CHAPTER 39

199 17 0
                                    

Chapter 39

Sobra isang buwan na rin araw - araw pumupunta si Rye sa office ko tinutupad nya talaga ang sinabe nya sa akin na liligawan nya ako araw - araw na hindi nya nagawa noon dahil sa kaharutan ko nung highschool ko ako pa ang nanligaw sakanya .

Tuwing naalala ko ang highschool life ko yung pagiging patay na patay ko sakanya napapangiti nalang ako .Yung mga kalokohan ko sakanya noon isang achievement ata sa akin noon na napaibig ko ang proffesor ko .

Kahit nawalan ako ng bestfriend hindi ko rin naman maiwasan minsan na maiyak tuwing maalala sya pero masaya na rin ako dahil ganun talaga ang buhay kailangan tanggapin dahil wala namang permanente sa mundo .

Yung mga schoolmate kong pilit nakikipagkaibigan sa akin dahil sobrang ilap ko yung boy bestfriend ko na nakapag - asawa na hindi ako nakapunta dahil nasa States ako noon pero masaya ako para sakanya .

Si Lucas naman hanggang ngayon hindi pa rin kami nag - uusap nasa iisang office kami pero hindi kami nagkikita siguro sya na ang umiiwas para sa akin .Napatawad ko naman sya siguro oo niloko nya ako pinasaya nya ako sa mga kasinungalingan pero kahit papaano naging magkaibigan din kami kaya kapag nakapagtyempo ako kakausapin ko rin sya .

Sa ngayon focus ako sa trabaho ko dahil malapit na ipasa sa akin ang pagiging CEO hindi naman ako pressurred pero gusto ko magpursigi dahil para sa akin din lahat ng ito . Nagalit rin ako kay mama pero inintindi ko nalang sya dahil magulang ko sila nag - aalala lang sila sa akin noon kaya nila nagawa ang bagay nila na yun. Akala nila makakatulong sa akin yun pero naiintindihan ko sila ayoko magtanim ng galit ni isa sakanila.

"Ma'am yung manliligaw nyo po nandyan na ,"saad sa akin ng secretary ko na napangiti naman ako dahil kami naman talaga ulit pero araw - araw liligawan nya daw ako .

Araw - araw pumupunta sya sa office ko para magdala ng rosas minsan kapag busy sya nagpapadala pa rin sya ng bulaklak sa akin .

"Flowers for the beautiful lady ,"abot nya sa akin sa dala nyang bulaklak na agad ko naman tinanggap .Ang mokong na ito late masyado manligaw .

"Tapos na ba ang trabaho mo pwede ko bang idate ang pinakamagandang babae sa harapan ko ngayon ."

"Bolero lumalaki na ang tenga ko dyan ha araw - araw nalang ganyan linyahan mo ."

"Hindi ako bolero nagsasabe lang ako ng totoo ,"pang - aasar nya pa sa akin .

"Saan ba tayo pupunta ?tanong ko sakanya .

"Kung saan kita nakilala ."

"What do you mean ?"naguguluhan kong tanong dahil ang natatandaan ko hindi kami nagkita accidentally dahil hinarot ko sya noon .

"Sa dati mong school,"saad nya na napangiti naman ako ."Kung saan una mo akong kinulit gusto kong alalahanin lahat kung paano tayo nagkakilala dahil ang saya lang balikan lahat ."

"Excited na tuloy ako balikan pagiging patay na patay ko sayo noon ,"saad ko na kinatawa nya .Totoo naman saming dalawa ako ang patay na patay sakanya noon hindi ko na itatanggi yun .


Dumating kami sa dati kong school nakilala agad ako ng guard listahan ba naman ako lagi noon ng late pumasok halos araw - araw nasa listahan nya ako ng mga late na estudyante.

Pinapasok nya agad kami dahil kay Rye nalaman ko rin na hindi na sya dito nagtuturo simula nung umalis ako dahil naalala nya lang daw lahat ng kakulitan ko sakanya sa office nya .

Diretso kaming pumasok papunta sa dati nyang office makikipasok lang kami dahil talagang may bago ng may - ari ngayon ng office nya noon .

Pasilip - silip kami sa office dahil mukhang may tao hindi kami pwedeng pumasok kaya umupo nalang kami sa gilid nito na upuan .

My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon