CHAPTER 36

189 18 0
                                    

CHAPTER 36

Kanina pa kami libot ng libot dito sa mall na ito tagabigbit ng mga gamit ko si Rye dahil pinalayas ko sya pero hindi talaga umaalis hanggang sa pagpunta ko dito sa mall sinundan ako kaya pinabitbit ko nalang yan ang bagay sakanya . Namili ako ng bagong damit ulit dadaan kami sa salon mamaya para sa buhok ko hanggang balikat ko gusto magpagupit .

Nauuna ako maglakad kay Rye ayoko sya kasabay kasalanan nya nagpilit pang sumama ayan tuloy nagmukhang bodyguard ko pero ang gwapo naman na bodyguard nito .

"Kakain muna tayo ,"saad ko sakanya .

"Hintayin mo naman ako ,"reklamo nya na inirapan ko nalang sinadya ko talaga damihan ang pinamili ko para magdusa sya at hindi na nya ako kukulitin pagkatapos nito baka madala sa pinaggagawa ko .

"Tara laro tayo sa arcade diba naalala mo dyan yung first kiss mo saken ."Pinagsingkitan ko naman sya ng mata ano sya reminiscing the past hindi na kailangan balikan .

"Hindi ko na maalala ,"palusot ko na kinatawa nya baliw na sya kahit walang nakakatawa kanina pa tumatawa .

"Hindi mo maalala ? "

"Hindi talaga ."

"Ikaw yung humalik sa akin pero kung hindi mo talaga maalala gusto mo halikan ulit kita dyan sa puwesto na hinalikan mo ako para maalala ."Napairap naman ako sa sinabe mga palusot nya hindi nya ako makukuha sa ganyan . Ano bang nakain nito ang seryoso naman nito noon ngayon parang mas maloko pa kay Lucas.

"Kiss mo mukha mo halika kana nga may ice cream dun oh gusto ko bumili ,"tinalikuran ko nalang sya nakita ko naman syang tawa - tawang nakasunod sa akin ang sarap nyang iligaw umuwi na kaya ako nabubuwesit na ako sakanya e kanina pa.


"Anong gusto mo ?"tanong ko sakanya habang nasa counter ako namimili ako ng flavor ng ice cream ako na ang bumili dahil nyang bitbit naawa naman ako kahit papaano .

"Ikaw ."

"Rye ang sabe ko anong gusto mo ?"

"Ikaw nga ang gusto ko matagal na ."Napaikot naman ang mata ko sa pinagsasabe nya nabubuwesit na ako ha .

"Oy nagbablush ."

"Blush mo mukha mo ang init lang kaya ganyan ."Bakit ba kase ako namumula siguro dahil sa sobrang buwisit ko sakanya na gusto ko na syang patayin sa utak ko dahil hindi naman nakakatuwa ang mga banatan nya ."Ano ba flavor ang sabe ko ha Rye umayos ka hindi kita bibilhan ,"banta ko sakanya na kinangisi nya lang napatingin naman ako sa casher na walang reklamo kahit kanina pa kami nastock dito sa line nakatitig lang sya kay Rye mukhag pinagnanasahan pa iba talaga buwisit na ito .

"Chocolate nalang ,"saad nya na humarap agad ako sa casher na kanina pa nakangiti kay Rye na parang tanga .

"Dalawang ice cream chocolate ."



"GOOD MORNING MA'AM !"masiglang bath saken ng bakla sa salon .

"Papagupit ako hanggang balikat lang ."Napatingin naman ako sakanya na napanganga kay Rye halos tumulo na ang laway kakatitig nya parang hindi napansin ang sinabe ko dapat talaga sakanya hindi pinasama e .

"Baka tapos munang titigan sya ,"saway ko sakanya na nabalik sya sa akin na tawang - tawa na kinairita ko naman .

"Halika ma'am pasok kayo hoy baklita asikasuhin mo si ma'am papagupit hanggang balikat daw gandahan mo ha dahil yari ka saken ."banta nya sa kasama nya na umupo nalang ako sa tinuro nilang uupuan ko.

"Ang ganda nyo po ma'am hindi mapagkakaila na gwapo rin ang boyfriend nyo ."

"Hindi ko sya boyfriend," saad ko habang sinisimulan na nya ang buhok at naghihintay sa labas si Rye .

"Ma'am hindi ka naman siguro showbiz para itago ang boyfriend mong sobrang gwapo ." Hindi nalang ako nagsalita dahil hindi naman sya maniniwala e kahit anong pilit ko .

"Ayan ma'am taraaannnnn dali tingnan mo mas lalo kang gumanda mas bagay pala sayo ang short hair ma'am ."Tiningnan ko naman ang sarili ko sa salamin napangiti naman ako sa resulta dahil bagay na bagay nga sa akin .

"Thank you ."

"Welcome ma'am balik kayo ulit ,"kaway sa amin ng mga bakla habang paalis na kami mga plastik as if naman ako gusto nila makita ang kasama ko lang naman habol nila pwes wala na akong balak bumalik dyan .

"Mas lalo kang gumanda ,"puri nya sa akin na parang nararamdaman kong nag - iinit ang mukha ko kaya hindi ko nalang sya pinansin nauna na akong pumunta sa kotse nya uuwi na kami dahil wala na kaming pupuntahan na iba .

Habang nasa daan kami panay tingin nya sa akin hindi nalang ako nagsasalita patingin - tingin nalang ako sa bintana sa mga nadadaanan namin parang naalala ko dati nung hinahatid nya ako sa bahay pero hindi ganito puro asaran pa kami sa kotse nya ako yung nauuna mangulit sakanya sa sobrang patay na patay ko sakanya noon parang achievement ko na yun na nakuha sya noon ganun ako kababaw .

Pinagbuksan nya ako ng pinto na hindi ko namalayan mabilis pa lang bumaba para mapagbuksan ako .

"GOODNIGHT!"saad nya na tumango naman ako tatalikod na sana ako ng hinigit nya ang kamay ko paharap.

"Ano ?"tanong ko na hindi nya ako sinagot sinalubong nya ako ng mapangahas na halik pilit akong nagpupumiglas dahil hindi ito tama may boyfriend ako pero hindi pa rin sya maawat kaya tinulak ko sya para dahilan na napahinto sya .

"Don't you ever dare na ulitin ulit yan may boyfriend na ako tigilan muna ako."

"Pero aminin mo man ako pa rin ang mahal mo ."

"Umalis kana ."


Humiga agad ako sa kama pagkatapos kong maligo napahawak naman ako sa labi ko hindi ko pa rin maiwasan na aminin sa sarili ko na apektado pa rin ako sakanya balewala ang anim na taon na ginugol ko sa States para kalimutan sya .

Napatingin ako sa cellphone ko na tunog ng tunog kinuha ko naman ito agad at bumungad sa akin ang call galing kay Lucas hindi ko alam paano ko sakanya sasabihin ang lahat dahil tiyak na magagalit sya .

"Hi ,"bungad ko sakanya sa camera parang bagong uwi palang sya galing trabaho nakipagvideocall na sa akin .

"Pasenya kana hindi kita nasamahan kanina sobrang busy kasw."Hindi nya masyado napapansin ang buhok ko dahil gabi na pero sinabe ko kase sakanya na magpapagupit ako .

"Ano ka ba okay lang yun ,"saad ko sakanya dahil parang guilty na hindi nya ako nasamahan ."Pagod na pagod ka ata ha ,"puna ko sakanya dahil wala na syang energy para makipag- asaran sa akin dati ganito puro kalokohan sya hanggang mabuwesit nya ako .

"Ah oo dami kase na trabaho na natambak sa akin ."

"Sge pahinga ka nalang huwag kana mag - alala sa akin okay naman ako ,"nginitian ko sya para ipahalatang ayos naman ang lahat maliban lang sa ginawa ni Rye kanina hindi na yun mauulit .

"I love you ."

"I love you too goodnight ,"saad ko at pinatay na agad ang cellphone ko para matulog hindi ko kayang makipagkuwentuhan sakanya ngayon dahil sa parang may kasalanan akong ginawa .

Pinatay ko ang lamp shade ko at pinikit ko na ang mata ko dahil ayoko mapuyat ngayon may trabaho pa ako bukas .

My ProfessorWhere stories live. Discover now