokohan .

"Ayan ngumiti kana ,"hindi ko maiwasan na mapatawa dahil sa pagtawa parang nakakaakit na gustuhin mo ring ngumiti sa mga tawa nya .

My ProfessorWhere stories live. Discover now