CHAPTER 19

175 19 0
                                    

CHAPTER 19

"Hindi ka ba talaga boyfriend ni Cha ?"pangungulit pa ni Seira kay Lucas hindi ba sya titigil .

"Depende naman yan sakanya kung papayag syang maging boyfriend ko ,"loko lokong tawa ni Lucas kahit kailan talaga inirapan ko nalang sya ayaw ko manapak sa harapan ni tita .

"So nililigawan mo sya ?"

"SEIRA !"pinandilatan ko sya ng mata ko pero ang bruha tinawanan lang ako sabay sabay naman sa trip nya si Lucas.

"Kung pwede nga lang ligawan e ."

"Bakit hindi diba Cha ?"

"EWAN KO SENYO !"lumipat nalang ako ng puwesto dahil kapag hindi talaga ako nakapagtimpi masasapak ko silang dalawa sa harap ni tita .

Inayos ko nalang ang mga dala naming mga prutas na binili namin bago kami pumunta dito . Nabaling ako kay Abby na hindi pa rin nagigising sabi ni tita hanggang ngayon wala pa rin daw silang nahahanap na donor sakanya baka kailanganin pa nila mangibang bansa kapag hindi na talaga kayanin ng puso nya .

Atleast ngayon dahil sa kalokohan ni Lucas napapatawa nya si Seira kapag kase dati parang namatay na si Abby ang mukha nya kapag pumupunta ako dito wala naman akong magawa para patawanin sya siguro mabuti maging mabait ako kay Lucas para makisama ako sakanya na samahan nya ako tuwing dadalaw ako sa hospital.

Kung kailangan tiisin ko ang mga pang - aasar nya sa akin araw - araw at mga kalokohan nya gagawin ko para kay Seira .Makita lang syang tumatawa parang okay na ako atleast nakulangan ang dinadala kong sakit .

Hanggang ngayon wala man lang akong natanggap na mensahe kay Rye siguro sobrang busy nya dapat iwasan ko na rin pagiging selosa ko na kahit trabaho lang pinagseselosan ko na .

"Cha liligawan ka daw ni Lucas mukhang magkakajowa kana Bes ha ninang ako sa kasal nyo ,"mukhang malapit na sila sa isa't isa ha kahit ngayon lang sila nagkita.

"Bes mas bagay kayo kaya ang ikasal pwes kayo rin naman nagkakasundo ,"ngisi ko sakanya na kinairap nya .

"Bes mas bagay kayo kaya support ako wag mo ibaling sa akin maganda ka daw kase masyado sabi ni Lucas kaya na love first sight sya sayo ."

"Kadiri magtigil nga kayo ,"suway ko sakanila na kinatawa lang nila bagay talaga sila kahit walang nakakatawa tumatawa .

"Bes una ba kami ginagabi na si Lucas e inistorbo ko pa ,"paalam ko kay Seira at sa kay tita .

"Okay lang sge po Tita magandang gabi po mauna na kami ,"paalam din ni Lucas na tunanguan lang kami .

Palabas na kami ng hospital ni Lucas pero lahat ng nurse na nadadaanan namin nakangiti sakanya hindi naman artists tong kasama ko e kahit gwapo sya ganun ganun nalang ngitian .Ang lalandi rin ng mga nurse na to sana inasikaso nila mga trabaho nila hindi ang mukha ni Lucas ang pinagkakaabalahan halos tumulo na laway nila kakatitig kay Lucas ah .

"Kain muna tayo bago kita ihatid sainyo nagugutom na ako e ,"tumango na lang ako sakanya dahil nagugutom na rin ako .

Pumara sya sa malapit na nadaanan namin na restaurant sa bandang likod kami umupo .Nag - order lang sya sabi ko sakanya sya nalang bahala sa kakainin namin sumandal ako gilid parang inaantok na ako .

"Here's your order ma'am and sir !"nilapag na ng waitress ang mga pagkain mukhang ang dami mauubos ba namin to ?

"Ang dami naman ng inorder mo Lucas makakain ba natin lahat ng to ?"

"Kaya natin ubusin yan gutom na gutom na ako ."Hindi nalang ako nagsalita halata ngang gutom na gutom halos lantakan na lahat ng pagkain nagsimula na rin akong kumain baka mamaya maubusan pa ako kakapuna ko sa pagkain nya .

"Napagod ako makipagdaldalan sa kaibigan mo ganun ba sya talaga ?"

"Salamat pala dahil sayo ganun lang sya ulit tumawa simula nung nahospital ang ate nya ,"saad ko sakanya na kinatango nya .

"Ano nga pala ang sakit ng ate nya ?sa kakadaldal ko kase sakanya hindi ko na yun natanong sakanya iba rin kase ang mga pinag - uusapan namin e ."

"Mahina ang puso ng ate nya kailangan nila ng donor pero hanggang ngayon wala pa ring nahahanap."

"Ah hindi pa ba sya nagigising ?"

"Hindi pa daw stable ang kalagayan nya sabi ng doctor."

"Ang ganda nya sana ,"agad ko naman syang siniko sa sinabe nya kahit nakaratay na pinagpapatasyahan nya pa rin kahit maganda naman talaga si ate Abby .

"Ano ka ba Cha muntik ko ng matapon sa mukha ko ang Lumi kahit kailan hindi kana nagtigil kakasapak sakin baka bukas ako na nakaratay dun ."

"Tigilan moko Lucas naririndi ako sayo hindi ko talaga natitiis mga kalokohan mo !"inis na inis kong saad sakanya na kinatawa naman nya sarap din sakalin nito e tuwang tuwa kapag nakikita akong naiinis dahil sakanya .

"Tss .Mahal naman kita ."

"Yuck kadiri ka Lucas aish baliw kana talaga ."

"Ang cute mo talaga kapag naiinis e noh ?"hindi pa rin tumitigil kakatawa baliw na ata talaga to .

"Hindi ako aso Lucas para maging cute maganda ako !maganda !"

"Babagyo na ata ."

"EWAN KO SAYO!"

Medyo natagalan kami lumabas sa restaurant na kinainan namin dahil talagang inubos nya talaga lahat ng orders nya wala sa bukabularyo nya ang salitang take - out .

"GOODNIGHT!"sigaw nya saken pagkababa ko sa kotse nya inantay ko sya umalis bago pumasok .

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon